Mano Po!
(Mt. 19: 13-15)
Sanay na ako na ako ang nagmamano sa matanda. Pero noong naging pari
ako ay sila na ang nagmamano sa akin. Hindi talaga ako mapalagay sa
ganun. Dapat ako ang magmamano sa kanila. At saka yung matatanda ay
gumagamit pa ng po at opo kapag kausap ako. Ang hirap nun. Kala siguro
nila ang bait bait ko (he he he).
Nung tumagal ay nasanay na din ako. Kahit na ako ay bata (at mukhang
bata :P) nagpapamano na rin ako. Hindi dahil sa aking sarili kundi
iniisip ko na lang na sa pamamagitan ko ay dumadaloy ang pagbabasbas ni
Hesus hindi man ako karapat-dapat…
Pero ang hindi ko
makakalimutan ay yung isang bata na aking babasbasan. Nung itinaas ko
ang aking kamay ay itinaas din niya ang kamay niya…Kaya hayun…Apir ang
nangyari!
Sabi ni Hesus: “Hwag nyong pigilang lumapit sa akin ang mga bata. Sa mga katulad nga nila ang Kaharian ng Langit.”
Ang mga bata ay simbolo ng mga mahihirap at mga dukha (see the earlier post down with the title “Dakz).
Sa maraming beses tayo ay nagiging hadlang para di makalapit kay Hesus
ang maraming tao. Tayo pa ang naglalayo sa kanila. Kapag nagiging
masamang modelo tayo, kapag nang-aapi tayo, kapag nambibiktima
tayo…pinagbabawalan din natin sila na lumapit sa Diyos. Inililigaw pa
natin sila.
Nawa ay maging instrumento tayo ng paglapit ng ibang tao kay Hesus.
Mano po o Apir?!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento