St. Maximilian Kolbe
Kasagsagan ng World War II at tinutugis ng mga Nazi ang mga Hudyo upang
patayin. Isang pari ang nagkubli sa mahigit 2,000 na mga Hudyo. Hinuli
siya ng mga Nazi at dinala sa concentration camp. Dito ay may mga
nakatakas na mga Hudyo at upang matakot at wala ng tumakas ay pumili
sila ng sampon upang gutumin hanggang sa mamatay.
Isang bilanggo ang nagmakaawa na huwag siyang isama
sa mga papatayin sapagkat meron siyang asawa at mga anak. Naninig iyon
ng pari at sinabi niya na siya na lamang ang isama. Dinala siya sa
kulungan. Sa kulungan ay palagi siyang nagdasal at nagmisa. Makalipas
ang dalawang lingo ay namatay ang siyam niyang kasama. Ang pari naman ay
tinurukan ng gamot upang mamatay.
Noong 1991 ang paring ito ay
ideneklarang beato ni Pope Paul VI bilang “confessor of faith.” Noon
namang 1992 siya ay idineklara ni Pope John Paul II bilang isang
martir. Ang paring ito ay si St. Maximilian Kolbe.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento