Pork
(Lk. 12: 49-53)
(Ang kwentong ito ay galing kay kuya Norman Norman Novio at kinopya ko ng walang paalam, he he he)
"Naglalakad sa bukid ang isang pilosoper. Nakakita siya ng tanim na
kalabasa na hitik sa bunga na pawang malalaki. Sabi niya sa sarili,
"Mukhang mali ito. Malalaki ang bunga ng kalabasa ngunit ang kinakapitan
nito ay halaman lang kaya hayan tuloy nakasayad ito sa lupa."
Sa patuloy
niyang paglalakad ay nagawin siya sa isang puno ng duhat na hitik sa
bunga at sinabi muli sa sarili, "Tamo itong punong ito, ubod ng laki at
tibay pero anliliit naman ng bunga. Hindi totoong may Diyos, dahil kung
mayroon, ginawa niya ang mga ito ng naaayon sa katangian ng isa't-isa.
Sa babagayan ng puno sa bunga. Ang bunga ng kalabasa ay dapat sa puno ng
duhat at ang bunga ng duhat ay dapat sa halamang kalabasa."
Hanggang siya ay napagod at nagpahinga sa ilalim ng puno ng duhat.
Humampas ng malakas ang hangin at nagbagsakan sa kanyang ulo ang mga
maliliit na bunga ng duhat. "Ngayon alam ko na kung bakit ganoon. Kung
kalabasa ang bumagsak sa ulo ko, PATAY na ako!"
Matalino at
marunong ang Diyos at hindi natin kayang arukin ito. Gayun pa man ay ang
kalooban niya dapat lagi ang ating sinusunod. Ito dapat ang ating unang
pinapahalagahan.
Sa unang pagtingin ay tila hindi nararapat
ang sinabi ni Hesus na "Sa akala ba ninyo ay dumating ako para magbigay
ng kapayapaan sa lupa? Hindi, sinasabi ko sa inyo, kundi paghihiwalay."
Tila bumabangga ito sa katauhan niya na prinsipe ng kapayapaan.
Pangunahing pinapahalagahan kahit na saan mang kultura ang pamilya. Ang
sabi nga ay "blood is thicker than water." Kaya nga kapag meyembro na
ng pamilya ang pinag-uusapan ay ating ipinagtatanggol at ipinaglalaban.
At kahit na may maling nagawa ay ating pinagtatakpan. Kapag naliligaw ng
landas ang kasamahan ay nagbubulag-bulagan.
Pero kailangang
gumawa ng desisyon ang isang tagasunod ni Kristo. Kailangang una siya
lagi. May pagkakataong kailangan mamili kung pamilya o si Hesus, may
oras na kailangang iwan ang tahanan dahil sa plano ng Diyos...Mas mataas
pa sa pagpapahalaga sa pamilya ang pagpapahalaga kay Hesus.
Hindi pala pwedeng magpadala na lang sa agos. Kailangang gumawa ng
tindig para kay Hesus. Hindi pwedeng manahimik at sabihin na para ito sa
kapayapaan. Kailangang itama ang pagkakamali. Kailangang ang
katotohanan ay mamayani.
Tanggalin na ang Pork barrel!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento