St. Gianna Beretta Molla
(Jn. 12: 24-26)
Isang nanay ang nagdalang-tao para sa kanyang ika-apat na anak. Sabin
ng mga doctor ay hwag nyang ituloy ang pagbubuntis dahil meron siyang
tumor sa kanyang uterus at manganganib ang buhay niya dahil sa bata na
nasa kanyang sinapupunan. Ipinanganak niya ang bata. Makalipas ang isang
lingo binawian ng buhay ang nanay na ito.
Noong 2004 idineklara ni Pope John
Paul II bilang isang santo si Gianna Beretta Molla, ang nanay na
nagsakripisyo ng kanyang buhay para sa mabuhay ang kanyang anak.
Ang sabi ni Hesus: “Nananatiling nag-iisa ang butil ng trigo kung hindi
ito mamatay pagkahulog sa lupa. Ngunit kung mamatay naman ito, maraming
bunga ang idinudulot nito.”
Sa pagkamatay ni St. Gianna ang
buhay naman ng anak niyang si Gianna Emanuela ay nagpatuloy at naging
isang doctor. Sabi niya: “"The extreme sacrifice she sealed with her
life testifies that only those who have the courage to devote their
lives totally to God and to others are able to fulfill themselves."
Sa tulong din ng paghingi ng tulong sa santong ito, may mga nanay na
natulungan din upang magkaroon ng mirakulo ng pagpapagaling. Nawala man
ang santong ito pero hindi siya namatay sapagkat ang kanyang sakripisyo
ay nagpapatuloy sa puso ng nakakaalam ng kanyang pagbibigay ng buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento