Dakz
(Mt. 18: 1-5, 10, 12-14)
Sino ang kilala ninyo na may titulong dakila?
Alexander the Great, Charlemagne the Great, Constantine the Great,
Herod the Great, Kublai Khan the Great, Pompey the Great…Sila ay
itinuturing na dakila dahil sa kanilang nagawa bilang mga lider ng
iba’t-ibang bansa.
Leo the Great, Anthony the Great, Gregory the Great, John Paul II the Great…Sila naman ay binigyan ng titulo na dakila dahil sa kanilang naging papel sa paglago ng Simbahan.
Pero para kay Hesus sino kaya ang dakila?
Sabi ni Hesus: “Ang nagpapakababa gaya ng maliit na batang ito, siya ang pinakadakila sa Kaharian ng Langit.”
Ang bata ay simbolo ng mga taong walang boses sa lipunan, mga taong
nasa laylayan ng komunidad, mga taong di pinapansin, itinuturing na
basura at problema ng nasa kapangyarihan, mga taong walang inaasahan
kundi ang Panginoon, mga taong kinukutya at minamaliit ng nakakaangat,
mga taong walang mukha sa kasaysayan, mga taong walang pangalan kahit na
sa anong larangan, mga taong mababaho at walang alam...
Bakit
kaya sila ang pinakadakila? Ang sabi ni Hesus: “…talagang sinasabi ko sa
inyo na laging nasa harap ng aking Ama sa Langit ang kanilang mga
anghel sa Langit.” Yun pala…malapit pala sa puso ng Diyos ang mga
maliliit at mabababa. May malaking puwang pala sa puso ng Ama ang mga
“batang” ito.
At meron pang babala si Hesus: “Hwag nyo sanang
hamakin ang isa sa maliliit na ito.” Alalaumbaga, hahatulan tayo ng
Diyos sa kung anong klaseng pagtrato ang ginagawa natin sa mga dukha at
mga aba. Ang tumatanggap naman sa kanila ay para na ring si Hesus ang
kanilang tinatanggap.
Lagi nating isipin ang palay. Sa pagdami ng suhay ay siya namang pagyuko ng puno nito…
*tapos na ang basketball, abangan naman natin si Wesley So, at dalawa
pang pinoy sa Chess World 2013 na magsisimula ngayon. Makakalaban nila
ang mga pinakamagaling na manlalaro ng chess sa buong mundo. http://chessbomb.com/site/
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento