Sige Pulaeh Pah!
(Mt. 18: 15-20
Bakit nga ba ganun? Pag galit ka sa isang tao lahat na ng kapulaan sa
kanya ay mapapansin mo! Titingnan mo mula ulo hanggang paa hanggang sa
makita mo ang kanyang kapangitan…
-dapa na ilong
-kulubot ng siko
-itim na kili-kili
-dami ng puting buhok
-dilaw na ngipin
-dami ng tagihawat
-laki ng balakang
-dami ng peklat sa paa
-laki ng mata
-layers ng bilbil
-patay na kuko
Bakit nga ba ganun? Kase nga mayroong galit at sama ng loob.
Sabi ni Hesus: “Kung nagkasala sa iyo ang iyong kapatid, puntahan mo
siya at kausapin nang sarilinan; at kung makinig siya sa iyo, naibalik
mo na sa dati ang pagsasamahan ninyong magkapatid.”
Marami sa
atin kapag may sama ng loob ay lumalayo at hindi pinapansin ang tao na
kanyang kinagagalitan. Kapag nakasalubong sa daan ay iiwas at hahanap ng
ibang daan kahit na malayo upang hindi niya makita ito.
Ang
iba naman ay hanggang sa pagtulog ay dala ang pagngingitngit samantalang
ang taong kinagagalitan ay ansarap-sarap ng pagtulog. Sasabihin pa:
“Siya ang mali kaya dapat siya ang unang lumapit!” Ang tanong: Sino ang
iyong pinahihirapan? Walang iba kundi ang iyong sarili!
Kaya
nga magandang sundin ang sinasabi ni Hesus. Kailangang magkausap. Kahit
na siya ang mali ay ikaw na ang lumapit sa kanya. Sa ganitong pamamaraan
ay mapapalaya mo ang iyong sarili.
Tandaan natin na maikli lang ang buhay kaya hwag nating aksayahin sa pagmumukmok at sama ng loob.
Panu ba yan…di mag-usap na lang tayo!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento