Maring + Habagat
(An appeal)
I returned.
Papunta sana akong Tagaytay para lumanghap ng malamig na hangin pero
dahil sa sama ng panahon ay hindi natuloy. Sumakay ako ng Jeep pauwi at
nakita ko sa daan ang maraming taong lumikas dahil sa baha. Sabi nung
driver ilang oras na lang at aapaw na ulit ang Marikina river dahil
tuloy-tuloy ang pagbaksak ng malakas na ulan.
Parang mga basang sisiw ang mga
taong lumilikas. Basa sila at nilalamig na. Yung iba marahil ay mga
gutom pa. Sigurado na sa mga eskwelahan at mga basketball court sila
titigil at tutulog hanggang sa lumipas ang taas ng tubig. Hindi rin nila
alam kung meron pang bahay silang babalikan. Aasa na lang sila sa mga
tulong na dadating sa kanila.
Mahirap talaga ang maging
mahirap. Lalo na pag ganitong kalamidad. Walang mapupuntahan. Walang
masisilungan. Wala man lang mainit na sabaw. Wala ding madudukot na
isinuksok. Aasa na lang sa biyaya ng iba. Walang kasiguraduhan ang
kinabukasan.
Kailangan talaga na laging handa. Kailangan din
na hindi ubos-ubos ang biyaya. Pero may mga pamilya talaga na kahit
anong gawin ay walang-wala. Sila yung nabubuhay na pag tumigil sa
paggawa ay nganga.
Tuloy-tuloy pa rin ang lakas ng pagbaksak
ng ulan ngayon. Marami sa atin ang nasa magandang lugar…may pagkain, may
maganda at tuyong higaan, may mainit na kape, at meron pang FB! (me one
of them) Marahil yung iba ay nanalangin pa na lumakas ang ulan para
walang pasok.
Kaya nga hindi kataka-taka na magalit si Ian Mulingbayan
. Sabi nya: “@&)&$)#%€£¥!!!! Umayos kayo! KUNG MAGDADASAL KAYO
IPAGDASAL NYO NA TUMIGIL NA ANG ULAN, DAHIL MARAMING MGA KABABAYAN NATIN
ANG NAHIHIRAPAN NA. WAG KAYONG SELFISH.. BUSET... — feeling annoyed."
Alalahanin natin yung mga taong nabiktima ng kalamidad na ito.
Ipagdasal natin sila na maging ligtas. Ipagdasal din natin na humupa na
ang pag-ulan. At tumulong din tayo magbigay ng pagkain o anumang bagay
na kailangan nila.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento