Mangyan Ako
(Jn. 1: 45-51)
Bakit nga ba mahilig tayong mag-kahon ng mga tao. Kapag nalalaman natin
ang pinanggalingan ng isang tao, binibigyan na agad natin ng kung
anu-anong adjectives at pangalan. Halimbawa:
Pag Muslim – nagtitinda ng DVD
Pag Taga-batangas – Barako
Pag Bisaya – Inday, katulong
Pag Taga Antique – Aswang
Pag Pinay sa ibang bansa – Domistic Helper
Pag Taga-Mindoro – Mangyan, may buntot
Hwag ganun...
Si Hesus naranasan din niyang ikahon. Sabi ni Natanael tungkol kay
Hesus: “May mabuti bang galing sa Nazaret?” Taga-Cana si Natanael at
nung panahong iyon may malakas ang pagpapagalingan at tunggalian ang mga
tao base sa kanilang pinagmulan. Dahil dito ay hindi niya matanggap na
si Hesus ang pangakong Tagapagligtas.
Pero nagbago ang pananaw
ni Natanael nung makilala niya kung sino ba talaga si Hesus. At nung
makasama at makausap na niya si Hesus nasabi niya: “Rabbi, ikaw ang anak
ng Diyos, ikaw ang Hari ng Israel.”
Ganun pala. Kailangang
makasama at makasalamuha natin ang isang tao upang lubos nating
makilala. Kinakailangan ng panahon, minsan ay mahabang panahon upang
maunawaan natin ang isang tao. At kailangan din ng kabukasan upang
matanggap sila.
Hwag tayong magkahon ng tao. Huwag nating husgahan ang isang tao base sa kanyang pinaggalingan o sa kanyang nakaraan.
*Hindi lahat ng pari ay mabait…Yung iba sobrang bait…At yung iba mabait, hindi lang halata!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento