Lunes, Marso 11, 2013

Ang Taong Nagigipit...


Ang Taong nagigipit…
(Jn. 4:43-54)                       

May kasabihan tayong mga Pilipino: “Ang taong nagigipit, Sa patalim kumakapit.” Ang tao daw na parang wala nang ibang paraan upang masulusyunan ang isang problema, hahanap at hahanap nang ibang pamamaraan para magawan nang solusyon ito kahit na nga sa maling pamamaraan. Yung mga tao na desperado na upang malusutan ang isang pagsubok, gagawin lahat para kahit papaano ay maibsan ang pinagdadaanan.

Sa Mabuting Balita, ang opisyales ay desperado na din. Naghihingalo na ang kanyang anak na lalaki. Si Hesus na lang ang pag-asa niya. Naglakbay pa siya nang mahigit dalawang milya upang makiusap kay Hesus. Bawal ito para sa kanya sapagkat siya ay naglilingkod sa Imperyo nang Roma na kaaway nang mga Israelita. Sinabi ni Hesus: “Magaling na ang iyong anak.” Di na kinailangang pumunta si Hesus. At gumaling nga ang kanyang anak. Si Hesus ang pag-asa niya. Si Hesus ang kinapitan niya.

Sa ating mga Pilipino: “Ang taong nagigipit,kahit sa patalim kumakapit.”

Sa Ebanghelyo naman sinasabi sa atin: “Pag ikaw ay nagigipit, kay Kristo kumapit.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento