Kayamanan
(Lk. 12: 13-21)
“The thing you do not want to give you do not own, it owns you.”
May isang kwento tungkol sa isang santo na taimtim na nagdarasal. May
isang mayaman naman na lumapit at nagbigay ng isang bag na puno ng mga
pera. Sabi ng mayaman: “Alam kong gagamitin mo yang pera na yan para sa
mga nangangailangan sapagkat ikaw ay lingkod ng Diyos.” Nagsalita ang
santo: “Hindi ko alam kung tatanggapin ko ito o hindi.”
Tinanong ng santo ang mayaman: “Mayaman ka ba? Marami ka pa bang pera?”
Sumagot naman ang mayaman: “Marami pa po akong pera sa aking bahay.”
Muli siyang tinanong ng santo: “Gusto mo pa ba na dumami ang iyong
pera.” Sumagot naman siya: “Gusto kong dumami pa ang aking pera kaya nga
nagtatrabaho akong maigi. At saka yun ang lagi kong ipinagdarasal, na
dumami lalo ang kayamanan ko.”
Iniabot ng santo ang pera sa
mayaman at sinabi: “Hindi ko matatanggap ang pera na ito.” Nagtaka ang
mayaman at nagtanong: “Bakit naman hindi mo yan tatanggapin.” Sumagot
ang santo: “Ang turo kase sa amin ay bawal kaming tumanggap ng kahit ano
ang mayaman mula sa mahirap. Hindi ka mayaman sapagkat wala kang
kasiyahan sa mga biyayang nasa iyo. Isa kang mahirap sapagkat hindi ka
kuntento sa nasa iyo.”
Ang mga bagay na hindi mo kayang ibigay ay hindi mo pag-aari; ikaw ang nagiging pag-aari ng bagay na iyon.”
Sa Mabuting Balita itinuturo sa atin ni Hesus ang tunay na mahalaga sa
mundong ito. Ang tunay na kayamanan ay walang iba kundi ang Diyos at ang
mga biyayang natatanggap ay dapat na ginagamit upang lalong
maparangalan ang Diyos sa pamamagitan ng pagbabahagi sa iba lalo na sa
mga nagangailangan.
Ang sabi nga ng Gaudium et Spes: “God
destined the earth and all it contains for all men and all peoples so
that all created things would be shared fairly by all mankind under the
guidance of justice tempered by charity.” (#69)
Ang tawag sa
pagbibigay sa nangangailangan nga mga bagay na hindi na natin kailangan
ay katarungan. Sabi ni St. Ambrose na quoted ng PCPII: “You are not
making a gift of your possessions to the poor person. You are handing
over to him what is his. For what has been given in common for the use
of all, you have arrogated to yourself. The world is given to all, and
not only to the rich.”
Sabi sa Yahoo News ay ito daw ang
pinakamayamang pinoy: Henry Sy and Family ($12 billion); Lucio Tan and
Family ($7.5 billion); Andrew Tan ($4.6 billion); Enrique Rason ($4.5
billion); John Gokongwei, Jr ($3.4 billion); Jaime Zobel de Ayala and
Family ($3.1 billion); Aboitiz Family ($3 billion); David Consunji ($2.7
billion); George Te and Family ($2.6 billion); Lucio and Susan Co ($1.9
billion).
Mapapansin natin na nasa ilang tao at pamilya ang
malaking kayamanan na sana ay ibinabahagi sa iba lalo na sa
nangangailangan. Hindi masama ang kayamanan lalo na nga at nakamit ito
sa makatarungang pamamaraan. Nagiging masama ito kung papaano ito
ginagamit. Ang sabi nga: “Ang yaman ay maaaring magamit sa pagpasok sa
langit; ngunit pwede rin itong magbulid sa atin sa impyerno.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento