KSP
KSP ka ba?
Pag nabanggit ang KSP ang pumapasok agad sa isip natin ay Kulang Sa
Pansin. Ito daw yung mga tao na gusto lagi ay sila ang bida. Gusto lagi
na nasa kanila ang atensyon nang lahat nang tao. At nagagalit sila pag
di sila pinapansin. Pero alam nyo ba na may iba pang klase nang KSP?
Tingnan natin:
Kulang Sa Palo: ito yung mga taong alam na mali ay ginagawa pa rin ang isang bagay para sa kanyang sarili.
Kulang Sa Pangaral: ito yung mga taong tila hindi nadisiplina nang mga
magulang. Kung nadisiplina man ay lampas sa kabilang tenga ang mga
pangaral nang magulang.
Kulang Sa Pakikisama: Mga taong suyuin
mo na ay hindi ka pa rin pagbigyan. Ang kanilang mundo lang ang umiiral
at wala nang iba pa. Ito yung mga taong ang nais ay sila ang pakibagayan
sapagkat ang mundo ang may problema at hindi ang sarili.
Kulang Sa Pagmamahal: ito yung mga taong hindi nakadama nang pagtanggap.
Marahil ay naging biktima nang rejections at pambu-bully kaya naman
iniisip nila na sila ay hindi katanggap-tanggap. Mismong sarili nila ay
hindi matanggap.
Kulang Sa Pera: ito yung mga tao na kahit
gaano kalaki ang halaga nang pera na hawak ay wala pa ring kaligayahan.
Kahit na nga ang buong mundo ay hindi makakasapat upang lumigaya.
Kulang Sa Paligo: kilala nyo sila. Amuyin nyo ang inyong sarili para malaman ninyo kung kasama kayo sa uri nang KSP na ito.
Kulang Sa Pananampalataya: ito yung mga tao na ang pamantayan ay “to
see is to believe.” Mga tao na sarili lang ang pinagtitiwalaan.
In one way or another tayo ay KSP. Meron tayong kakulangan. Di tayo
perpekto. Ito yung dahilan kaya tao ay lumalapit sa Diyos. Sa ating
puso ay may puwang na ang Diyos lang ang makakapagpuno. Di natin
mahahanap sa mundong ito ang magpupuno dito.
Sana kapag
nakaranas tayo nang pagiging KSP, kapag nararamdaman natin ang ating mga
kakulangan, lumapit tayo sa Diyos at manalangin na punuin tayo nang
kanyang pag-ibig.
*May isa pa palang uri ng KSP sabi ng taga Paluan: Kulang-kulang Sa Pacebook! ha ha ha...
Miyerkules, Hulyo 31, 2013
Lunes, Hulyo 29, 2013
On Billy and Nikki
On Billy and Nikki
“I need to find myself” (Hahanapin ko muna ang sarili ko). Ito ang
sinabi ni Billy tungkol sa kanilang paghihiwalay ni Nikki. Matagal na
silang magkasama, marami na silang pinagdaanan, at mahal nila ang
isa’t-isa. Pero bakit nga ba sa kabila ng mga ito ay sa hiwalayan mauuwi
ang lahat.
Maraming pakahulugan ang mga salitang “hahanapin ko
muna ang sarili ko.” Naalala ko sa mga hinuhubog sa seminaryo ito rin
ang tema ng tungkol sa paglago, ang kilalanin ang sarili. Kailangang
maging mabuting tao muna bago isipin ang pagiging pari. Ang sabi ng ni
Socrates: “an unexamined life is not worth living.”
Ang
paghahanap ng sarili ay di lamang isang existential question, ito rin ay
isang religious question. Sa puso kase natin ay may puwang na Diyos
lamang ang makakapuno. Kadalasan hinahanap natin ang pupuno sa puwang na
ito sa maraming bagay dito sa mundo: kayamanan, kasikatan,
kapangyarihan.
Kahit na nga ang relasyon natin ay sinusubukan
nating ipampuno sa puwang na ito. Kapag nagmamahal akala natin ay iyon
na ang lahat. Dito na umiikot ang mundo natin. Wala ng ibang kailangan.
Pero hindi iyon makakasapat. May mga oras na tila sapat na at kumpleto
ang buhay kapag nakasama na ang minamahal. Pero tandaan natin na ang
damdamin ay lumilipas. Ang puwang na ito ay Diyos lamang ang makapupuno.
Pakiramdam natin ay may hinahanap tayo na hindi natin maintindihan.
Maaaring nasa iyo na ang lahat pero wala pa ring kasiyahan kung meron
man ay pansamantala lang. Ang Diyos kase ang hinhanap ng ating puso.
Minsan sa buhay kailangan munang lumayo upang maintindihan ang
nangyayari. Naalala ko yung sinabi ni Bishop Ben Famadico: “Pag pumunta
ka daw sa isang parang at makakita ka ng magandang lawa, doon na
matotoon ang pansin mo. Ang iyong atensyon ay doon mo na ilalaan. At
dahil dito hindi mo na mapapansin na ang magandang lawa ay bahagi ng
isang magandang kaparangan. Kailangang lumayo sa lawa upang makita ang
kaugnayan nito sa kabuuan.”
Ganito din sa buhay. Minsan
kailangan lumayo, kailangang ng “space,” kailangan na manahimik upang
mas lalong malaman ang tunay na nangyayari at kung saan patutungo ang
isang paglalakbay. Masakit man ang paglayo pero hindi ibig sabihin nito
ay nagbago na ang nararamdaman. Maaaring pa ngang ito ay makakabuti sa
isa’t-isa, isang pamamaraan ng pagpapakita ng tunay na pagmamahal.
Pero hwag mag-alala. Sabi nga ng Bread: “Saying goodbye doesn’t mean forever…doesn’t mean we’ll never be together again.”
Hanggang dito na lang muna…hanapin ko muna ang sarili ko!
*Nauna pang magsulat tungkol sa hiwalayang Billy at Nikki kesa sa World Youth Day…
Linggo, Hulyo 28, 2013
Cramming
Cramming
(Paggunita kay Santa Marta)
“We talk of time while time quietly kills us.”
Last week, pinlano ko na ang mga gagawin ko para sa buong lingo. Maglilinis ng kwarto. Mag-aayos ng mga libro. Mag-e-edit ng mga articles. Mag-che-check ng mga exams ng mga estudayante. Maghahanda ng lessons. Inisip ko pagdating ng lingo ng gabi ay relax na lang ako.
Pero yung mga plano ko ay hindi nangyari. Kalat pa din ang mga libro. Madumi pa din ang kwarto. Walang nagbago sa mga article. Lunes na bukas ay hindi pa handa ang lessons para sa mga estudyante. Cramming na naman.
“We talk of killing time while time quietly kills us.”
Sabi ni Marta sa Mabuting Balita: “Panginoon, kung naririto ka, hindi sana namatay ang kapatid ko.” Masasalamin natin dito ang papel ng oras sa isang buhay. Ang totoo nun ay hindi naman talaga umiiral ang oras. Ang oras ay pamamaraan natin upang sukatin an gating paggalaw. Ito ay isang istrumento upang tukuyin ang nakaraan, ang kasalukuyan at ang hinaharap. Ang ating paggalaw ang nagbibigay ng laman sa oras.
Pero sa paggalaw na ito sana ay masalamin kung gaano kahalaga na maintindihan nating ang paggalaw ng Diyos. Si Marta ay maituturing na isang taong laging abala. Maraming alalahanin sa buhay. Hindi pwedeng tumigil. Kailangang magtrabaho. Pero alam niya kung gaano kahalaga ang presensya ni Hesus sa buhay ng bawat isa. Si Hesus pala ay kailangan sa bawat oras.

Hindi natin kayang ibalik ang nakaraan pero pwede tayong matuto dito. Wala pa ang kinabukasan pero pwede nating gamitin itong gabay sa ating paglalakbay. Ang meron ay ang ngayon na dapat na ituring na mahalaga.
I talk of killing time while time quietly kills me!
*Tama na muna ang fb, work naman.

Biyernes, Hulyo 26, 2013
The Problem of Evil
The Problem of Evil
(Mt. 13: 24-30)
Ang isa sa pinakamalaking isyu na kinailangang harapin ng pilosopiya at ng relihiyon ay ang tungkol sa kasamaan (evil). Bakit nga ba may kasamaan sa mundo? Ilan sa mga halimbawa nito ay masasalamin natin sa mga katanungan na: bakit may paghihirap? Bakit may karamdaman? Bakit may kamatayan?
Kung ikakahon natin ang kasamaan at kung bibigyan natin ito ng kahulugan ito ay ang kawalan ng kagandahan (absence of good). Hindi pag-iral ang kasamaan, ito ay ang kakapusan ng kagandahan na sana ay matatagpuan.
Halimbawa: ang kahirapan ay kawalan ng kayamanan na sana ay nandun; ang karamdaman ay ang kawalan o kakulangan ng tamang kalusugan; ang kamatayan ay ang kawalan ng buhay.
Pero bakit nga ba may kasamaan sa mundo? Kung ang Diyos ay perpekto at purong kabutihan, bakit nakakaranas ang kanyang nilika ng kakulangan at kawalan ng kabutihan?
Ito ay sinasagot ng Mabuting Balita. Ang nilikha ay parang isang taniman. Tinaniman ng mabuting punla pero may mga tumubong mga damo. Hinayaan muna na sabay na tumubo pero sa panahon ng animan ay doon ihihiwalay. Hinayaan na sabay na mabuhay upang maiwasang madamay ang tanim kung ang mga damo ay puputulin.
Yun pala ang dahilan kung bakit merong kasamaan. Hindi gawa ng Diyos ang kasamaan. Pero hinahayaan niya ito sapagkat meron siyang magandang plano. Mula sa kasamaan ay merong magandang susuhay dito. Mula sa kakulangan ng kagandahan ay may kabutihang bubukal.
Kaya nga hwag na magmukmok. Sabi nga ni Kikay: “When the wrong people leave your life, the right things start happening.”

Huwebes, Hulyo 25, 2013
Ang Totoong Mapalad
Ang Totoong Mapalad
(Mt. 13: 18-23)
“Mapapalad ang inyong mga mata na nakakakita at ang inyong mga tainga na nakakarinig.”
Naranasan mo na bang mabingi? Yung wala kang mapakinggan? Mahirap ang mabingi…
Noong minsan ay sumakit ang tenga ko. Di ko malinaw na mapakinggan ang sinasabi ng kausap ko. May parang ugong na naririnig sa loob ng tenga ko. Nagpunta ako sa hospital at nagpasuri sa doctor. Sinilip ng doctor ang tenga ko. Namamaga raw ang aking eardrum. Maaring nasundot ito habang nililinis ko ang tenga ko.
Niresitahan ako ako ng pampatak sa tenga ko. Sabi ng doctor ay hwag ko daw susundutin ang loob ng tenga ko at maaapektuhan ang aking pandinig. Parteng labas lang daw ang linisin. Dagdag pa nung doctor: “Yang earwax ay inilagay ng Diyos para maprotektahan ang iyong tenga.”
Gumaling ang aking tenga at mula noon ay hindi na ako naglilinis ng aking tenga….parteng labas na lang nito.
Mapalad tayo na malinaw ang ating pandinig. Pero sabi ni Hesus ay mapalad yung mga tao na nakasama niya sapagkat hindi lang sila nakapakinig, ang napakinggan nila ay yung mga salita ni Kristo. Mapalad sila na nakakakita, ang nakita nila ay si Hesus. Matagal ng hinulaan ng mga propeta ang kaniyang pagdating at mapalad ang mga tao na nakasama siya.
Ang gusto natin ay may personal na karanasan sa isang taong ating hinahangaan. Tingnan na lang natin yung mga pinoy na pumila ng matagal upang makakuha ng tiket upang makita ng personal si Lebron James. Para sa kanila, sulit ang paghihirap sapagkat napanood nila ng personal na maglaro ang kanilang idolo kahit na saglit lang. Mapalad sila.
Ganun din sa relasyon kay Hesus. Siguro kung dadating si Hesus sa isang isang taon marami sa atin ang ngayon pa lang ay pipila na upang makita si Hesus at mapakinggan ang kanyang tinig. Mapalad kase ang may personal na karanasan sa kanya.
Pero meron pang mas mapalad sa kanila. Sabi ni Hesus: “Higit na mapalad ang nakikinig ng Salita ng Diyos at tumutupad nito.”
Malinaw na nakakita ang mata mo, mapalad ka!
Malinaw na nakakapakinig ang iyong tenga, mapalad ka!
Tinutupad mo ang Salita ni Kristo, mas mapalad ka!

Church of the Poor
Church of the Poor
Noong sabado isang artikulo sa Philippine Daily Inquirer ang isinulat ni Artemio Panganiban tungkol sa Simbahan bilang Church of the Poor. Sa pagkakatong ito nais ko namang sundan ang mga kaisipan ni Guztavo Gutierrez tungkol dito sa kanyang sinulat na Povery: Solidarity and Protest.
Mayroong tatlong pakahulugan ang salitang kahirapan. Una, ito ay tumutukoy sa kalagayang mateyal. Kapag hindi napupunan ang mga pangangailangan ng isang tao at ng kanyang pamilya siya ay itinuturing na mahirap. Sila yung mga nasa laylayan ng lipunan na walang wala at ang mga pangunahing kailangan upang mabuhay ng marangal ay hindi masolusyunan. Sila yung ang buhay ay hindi buhay tao sapagkat ang kanilang kalagayan ay katulad ng sa hayop.
Ikalawa, maaaring ito ay tumukoy din sa kahirapang espiritwal. Ito naman ay tungkol sa pamumuhay na hindi nakasalalay sa kayamanan. Ito yung mga tao na hindi attach sa kayamanan, malaya nilang maibibigay ang mga bagay na nasa kanila. Sa pagtingin na ganito, ang isang maraming pag-aari ay pwedeng magkaroon ng pusong mahirap at ang mga taong nangangailangan ay pwedeng maging mayaman sa kanilang puso.
Ang ikatlong uri ay yung kahirapan bilang isang desisyon. Ito yung mga tao na iniwan ang kamanan at pinili na maging ang buhay ay payak at hindi nakayakap sa kayamanan. Ito yung mga tao na nanumpa na magiging mahirap.
Pero ano nga ba dito ang tunay na pakahulugan kapag sinabing Church of the Poor?
Ang kahirapan ay sentrong tema sa Bibliya. Isa itong iskandalong sitwasyon sapagkat ito ay hindi naaayon sa kalooban ng Diyos. Katunayan ang mga propeta ay tumuligsa sa mga namumuno na siyang dahilan kung bakit may mga naghihirap. Ang kahirapan ay hindi isang kapalaran; ito ay bunga ng kasakiman ng mga taong nasa kapangyarihan. Ang mga mahihirap ay mga biktima ng mga swapang na nasa itaas ng lipunan.
Ayaw ng Diyos na maghirap ang kanyang nilikha. Ito ay hindi naaayon sa turo ni Moises…pinalaya ng Diyos ang kanyang bayan sa kaalipinan mula sa Egipto sa pangunguna ni Moises. Ito rin ay hindi naaayon sa dangal ng tao sapagkat nilikha ng Diyos ang tao na kanyang kawangis. Ang kahirapan ay ang kawalan ng pagmamahal.
Hindi nais ng Diyos na ang bawat isa ay maghirap. Gusto ng Diyos na ang lahat ay masaya at walang naiiwan. Kaya nga yung mga unang kristiyano kanilang ipinagbili ang mga sobra nilang pag-aari at ito ay tinitipon upang ipamahagi sa mga nangangailangan. Ang dahilan kung bakit niyayakap ang kahirapan ay sapagkat merong dapat na tulungan.
“Christian poverty is not a question of idealizing poverty, but on the contrary of taking it on as it is – an evil – to protest against it and to struggle to abolish it."
*Bakit nga ba di binanggit ni Pnoy ang tungkol sa pork barrel?

Miyerkules, Hulyo 24, 2013
Walang Hiya
Walang Hiya
(Mt. 20: 20-28)
“Saan kayo kumukuha nang kapal ng mukha?”
Ito ang mga matatapang na salita na sinabi ni Pangulong Noynoy tungkol sa mga ahensya ng pamahalaan na ayaw sumunod sa kanyang pamumuno na daan ng matuwid. Ito ang katanungan niya sa mga kawani ng pamahalaan na kunwari ay naglilingkod at nagsisilbi sa bayan pero sariling interes din lang pala ang inuuna, ang iniisip din lang pala ay ang sariling kapakanan.
Pero hindi lang ito tanong para sa mga kawani ng gobyerno. Ito ay tanong din para sa ating lahat: “Saan ka kumukuha ng kapal ng mukha?”
Sa Mabuting Balita pinakiusapan ng ina ng dalawang alagad si Hesus na ang kanyang dalawang anak ang siyang umupo sa kanan at kaliwa ng luklukan ni Hesus sa kaharian nito. Malaki ang hinihingi ng ina. Sabi ng mga biblical scholars, ang bahagi daw na ito ng Bibliya ay totoong nangyari sapagkat malaking kahihiyan ito na malaman ng iba na sa mga alagad ni Hesus ay may naghahangad na maging una.
Pero sumagot si Hesus: “Ang may gustong maging dakila, siya ang maging lingkod ninyo; ang may gustong mauna sa inyo, siya ang maging alipin ninyo.” Yun pala ang pamantayan ni Hesus. Ang paglilingkod ng totoo ang siyang pamantayan ng pagiging dakila.
Kaya magandang pag-isipan din ang mga binanggit ni Sen. Miriam tungkol sa mga damit ng mga dumalo sa SONA ng pangulo. Tila naging fashion show ang nangyari. Pagandahan, pabonggahan, pamahalan ng damit na suot ang mga rumarampa sa red carpet. At maaari nating maitanong: Kailangan ba ito?
At maganda ring pagnilayan ang tungkol sa teolohiya ng pari lalo na yung statement na “you are a priest forever.” Some are claiming na pagkatapos ng buhay dito sa lupa, pagdating sa kaharian ng Diyos ay pari pa rin. Sa aking palagay ay wala ng pari doon. Lahat tayo ay magiging anak ng Diyos. Pantay pantay. Lahat ay mahal ng Diyos.
Bilang panghuli nais kong banggitin ang kwento na narinig ko kay Bishop Gabriel Reyes sa isa niyang misa. Sa langit daw ay binibigyan ng sasakyan ang bawat tao upang makapamasyal sa kaharian ng Diyos at depende ito sa kabutihan at kasimplihan na nagawa ng isang tao ang sasakyang kaniyang magagamit. Pumanaw daw ang isang parokyano at siya ay binigyan ng sports car, yung pinakamahal. Gamit ang sasakyang ito siya ay namasyal sa langit. Nakasalubong niya ang kanyang kura paruko pero nagulat siya sapagkat ang gamit ng pari ay isang bike. Kaya tinanong niya ito. “Father bakit po bike lang ang gamit nyo sa pamamasyal dito sa langit?” Sumagot ang pari: “Hwag ka maingay. Nanjan sa likod si bishop…naglalakad!”

Martes, Hulyo 23, 2013
Hu U?
Hu U?
(Mt. 13: 1-9)
Hu u?
Without your make-up, sino ka?
Without your expensive and signature clothes, sino ka?
Without your jewelries and ornaments on your body, sino ka?
Without your pricey car, sino ka?
Without your luxurious iphone, your classy gadgets, sino ka?
Without your beatufiful/handsome face, sino ka?
Without your famousness, sino ka?
Without your money and wealth, sino ka?
Without your title and power, sino ka?
Without your status, sino ka?
Without your achievements, sino ka?
Funny but we identify our very self with these things!
Pero sino ka nga ba pag tinanggal lahat ng palamuti na ito sa iyo?
Ang talinhaga ng Maghahasik ay tungkol sa kung sino talaga tayo. Nagiging mabunga ang buto kung ito ay matatanim sa matabang lupa. Susuhay ito at magbibigay ng maraming biyaya. Ganun din sa buhay. Nagtanim na si Heus ng mga punla sa ating mga puso. Binigyan tayo ng kakayahan na makinig. Ang tanong nga lamang ay ano ang ginagawa natin matapos ang lahat ng ito.
Sabi ni Hesus: “Ang may pandinig ay makinig.” Hindi dapat tinatakpan ang tenga sa mga salitang tumutukoy sa sariling pagkatao. Hindi dapat na ipinipikit ang mga mata sa mga katotohanan na nagpapakilala nang totoong ikaw. Ang puso din ay may kakayahang makinig. Sa pusong ito dapat manahan ang salita ng kabutihan upang lubos itong mapakinabangan.
Sa matabang puso na bukas sa pagbabago magkakaroon ng kaganapan ang plano ng Diyos na paglago ng kanyang kaharian. Sa pamamagitan lamang ng pag-uugnay natin sa biyaya ng Diyos sa kung anong meron tayo magkakaroon ng kabuluhan ang lahat ng ito.
At pagkatapos makinig, magandang tanungin: sino ka nga ba?

Lunes, Hulyo 22, 2013
Untitled 03
Untitled 03
(Mt. 12: 46-50)
Mahalaga ang pamilya para sa atin. Katunayan nyan ay ang pamilya ang unang isinasaalang-alang sa lahat ng bagay.
Marami ang nangingibang bansa upang buhayin ang pamilya. Kung saan maninirahan, ang isinasaalang-alang ay kung ano ang mabuti sa pamilya.Kung saan mag-aaral ang mga anak, tinitimbang muna kung anong magaan para sa pamilya. Kapag magpapakasal, tinatanong din ang mga reaksyon ng pamilya. Kapag gagawa ng desisyon sa buhay, ang iniisip agad ay ang pamilya.
Ang pamilya kase ang ating sandalan sa lahat ng bagay. Itakwil man tayo ng mundo, sa pamilya pa rin tayo tatakbo. Dito kase natin unang naramdaman ang pagtanggap. Dito kase natin unang naranasan ang pagmamahal.
Pero meron pa palang mataas ng pagpapahalaga sa pamilya: ito ang pagsunod sa kalooban ng Diyos. Sabi ni Hesus: “Ang nagsasagawa sa kalooban ng aking Ama sa langit aking ina at mga kapatid.”
Mataas ang tingin ng mga Hudyo sa kanilang sarili. Sila kase ay mula sa angkan ni Abraham at sila ang piniling bayan ng Diyos. Para sa kanila, sila lamang ang kilala ng Diyos. Dahil dito, mababa ang tingin nila sa hindi nila kalahi. Ang paniniwalang ito ay binabangga ni Hesus! Para kay Hesus, ang batayan ng pagiging pamilya ng Diyos ay hindi ang lahi na pinanggalingan kundi ang pagsunod sa kanyang kalooban.
Sa Lumang Tipan alam natin ang kwento ni Abraham na pinili na sundin ang hinihingi ni Yahweh na ialay ang kanyang anak. Sa bagong Tipan nanjan naman si Maria na sumagot ng oo sa plano ng Diyos. At nandiyan si Hesus na nagsabi. “Not my will Father but your will be done.”
Sana alamin lagi natin at sundin ang kalooban ng Diyos para sa atin…

Sabado, Hulyo 20, 2013
Busy
Busy
(Lk. 10: 38-42)
Busy ka ba sa maraming bagay sa iyong buhay?
May isang kwento tungkol sa dalawang magsasaka na sina Juan at Pedro na naatasan na mag-ani ng palay. Nagkasundo sila na hatiin ang kanilang aanihin: Si Juana kanan at si Pedro sa kaliwa. At nagsimula na sila sa kanilang pag-aani. Nakakailang oras sila sa pagtatrabaho nang tumayo si Juan at napunta sa lilim ng isang puno. Pagkalipas ng ilang minuto ay nagbalik na muli siya sa pag-aani.
Makalipas ulit ang ilang oras si Juan ay muling nagbalik sa lilim ng puno at pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik sa pagtatrabaho. Ilang ulit niyang ginawa iyon kaya nga sabi ni Pedro: “Sigurado akong hindi siya makakatapos sa ng trabaho kase ang dami niyang pahinga."
Mataas pa ang sikat ng araw nakatapos na sa trabaho si Juan pero si Pedro hindi pa tapos sa kanyang aanihin. Nagtaka si Pedro at nilapitan niya si Juan at tinanong: “Paano mong nagawang maunahan ako sa trabaho gayung maraming beses kang nagpahinga samantalang ako ay tuloy tuloy sa pagtatrabaho? Sumagot si Juan: “Ikaw ay tuloy tuloy sa pagtatrabaho kaya mapurol na ang iyong karit samantalang ako ay naghahasa habang ako ay nagpapahinga kaya matalas na ito at madaling makapag-ani.”
Marami tayong pinagkakaabalahan. Marami tayong mga dala dalahin sa buhay na ating pinagsisikapan na mapunan. Marami tayong responsibilidad na kailangang solusyunan. At tila kulang ang maghapon para matapos ang lahat ng ito. Tila kulang kahit na nga ang buong buhay natin para ang lahat ay malagpasan.
Ganito din ang karanasan ni Marta. Masyado siyang abala. Gusto niyang handaan at ibigay ang kailangan ni Hesus. Pagod na siya. Nagsumbong siya kay Hesus para sabihin kay Maria na tulungan siya sa paghahanda.
Pero may paalala sa atin si Hesus. Gaano man tayo ka-busy sa ating buhay ay kailangan nating huminto, kailangan nating umupo sa harap ni Hesus, kailangan nating makinig sa kanyang turo. Ganito ang ginawa ni Maria.
Ayon sa mga biblical scholars, si Hesus ay malapit na sa kanyang pagpasan sa krus at ninais niya na lumayo muna sa mga tao upang manahimik kahit papaano sa bahay nila Marta. Hindi niya kailangan nang magarbong handa. Ang gusto lang niya ay simpleng salu-salo na kung saan ay makakasama niya sa hapag kainan ang kanyang mga alagad at kung saan siya ay mkakapagturo. Nandun si Maria para makinig at samahan si Hesus.
Sa panahon ngayon abala tayo sa maraming bagay. Ang ating isip ay napupuno ng maraming isipin. Sa pagtatrabaho ang ating katawan ay inaabuso natin. Ang ating lakas ay ginagamit natin para sa maraming gawain. At ang pananahimik ay kinakalimutan na natin.
Kailangan nating manahimik. Kailangan nating magpatalas ng ating sarili upang pagbalik natin sa gawain ay handa na natin itong harapin. Kailangan nating umupo sa harap ni Hesus at makinig sa kanyang turo upang ang ating ginagawa ay magkaroon ng tamang direksyon.
Hwag magbisi-bisihan. Huminto, manahimik at tinig ni Hesus ay pakinggan!

Huwebes, Hulyo 18, 2013
Be Careful
Be Careful
(Mt. 12: 14-21)
Isang tagpo sa telenobela Be Careful With My Heart: Dumating ang parents ni Ser Chief at makakatagpo ulit si Maya. Kailangang mag-prepare si Maya. Sabi ng kaibigan niyang si Eman ay dapat na maging bongga siya upang ma-impress ang parents ni Ser Chief. Pero sabi ni Maya: “Hindi yun kailangan, nagbago lang ang status ko, hindi ang pagkatao ko.” Yan si Maya…
Sa totoong buhay kaya maraming pa rin kayang katulad niya?
Si Hesus ay ipinadala ng Ama. “Hindi siya makikipagtalo o sisigaw, hindi maririnig sa mga liwasan ang kanyang tinig. Hindi niya babaliin ang sugatang tangkay o papatayin ang aandap-andap na mitsa. Hindi siya titigil hanggang magwagi ang katarungan.”
Marami tayong alam na kwento: umangat lang ng kaunti ang paa sa lupa ay nag-iba na ang ugali; pinagkatiwalaan lang ni boss ay naging bossy na din; malayo lang ang narating ay tila malayo na din sa dating pagkatao; binigyan ng kapangyarihan pero sila na ang naging batas; nagkaroon lang ng titulo ay lumaki na ang ulo!
Be careful sa mga successes at achievements na nararating mo, baka baguhin niyan ang iyong pagkatao, at sa huli ay di mo na kilala ang sarili mo!

Practicing English
Practicing English
(Mt. 12: 1-8)
I still remember when Cardinal Sin was still alive he said: “I’ll use devil’s money to help the poor.” Many had criticized the good Cardinal saying that it is not proper to receive money from a gambling corporation since the Church is against any gambling whether legal or illegal. Some also mentioned the principle “the end does not justify the means.”
Hard as it is to understand the statement of the Cardinal, but one thing that we can see is the value of life. More than anything, life must be taken care of and must be number one in the ladder of values. Any law must be enforced for the protection and promotion of life. In fact, a law that does not promote the common good ceases to be a law.
The Gospel today presents to us the reality that life is of greatest value. The disciples were hungry and so they “started to pluck the ears of corn and eat them.” The Pharisees saw that as not in accordance to the Sabbath law since they did that during the Sabbath. We remember Jesus said that Sabbath is there for the people and not the other way around.
Let us value life…

Lunes, Hulyo 15, 2013
Band Aid Solution
Band Aid Solution
(A Reflection On Human Interaction)
Ilang taon na ang nakakaraan nang kumalat ang dengue. Marami ang nagkasakit. Marami ang naospital. Nag-isip nang solusyon ang Department of Health. Anong naging solusyon nila? Namahagi sila ng kulambo sa mga pamilya. Naiwasan man na makagat nang lamok pero nandun pa rin ang lamok na sanhi nang dengue.
Ang tawag dito ay band aid solution. Yun bang tinatakpan lang ang sugat. Sa likod nito ay nananatili pa rin. Although nakakatulong ito pero hindi talaga ito ang gamot.
Sa buhay marami din tayong ugali na ganyan. Ang nakikita ay ang pang-ibabaw na problema pero hindi nakikita ang pinagmumulan nito.
Ang mga nambu-bully sa paaralan ay pinapagalitan ng guro. Pero baka naman siya ay naging biktima din ng pambu-bully kaya siya ay bumabawi ngayon? Kailangang balikan ang dahilan kung bakit siya nagkaganyan.
Ang mga drug dependents. Hinuhuli sila at kinatatakutan. Pero baka naman ginagawa nila iyon upang takasan ang mga problema sa buhay? Kailangang tulungan sila upang harapin ang mga bagay na kanilang tinatakasan.
Ang mga batang pasaway. Naiinis tayo sa kanila lalo na yung mga matitigas ang ulo. Pero baka naman sila ay naging biktima ng rejections kaya sa pamamagitan ng pagiging pasaway ay iniisip nila na papansinin sila at bibigyan ng atensyon? Kailangan silang kausapin at ipaliwanag na sila ay katanggap-tanggap.
Ang mga taong siga at laging nakasigaw kung magsalita. Natatakot tayo sa kanila at baka tayo ay kanilang saktan. Pero baka naman pamamaraan nila iyon para pagtakpan ang kanilang kahinaan? Baka iyon ay paraan nila na pagtakpan ang kanilang kawalan ng kakayahan? Kailangang mabuksan ang kanilang isip at puso upang matanggap nila ang sariling kahinaan.
Ang mga taong masungit at mataray. Iniiwasan natin sila at sinasabihan natin na masama ang ugali. Pero baka naman sila ay nagsusungit at nagtataray sapagkat meron silang itinatagong masamang karanasan? Baka naman pamamaraan nila ito upang hindi mapansin ang kanilang pusong sugatan? Kailangang maakay sila na tanggapin ang karanasan ng pagkasugat. Kailangang matulungan sila na hilumin ang sugat ng nakaraan.
Sa isyu ng kahirapan. Sabi ng gobyerno marami daw ang naghihirap kasi sobrang dami na ng tao. Pero baka naman hindi lang pantay-pantay ang distribusyon ng yaman kaya marami pa din ang nangangailangan? Baka naman may mga tao ang kumukuha ng yaman na di para sa kanya kaya wala ng matira para sa nakararaming nasa laylayan ng lipunan? Kailangang suriin ang iba't-ibang elemento at ng mabigyan nang karampatang kasagutan.
Sa isyu ng kawalan ng lupa ng maraming magsasaka. Baka naman ang mga lupang pansakahan ay nasa kamay na lang ng iilan? Baka naman ang mga lupa na dapat taniman ay pag-aari na ng mayayaman? Kailangang kausapin ang mga magsasaka upang malaman ang kanilang karaingan.
Band aid solution. Ito ang karaniwan nating ginagawa. Pero mahalaga na ugatin nating ang mga bagay bagay na inihaharap sa atin upang ito ay lubos na maunawaan at masulusyunan. Kailangan ito upang hwag tayong mahawa sa kung anuman ang mga rejections at fixations nang iba. At tayo rin sa sarili natin ay matanggap at maproseso ang lahat ng ating pinagdaanan.
Sabi ni dok: Alamin ang sugat, linisin, lagyan ng betadine at takpan ng sterilized gauze pad…pag wala ay pwede narin ang dahon ng bayabas…

Poker Face
Poker Face
(Mt. 11: 20-24)
Indifference…lack of interest, care or concern!
May naalala akong kwento. Nagpatawag ng meting ang isang water cooperative para pag-usapan ang mga pagbabago. Iilan lang ang dumalo. Nag-isip sila kung papaano mapapadalo ang mga members. Ang naisip nila ay magpa-raffle. Ayun… Nung nalaman ng mga members yun, marami ang pumunta. Hindi dahil sa interesado sila sa meting kundi doon sa pwede nilang mapanalunan.
Bakit nga ba ganun? Sa maraming beses indifferent tayo sa mga nangyayari. Wala tayong pakialam. Wala tayong ginagawa. Wala tayong reaksyon.
Sa Mabuting Balita, sinasabi dito ang naging reksyon ni Hesus tungkol sa mga bayan ng Corazain at Betsaida. Sinasabi na maraming kababalaghan ang ginawa ni Hesus sa mga lugar na ito. Gayun pa man ay walang pagbabago sa kanila. At ito ang naging malaking kasalanan nila.
Hindi naman nila ipinagtabuyan si Hesus. Hindi rin nila ginawan ng masama si Hesus. Wala naman silang ginawa. Pero ito ang naging pagkakamali nila. Wala silang ginawa. Kasalanan ang pagiging walang pakialam. Nagpakita ng mga tanda si Hesus pero walang pagbabago sa kanila. Di sila nagbagong-buhay.
Di pwedeng wala tayong pakialam. Hindi dahil sa komportable na tayo sa buhay natin at di tayo naaapektuhan ay tatahimik na lang tayo. Hindi porke masaya tayo sa buhay natin ay pababayaan na natin ang iba.
Nawa ay maging daan tayo ng pagbabago!
Bakit Poker Face ang title? Di ko rin alam..

Linggo, Hulyo 14, 2013
Sr. Myrna, DC
Sr Myrna, DC
(Mt. 10: 34 -11: 1)
Si Sr. Myrna ay matagal ding naging kalakbay nang mga katutubong Mangyan sa Mindoro. Mahigit isang lingo na ang nakakaraan ay binawian siya ng buhay sa isang aksidente. Pumunta ako sa funeral mass para sa kanya. Sabi noong isa niyang kamag-anak: “Noong pumasok siya bilang madre ng Daughters of Charity ipinagkatiwala na namin siya sa kongregasyon, ipinagkatiwala na namin siya sa Diyos.”
Noong ako ay nasa San Jose pa, malimit ko din siyang nakita. Lagi siyang nakangiti. Pag kasama mo siya ay di mo mamamalayan ang oras na tumatakbo sapagkat marami siyang kwento, mga kwento na puno nang kasiyahan. Lahat pala ng kanyang naging assignment ay mahihirap na lugar. Gayunpaman ay nanatili pa rin siya sa paglilingkod kahit na mahirap at nakakapagod ang misyon.
Si Sr. Myrna ang isa sa pwedeng maging halimbawa ng Mabuting Balita ngayon. Sabi ni Hesus: “Hindi karapat-dapat sa akin ang mas nagmamahal sa kanyang ama o ina kaysa akin. Hindi karapat-dapat sa akin ang nagmamahal sa kanyang anak kaysa akin.”
Iniwan niya ang kanyang pamilya upang tumugon sa tawag ni Hesus na maglingkod. Sa kanyang buhay, naging number one si Hesus. Ipinaubaya niya ang kanyang pamilya na kung meron mang pangangailangan ang kanyang pamilya at hindi siya makakatulong, nandun naman ang pagtitiwala na ang Diyos na ang bahalang tumulong sa kanila. Ang Diyos na ang magpupuno sa responsibilidad sa pamilya na kanyang iniwan.
Sabi pa ni Hesus: “Hindi karapat-dapat sa akin ang sinumang hindi nagpapasan sa kanyang krus at sumusunod sa akin.” Mahirap ang kanyang naging misyon. Nakipamuhay siya sa mga nasa laylayan ng lipunan. Niyakap niya ang pinaglalaban ng mga mahihirap lalo na ng mga katutubo. Bumabad siya sa kanila at naging katulad nila sa kahirapan. Para kay Sr. Myrna ang mahalaga ay ang pagsunod sa kalooban ng Diyos.
Dagdag ni Hesus: “Mawawalan ng kanyang sarili ang sinumang nagpapahalaga nito, at matatagpuan naman ito ng nawawalan ng kanyang sarili.” Kung hindi nagmadre si Sr. Myrna marahil ay malayo na din ang kanyang narating. Maaaring meron na siyang magandang career. Siya marahil ay maunlad na sa kanyang buhay at nakakatulong pa sa pamilya. Pero kinalimutan niya ang kanyang sarili at ang pinahalagahan ay kung papaano siya makikibahagi sa pakikipaglaban ng mga walang boses ng lipunan.
Wala na si Sr. Myrna. Sabi nung mga katutubo na lumuwas upang ihatid sa huling hantungan si Sr. Myrna, malaking kawalan sa mga katutubo ang kanyang pagkawala. Gayun pa man ay hindi na siya malilimot ng mga katutubo sapagkat siy ay naging bahagi ng buhay mangyan. Alam din nila na sa pagharap ni Sr. Myrna sa Diyos na lumalang, ipapakiusap pa rin niya ang mga aba at mga mahihirap lalo na ang mga katutubong mangyan.
Nawalan man ng buhay sa mundong ito si Sr. Myrna, nagkaroon naman siya ng buhay na walang hanggan sa piling ng Amang mapagmahal.
Rest In Peace Sr. Myrna!

Sabado, Hulyo 13, 2013
Circa 2005 (Ang Mabuting Samaritano)
Circa 2005
(Ang Mabuting Samaritano)
Bago ang graduation sa college sa Lipa ay may retreat kami sa Tagaytay. Galing pa akong Mindoro nun at sabi ko ay diretso na ako dun. Pero masyadong mabagal ang barko at matrapik pa. Alas sais na nang gabi ako nakarating sa Talisay, Batangas na kung saan ako sana ay sasakay nang jeep paakyat nang Tagaytay. Pero wala nang Jeep. Naiwan ako ng last trip.
Pasan ko ang backpack ay naglakad-lakad ako sa gilid ng kalsada at nag-isip kung ano ang aking gagawin. Kung babalik ako sa Lipa ay mahuhuli ako sa retreat. May isang owner type jeep na dumaan. Lumampas sa akin pero biglang tumigil at ako ay tinawag ng driver. Lumapit ako at tinanong niya kung paakyat ako ng Tagaytay. Nag-iisa siya ay sabi niya ay sumabay na lang ako sa kanya sapagkat siya ay paakyat din.
Habang naglalakbay kami ay nalaman ko na siya ay nagtatrabaho sa isang casino doon. Sabi pa niya ay malaya daw akong papapasukin sa casino hanapin ko lang siya. Sa mismong gate ng seminary ako ibinaba ng taong ito. Hindi ko na maalala ang pangalan niya pero para sa akin sya isa siyang mabuting Samaritano.
Sa Mabuting Balita ngayon, sinagot ni Hesus kung sino ang ating kapwa. Sinabi ni Hesus na ang mabuting Samaritano ang tunay na kapwa sa taong nangangailangan.
Pwede rin natin itong gawing modern: May isang nabiktima ng holdap at matapos kunin lahat ng gamit ay binugbog pa. Dumaan ang isang pari pero nagtuloy lang siya sa kanyang paglakad sapagkat sabi niya ay baka malagyan ng dugo ang habito niya at baka di siya umabot sa oras ng misa. Dumaan din ang mayor ng lugar na iyon pero di nya pinansin ang biktima sapagkat sabi niya ay meron pa siyang dadaluhang pasinaya sa isa niyang proyekto. Sa huli ay may dumaang isang Muslim. Kanyang tinulungan ang biktima at dinala sa pagamutan…
Sino ang naging kapwa sa taong nabiktima? Walang iba kundi ang Muslim. Inuna niya ang pagtulong sa nangangailangan kesa sa pansariling kapakanan.
Ang mabuting kapwa ay hindi nakasalalay sa titulo. Hindi rin ito nakakabit sa pagiging kadugo. At mas lalong hindi ito nakasalalay sa pagiging kasama o miyembro ng isang grupo. Ang pagiging mabuting kapwa pala ay yung handang tumulong sa mga taong nangangailangan kahit na hindi niya ito kaanu-ano o hindi kakilala. Ang mabuting kapwa din ay hindi naghihintay ng kapalit. Masaya na siya na nakatulong sa iba.
May alam ka bang kwento ng mabuting Samaritano? Ang sabi ni Hesus: “Humayo ka at ganoon din ang iyong gawin!”
Post Script: Di ako nakapunta sa casino. Kung pumunta ako doon baka mayaman na ako ngayon, ha ha ha…

Huwebes, Hulyo 11, 2013
UNLAD
UNLAD
(Mt. 10: 16-23)
Lahat tayo gustong umunlad. Gusto nating umasenso sa buhay. Gusto nating maging maganda ang pakikitungo natin sa loob nang pamilya. Gusto nating na maging maayos an gating pakikisalamuha sa ibang tao.
At higit sa lahat ay gusto natin na lumago ang ating relasyon sa Diyos.
Naalala ko tuloy yung paboritong i-homily ni Bishop Tony tungkol sa UNLAD:
U –Unahin
N – Natin
L – Lagi
A – Ang
D – Diyos
Kung gusto nating mag-improve ang kahit anong bahagi nang ating buhay, dapat pala ay inuuna ang Diyos. Ito pala ang dapat na maging pundasyon nang lahat.
Sa Mabuting Balita sinabi ni Hesus ang isa sa pinakanakakatakot na mga pangitain: “Ipapapatay ng kapatid ang sariling kapatid, ng ama ang kanyang anak; at isasakdal ng mga anak ang kanilang mga magulang at ipapapatay sila.”
Kaunting background…Ang bahaging ito nang Bibliya ay nasulat nung kapanahunan na pinag-uusig ang mga tagasunod ni Kristo. Marami sa kanila ang hinuli at pinatay. Dahil sa pagsunod na ito, ang naging kapalit ay ang kanilang buhay.
Sabi nung mga nag-aaral nang Bibliya, maaaring ito ay turo ng mga naunang Simbahan at inilagay sa bibig ni Hesus na tila siya ang nagsabi. Gayunpaman, nagpapahayag ito ng katotohanan na kailangang gumawa ang isang tao ng desisyon kung siya ay magpapatuloy sa pagsunod o hindi. Para kay Hesus, mas mahalaga ang relasyon sa Diyos kesa anumang pagpapahalaga dito sa mundo. Mas mahalaga pa ito kahit na sa relasyon sa dugo o sa loob ng pamilya.
Ito rin ang magandang tandaan: Unahin Natin Lagi Ang Diyos. Merong pangako si Hesus: “Kamumuhian kayo ng lahat dahil sa akin ngunit sa pananatili lamang nyong matatag hanggang wakas kayo maliligtas.”
Addendum: Sabi ni Munding pwede rin daw tandaan ang bagong pari nang Mamburao si Fr. ONAD: Onahin Natin Ang Diyos!

Miyerkules, Hulyo 10, 2013
Tinik
Tinik
(Circa 2013)
Minsan ay naghahapunan kami at sarap nang kain naming dahil isda ang ulam. Pero natinik ako. Tigil ang sarap na pagkain. Sabi nung kasama kong kumakain ay lumunok daw ako nang isang pitak na kanin pero hwag ko yung ngunguyain. Gaun nga ang aking ginawa. Hindi umubra, andun pa din sa lalamunan ko ang tinik. Uminom ako nang maraming tubig pero wala pa ding epekto. Humarap ako sa salamin at nakita ko sa lalamunan ko ang tinik. Hindi ko rin maalis sapagkat medyo malalim ito. Itinulog ko na lang sa paniniwalang kinabukasan ay wala na ito.
Pagkagising andun pa rin ang tinik. May misa nang alas sais. Kumain ako nang saging at nilunok nang walang nguya nguya. Pero makulit ang tinik. Ayaw umalis. Minadali ko na lang ang misa kase kahit sa pagsasalita ay masakit pa din. Pagkatapos nun ay itinulog ko ulit. Paggising ko ay andun pa rin. Kumuha na ako nang cotton buds at aking sinundot. Kahit nasusuka dahil sa paglapat nang cotton buds sa lalamunan ay aking tiniis para ito ay maalis. Sa wakas naalis din ang tinik.
Ganito din pala sa buhay. Ang mga problema ay hindi dapat na tinatakasan. Ang mga pasanin ay hindi dapat na iniiwasan. Ang mga isyu sa sarili ay dapat na hinaharap. Ang mga responsibilidad ay dapat na di tinatalikuran. Ang mga pagsubok ay di dapat na tinatakbuhan. Ang mga pangako ay dapat na di kinakalimutan.
Kapag tinulugan lang natin ang mga ito, paggising natin ay baka nandyan pa rin. Pag hindi natin binigyan nang pansin ay baka lalo itong bumigat at sa huli ay sarili ay mas lalong mahirapan. Hindi kase natin kayang takasan ang mga sariling isyu kahit na lumayo tayo. May mga bagay na kahit anong gawin ay nananatili pa rin kase sariling buhay ang pinag-uusapan.
Marami ka bang isyu at pasanin na nagiging tinik sa iyong lalamunan at nagpapahirap sa iyo? Hwag takasan. Harapin ito at solusyunan.
Tandaan: Ang tinik ay para na sa mga pusa at aso, hindi na para sa iyong tao!

Martes, Hulyo 9, 2013
Teng
Teng
(Mt. 10: 1-7)
Nakakatuwa yung ibang mga friends ko na noon pa. Hanggang ngayon ay tinatawag pa rin nila akong Teng. Saan nagsimula yun? Nagsimula yun noong sumikat sa telenobela ang Captain Barbell. Ang pangalan nang bida ay Teng. Naging paborito ko yung panoorin nung bakasyon kase pag-uwi ko sa bahay ay wala akong magawa sapagkat yun ang pinapanood nila nanay at wala akong magawa kundi makipanood na din.
Kaya nga nung pasukan na at bumalik ako nang Tagaytay ay sinubaybayan ko pa din. Nahawa pa ang ibang mga kasama ko. Inabangan na din nila ito. Pati nga mga formators ay nakigaya na din. Yun nga lang noong huling palabas nito ay di ko napanood kase recollection namin. Pero ang mga formators kasama na ang ibang Monicas ay pinanood nila. Nakibalita na lang ako kung anong naging wakas.
Magmula noon tinawag na nila akong Teng.
Sa Mabuting Balita ngayon ay isinalaysay ang mga pangalan nang mga alagad ni Hesus. Ang totoo nyan ay iba’t-ibang background ang kanilang pinagmulan, iba’t-iba ang kanilang mga ugali at paniniwala. Nandyan si Mateo na tagasingil ng buwis na kaaway naman nang mga makabayan na katulad ni Simon. Nandyan si Judas na nagkanulo kay Hesus. Si Pedro ay ilang ulit na itinatwa si Hesus.
Magkakaiba man sila, isa naman ang mahalaga. Naging iisa sila sa pamamagitan ni Hesus. Dahil kay Hesus, ang mga pangalan na nabanggit ay nagkasama-sama sa iisang layunin: ang sumunod kay Hesus. Dahil kay Hesus, ang mga taong nasa likod nang mga pangalan, magkakaiba man at may kanya-kanyang personalidad, ay naging buo sa pagtugon sa panawagan na sumunod.
Ang gusto pala ni Hesus ay maging isa lahat. Kaya nga relihiyon na ang layunin ay mag-ipon, doon nananatili ang Espiritu ni Kristo. At ang tao na nagdudulot nang division ay hiwalay din kay Kristo.
Tayo din iba-iba ang pangalan at iba’t-iba din ang mga pinagdaanan, iba-iba ang background. May kanya-kanya tayong ugali, kanya-kanyang gawi. May sari-sarili tayong pagtingin sa mga bagay-bagay at sari-sariling reaksyon sa mga ito. Gayun pa man, sana ay maging iisa tayo kay Kristo.

Untitled
Untitled
(Mt. 9: 32-38)
"Sagana ang aanihin, ngunit kakaunti ang mga manggagawa."
"Marami ang nalilito sa buhay, naghahanap ng liwanag ng katotohanan, ngunit kulang ang tagapagturo. Marami ang naliligaw nang landas, magulo ang buhay; ngunit wala namang mag-akay sa kanila. Marami ang nanghihina, pinababagsak ng mabibigat na dalahin sa buhay; ngunit walang sumusuhay sa kanila. Marami ang gustong makarinig ng salita ng Diyos, ngunit kulang ang tagapagpahayag." (Fr. Villas)
"Idalangin nyo sa Panginoon ng ani na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang ani."

Travel Light
Travel Light
(Lk. 10: 1-12)
Minsan noong bata pa ako ay dumayo kami nang kabilang bayan para sa kasalan nang pinsan ko. Meron pa kaming owner type jeep nun. Pagkatapos nang kasalan ay may mga naki-hitch sa amin pauwi. Ayos lang sana ang paglalakbay pero nang sa parting pataas na ang kalsada at may paliko pa, nahirapan na ito at tuluyang tumigil.
Sabi nang tatay ko ay bumaba daw muna kami. Ganun nga ang ginawa naming. Pagkababa nang sasakyan ay bumuwelo at tuluyang nalampasan ang pataas na daan. Masyado palang mabigat ang sakay kaya nahirapang umakyat…
Ganun din pala ang buhay. Kapag masyadong mabigat ang mga bitbitin ay mahirap ang paglalakbay.
Kaya nga sinabi ni Hesus sa mga isinusugo niya na: “Hwag kayong magdala ng pitaka, bag o mga sandalyas.” Sa unang pagtingin tila kailangan ang mga ito sa paglalakbay. Pero ito ang nagiging hadlang para sa isang tao upang maging makabuluhan ang paglalakabay.
Kapag may kayamanan, nagiging distraction ito sapagkat ang magiging laging nasa isip ay kung paanong mapapangalagaan ito at kung paano ito mapapalago. Tingnan natin ang isang tao: kapag maraming celfone ay marami ding lalagyan nang load. Di na rin alam kung alin ang unang sasagutin. Dagdagan pa nang pag-pe-facebook at paglalaro nang candy crush! Wala na tuloy panahon sa pamilya…
Kasama na din sa nagpapabigat sa atin ay yung mga negatives natin: Insecurities, sama nang loob, galit, ayaw magpatawad, kasamaan nang ugali, pagiging makasarili...
Pero ang hamon din ay sa ating lahat. Meron pala tayong responsibilidad para mabuhay ang mga tagapagdala nang Mabuting Balita. Dapat pala ay inaalagaan din sila. Hindi rin pala sila dapat na pinababayaan kase sila ay kasama na sa mga endangered species. Kaya nga paalala din ni Hesus: “Marami ang aanihin at kakaunti naman ang mga mangagawa. Idalangin n’yo sa Panginoon na magpadala siya nang mga mangagawa sa kanyang ani.”
Maglalakbay ka ba? Travel light. Pagaanin ang buhay. Hwag pahirapan ang sarili…

Lunes, Hulyo 1, 2013
The Wolverine
The Wolverine
(A Native American Legend)
"Why is the moon so lonely?
Because she used to have a lover...
His name was Kuekuatsheu [KOO A KOO OTT SOO] and they lived in the Spirit World together...And every night, they would wander the skies together, but one of the other spirits was jealous.
Trickster wanted the moon for himself, so he told Kuekuatsheu that the moon had asked for flowers. He told him to come to our world and pick her some wild roses, but Kuekuatsheu didn't know that once you leave the Spirit World, you can never go back.
And every night, he looks up in the sky and sees the moon and howls her name. But - he can never touch her again."
Kuekuatsheu means “the wolverine.”
Ending: Eventually the wolverine will die, sacrificing his own life fighting the red phoenix. But he did not die in vain. His spirit will go back to the Spirit World and there the moon and the wolverine will be together again in eternity. And the moon will never be lonely again... (the ending is mine)

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)