Linggo, Marso 31, 2013

Remembering Anna

Remembering Anna Jamina Cabatac

Month of March is the month of graduations. This is the time when students and their parents reap the fruit of their labor for the academic pursuit. This is the time when honor students are given medals symbolizing their academic mastery. This is the time when students leave a chapter in their life and jump into a new challenge. This is the time when graduates feel the excitement of entering another year coupled that with the feelings of fear and anxiety brought by uncertainties of the future.

Last year’s graduation in Mamburao Central School was far from a normal graduation occasion. Anna Cabatac, a graduating honor pupil, was kidnapped, raped and murdered. Who would not cry for vengeance for that evil act? Justice for Anna!

I am writing this article not to bring again the pain which the family and friends of Anna. I am writing to send a message that after a year, during this graduation month, we remember Anna.

Year has passed. The legal battle continues. We hope that the judge who hears this case would expedite the coming of the judgment for the perpetrators of the said crime.

Until now we still shout: Justice for Anna!

Let us pray for the repose of the soul of Anna.

Bribery



Bribery
(Mt. 28: 8-15)

Bribery: the offering of money or other incentives to persuade somebody to do something, especially something dishonest or illegal.

Sa tagalog: panunuhol!

Since time immemorial, meron na din palang pamamaraan para mapagtakpan ang isang katotohanan. Ang mga bantay ay binigyan nang pera upang humabi nang isang kasinungalingan upang mapagtakpan ang isang katotohanan, katotohanan na si Hesus ay muling nabuhay. Kailangan nilang maitago ang katotohanan upang hindi mahayag ang kanilang kamalian sa panghusga at pagpatay kay Hesus.

Ngunit dahil ito ay katotohanan, hindi ito naitago, hindi ito mapasinungalingan kaya nga hanggang sa panahon ngayon nagpatuloy ang kwento ni Hesus. Siya ay muling nabuhay.

Simula na muli nang kampanyahan para sa local na eleksyon. Siguradong babaha na naman ang pera kabi-kabila. Siguradong marami na naman ang tatanggap nang pera upang matakpan ang mata at di makita ang katotohanan.

Hwag padala sa pera. Hwag tumanggap nang suhol! Ipahayag ang katotohanan!





Huwebes, Marso 28, 2013

Patawad...Hwag Nyo Kaming Tularan!

Patawad...Hwag Nyo Kaming Tularan!
(Holy Week Confession)

Kung kaming mga pari at mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyo na ang buhay ay walang kasimplehan…Patawarin nyo po kami...Hwag nyo kaming tularan!

Kung kaming mga pari at mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyong di gumagalang sa katandaan…Patawarin nyo po kami…Hwag nyo kaming tularan!

Kung kaming mga pari at mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyo na di gumagalang sa dangal nang mga kababaihan…Patawarin nyo po kami…Hwag nyo kaming tularan!

Kung kaming mga pari at mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyo na nagbubulag-bulagan sa gitna nang kahirapan…Patawarin nyo po kami…Hwag nyo kaming tularan!

Kung kaming mga pari at mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyo na laging nakapikit ang mata sa mga aba na nanghihingi nang kahit kaunting tulong…Patawarin nyo pokami…Hwag nyo kaming tularan!

Kung kaming mga pari, mga Obispo, at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyong mas gustong mamuhay sa kapangyarihan, karangyaan at kasikatan…Patawarin nyo po kami…Hwag nyo kaming tularan!

Kung kaming mga pari, mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyo na ang mga pinipiling kaibigan ay mga mayayaman lamang at yaong may kapangyarihan…Patawarin nyo po kami…Hwag nyo kaming tularan!

Kung kaming mga pari, mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyo na nagbabangayan at nagsisiraan…Patawarin nyo po kami…Hwag nyo kaming tularan!

Kung kaming mga pari, Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyo na namimili nang pagkain at mas gustong kumain sa mamahaling restawran…Patawarin nyo po kami…Hwag nyo kaming tularan!

Kung kaming mga pari, mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyong laging mainit ang ulo at madaling magalit kahit sa walang kadahilanan…Patawarin nyo po kami…Hwag nyo kaming tularan!

Kung kaming mga pari, mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyo na laging nagmumura at ang bibig ay walang magandang salita sa ibinibigay…Patawarin nyo po kami…Hwag nyo kaming tularan!

Kung kaming mga pari, mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyong laging nagmamataas at di nakikinig sa mga opinion nang iba at ang tingin namin sa aming sarili ay laging tama…Patawarin nyo po kami…Hwag nyo kaming tularan!

Kung kaming mga pari, mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay nakikita nyong laging nag-iinom, naninigarilyo at maraming bisyo...Patawarin nyo po kami...Hwag nyo kaming tularan!

Kung kaming mga pari, mga Obispo at mga lider nang Simbahan ay di nagpapahalaga sa kapaligiran at sa kalikasan at sa mga nilikha nang Diyos…Patawarin nyo po kami…Hwg nyo kaming tularan!

Lunes, Marso 25, 2013

Back Subject


Back Subject
(Jn. 13:21-33, 36-38)

May back subject ka ba?

Tapos na ang pasukan. Hindi naman talaga lahat nang studyante nakakapasa. Minsan may subject na pula ang marka. Bagsak. Di pasado. Di nakapasa sa pagsusulit. Di naabot ang kaalaman. Di nalampasan ang panukat nang natutunan. Kailangang balikan. Kailangang i-enroll ulit para maka-graduate.

Sa buhay ganun din. May mga back subjects tayo. Kayabangan. Insecurities. Kadamutan. Pagmamataas. Katamaran. Pagiging pasaway. Pagmamagaling. Paulit-ulit na kasalanan. At marami pang iba. Iyan ay mga back subjects nang buhay.

Si Pedro na siyang kinikilalang una sa mga apostoles may back subject din pala. Sinabi niya kay Hesus: “Maiaalay ko ang buhay ko alang-alang sa iyo.” Pero alam natin ang nangyari. Ilang oras lang matapos niyang banggitin ito, itinatwa niya si Hesus nang tatlong beses. Pero ang maganda kahit ganun si Pedro, binigyan siya ni Hesus nang pagkakataon para makabawi. Nung muling mabuhay si Hesus, tatlong ulit na tinanong siya ni Hesus kung mahal siya nito (tingnan ang Jn 21: 15-17). Tatlong ulit din na sumagot nang oo si Pedro. Muli siyang nakabawi. At dahil naipasa niya ito,ipinagkatiwala ni Hesus ang pagpapastol sa kawan nang Diyos.

Si Judas may back subject din. Ipinagkanulo niya si Hesus. Pero ang kaibahan niya kay Pedro ay: si Judas ay din na muling nag-enroll, din na siya muling bumangon, pinutol na niya ang kanyang buhay, siya na mismo ang tumangging magpatuloy; si Pedro naman nagpatuloy sa pag-aaral sa buhay, nagsimula muli at natuto.

Lahat tayo may back subjects sa buhay. Walang nakaliligtas. Mayaman ka man. Matalino ka man. Mataas man ang iyong posisyon sa lipunan. Matanda ka man. Pari ka man. Lahat meron nito. Ang kailangan natin ay maipasa ito. Pag bumagsak tayo, magsimula ulit…mag-enroll sa paaralan ni Hesus…paaralan na tinatawag na buhay.

Lumapit tayo kay Hesus at magpaturo sa kanya upang matuto tayo sa buhay. Pagkatapos nang lahat nang ito siguradong makakamit natin ang diploma nang kaharian nang Diyos…

Best



Best
(Jn. 12: 1-11)

Dalawang tao. Dalawang klaseng pagmamahal. Ito ang makikita natin sa Mabuting Balita.
Una, si Maria. Siya ay kapatid ni Lasaro at ni Marta. Sa pagdating ni Hesus, kinuha niya ang mamahaling pabango at inilagay iyon sa paa ni Hesus. Ibinigay niya kay Hesus ang “the best.” Sa kultura nang mga Hudyo, mga alipin lang ang gumagawa noon. Alipin lamang ang naghuhugas nang paa nang ibang tao. Pero ito ang ginawa ni Maria. Pinunasan pa niya ito nang kanyang buhok.

 Hindi man alam ni Maria, inihanda na rin niya ang darating na pagkamatay ni Hesus. Sa pagkamatay ni Hesus, wala nang panahon para ayusin ang kanyang bangkay kaya nga ang paglalagay nang pabango ni Maria kay Hesus ay isang pangitain nang kung anong mangyayari kay Hesus. Mahal niya si Hesus kaya ginawa niya ito.

Sa kabilang banda, nandun naman ang pagmamahal ni Judas. Minahal lamang niya ang sarili. Sa unang tingin parang maganda ang kanyang kagustuhan na ipagbili ang mamahaling pabango at ibigay ang pinagbilhan sa mga mahihirap. Ngunit ang tunay niyang dahilang ay sapagkat gusto niyang kupitin ang perang mapagbibilhan. Ginagamit niya si Hesus upang magkaroon siya nang maraming pera. Ginagamit niya ang mga mahirap upang siya ang makinabang.

Si Maria tunay niyang mahal si Hesus. Si Judas mahal lamang niya ang kanyang sarili. Sino ka sa dalawa? Si Maria o si Judas?

Ngayong mga Mahal na Araw sana maging tunay ang ating pagmamahal para kay Hesus. Nagsasakripisyo tayo dahil mahal natin si Hesus. Nagpapakabait tayo dahil mahal natin si Hesus. Nagpapakabuti tayo sapagkat mahal natin si Hesus. Tumutulong tayo sa mga nangangailangan at sa mga mahihirap dahil mahal natin si Hesus. Sa lahat nang ating ginagawa sana ang dahilan ay ang pagmamahal kay Hesus.

Ibigay natin ang “the best” para kay Hesus!

Huwebes, Marso 21, 2013

Acceptance

Acceptance
(Jn. 10: 31-42)

Offense is the best defense!

Ang pamantayan na ito ay ginagamit sa iba’t-ibang larangan. Halimbawa sa sports…mas maganda daw na nasa opensa ka kesa depensa. Ganun din sa larong chess…advantage daw ang nasa opensa.

Sa buhay ganun din daw. Tingnan natin…Kapag may pumapansin sa atin sa ating masamang ugali, ang ginagawa natin sinisilipan din natin sila nang kanilang mga pagkakamali. Sinasabi natin: “Ikaw nga jan...blah…blah…blahh.. (ad infinitum).” Sa pamamagitan nito nakakalimutan na ang tunay na isyu: ang kamalian nang sarili. Lahat na lang nang kapulaan biglang mapapansin…maitim ang siko…malaki ang butas nang ilong…ilang layers ang bilbil…

Ganito din ang ginawa nang mga Judio. Binabangga ni Hesus ang kanilang struktura nang pag-aapi sa maliliit at mga aba kaya naman naging target si Hesus nang pagganti. Gumawa sila nang isyu na itinataas ni Hesus ang kanyang sarili at ipinapantay sa Diyos. Gusto nilang pagtakpan ang kanilang ginagawa na sistema na sarili lang ang binibigyang halaga.

Mahal ni Hesus ang mga mahihirap na sila namang biktima nang maling pagpapahalaga nang mga Hudyo. Ayaw nilang mabago ito. Kaya nang masagasaan sila nang mga itinuturo ni Hesus gumawa na sila nang paraan para mapagtakpan ito at mailigaw sa tunay na mga usapin.

Sa panahon ngayon ito din ang pamantayan. Nang mapag-usapan ang pagtutol nang Simbahan sa RH Bill, sinilip naman ang mga pagkakamali nang mga taong tumututol dito. Kapag may nagbulgar nang katiwalian, pagkatao nang nagbulgar ang siyang binabalingan. Kapag ang isang tao ay nagtutuwid nang pagkakamali, uungkatin din kahit matagal niyang pagkakamali.

Si Pope Francis ang ating bagong Santo Papa. Sa kaniyang pamumuno siguradong marami siyang gustong baguhin at sa pagbabagong ito siguradong maraming masasagasaan at mababangga. Expect na ang mga kahinaan din niya ay sisilipin at palalakihin upang malayo at matakluban ang tunay na isyu.

Baguhin natin ang pamantayang ito. Makakalaya lamang tayo kapag tinaggap natin ang ating pagkakamali. Acceptance is the best defense…

Miyerkules, Marso 20, 2013

Circa 2013 (pagbabago)



Circa 2013
Pagbabago

Ang taong ayaw magbago kahit anong gawin mo, di pa rin magbabago…
Minsan may nakausap akong ale. Gusto daw nyang makakausap nang isang pari para mai-share nya ang kanyang pinagdadaanan. Masama pala ang loob nya sa biyanan niya kase pinalayas sila sa bahay nito. Mula noon din na siya bumalik pa sa bahay na ito. Pati asawa niya inaaway niya kapag umuuwi ito sa bahay nang magulang niya. Matagal kami nag-usap. Sa huli sabi niya: “Father masisira ka sa akin. Hindi mo ako mapagkakasundo sa biyanan ko.” Napangiti na lamang ako….
Ang isang tao kapag ayaw niyang magbago, walang magagawa ang iba. Pilitin man siya, takutin man siya, saktan man siya, di pa rin siya magbabago hanggat hindi siya gumagawa nang desisyon na magbago. Kahit pa ilang pari ang kumausap sa kanya, kahit na nga ang Santo Papa ang kumausap sa kanya, di pa rin siya magbabago kung di siya bukas sa pagbabago. Kahit na nga ikulong o kaya ay pagbantaan ng Pangulo ay di pa rin magbabago hangga’t sarili ay sarado. Kahit na nga santo o kaya ay si Mama Mary o kahit na nga ang Diyos ang kumausap hangga’t ayaw magbago nang isang tao, wala pa ring pagbabago.
Ang pagbabago kase ay isang personal na desisyon. Nagbubuhat kase sa loob ang pagbabago at hindi sa labas.
Minsan ang iniisip natin ay ang ibang tao ang dapat na magbago. Hinihintay natin at pinipilit ang iba na makibagay sa atin. Ang nagiging pamantayan natin ay: “Siya dapat ang magbago nang ugali kase siya ang mali!” Pero panu nga kung ayaw niya na magbago nang ugali?
Mahirap man ay ang sarili dapat ang baguhin. Hwag nang hintayin na magbago ang iba kahit na nga mali sila. “Ako na ang magbabago para sa kanila: dadagdagan ko pa ang pang-unawa, mas magiging mabait ako sa kanya, mas lalo ko siyang mamahalin…”
Hwag mong hintayin ang iba na magbago. Ikaw na mismo ang magbago para sa kanila!

Martes, Marso 19, 2013

charity

Giving


 6  284  262
The situation where a big chunk of a country’s wealth is controlled by a few is typical in poor and developing countries that embraced the capitalist system. What is disturbing in the data presented late last month by former economic planning chief Cielito Habito is the magnitude of such a reality here: The increase in the wealth of the 40 richest families in the Philippines that made it to the 2012 Forbes list of the world’s billionaires accounted for 76 percent of the growth of the gross domestic product (GDP).
It’s one of the biggest rich-poor gaps in the free world and, Habito observed, the highest in Asia. He cited such examples as Thailand, where the top 40 families accounted for only 33.7 percent of its economic growth; Malaysia, 5.6 percent; and Japan, 2.8 percent.
Agence France-Presse also noted that according to the Forbes 2012 annual rich list, the two wealthiest people in the Philippines, Henry Sy and Lucio Tan, were worth a combined $13.6 billion, or equivalent to 6 percent of the Philippine economy. In contrast, as the news agency pointed out, government data showed that about 25 million people, or a quarter of the population, lived on $1 a day or less in 2009, which was little changed from a decade earlier. To be poor meant earning less than P16,800 a year (or P1,400 a month or P47 a day), which covers 26.5 percent of the nearly 100 million Filipinos. Based on the official poverty data of the National Statistical Coordination Board, the proportion of poor Filipinos to the total population was 28.4 percent in 2000, 24.9 percent in 2003, 26.4 percent in 2006, and 26.5 percent in 2009.
This has led to the now oft-repeated term “inclusive growth,” or economic expansion that creates jobs and reduces poverty, or allows the fruits to trickle down to the lower-income segments of society. But this calls for structural reforms, which will take years to implement. These reforms are “well-known,” Motoo Konishi, the World Bank’s country director for the Philippines, noted at the Philippine Development Forum in Davao City. “They have been studied, written about and reflected on for a long time.” (He also said that now—under the Aquino administration—was the time to accelerate and sustain the reform agenda.)
Economists agree that little progress has been made in changing an economic structure that allows one of the worst income inequalities in Asia. As Habito, a columnist of the Inquirer, was quoted as saying, “I think it’s obvious to everyone that something is structurally wrong. The oligarchy has too much control of the country’s resources.”
Income inequality is actually a global problem. Using different estimation models, a review of income distribution in 141 countries by Isabel Ortiz and Matthew Cummins for Unicef in April 2011 “found a world in which the top 20 percent of the population enjoys more than 70 percent of total income, contrasted by two paltry percentage points for those in the bottom (20 percent) in 2007; using market exchange rates, the richest [20 percent of the] population gets 83 percent of global income with just a single percentage point for those in the poorest (20 percent).”
“While there is evidence of progress, it is too slow; we estimate that it would take more than 800 years for the bottom billion [of the world’s population] to achieve 10 percent of global income under the current rate of change,” the Unicef paper said. Overall, it noted that the extreme inequality in the distribution of the world’s income “should make us question the current development model (development for whom?), which has accrued mostly to the wealthiest billion.”
At home, as the government struggles to implement structural reforms, it is actually taking care of the poorest of the poor through its conditional cash transfer program. The Aquino administration is spending more than P40 billion this year on this flagship undertaking, which will see 15 million of the nation’s poorest people receive money directly in exchange for their kids going to school and mothers and children getting proper health care.
What about the big proportion of people earning the basic minimum pay mandated by law? They can only pray for the kindness of their employers, for the latter to awaken to the virtue of giving and sharing. We’ve seen billionaires like Microsoft founder Bill Gates and tycoon Warren Buffett give away the bulk of their wealth to charity. The rich in the Philippines need not do as much. They need only give a little more.

Malaya Ka Na!



Malaya Ka Na!
(Jn. 8: 31-42)

Malaya ka ba?

Lahat tayo gusto nating maging malaya. But many times we distort the real meaning of freedom. Ang iba sinasabi ang kalayaan ay ang paggawa nang kung ano ang sariling kagustuhan. Pero sa malalim na pagtingin hindi siya nagiging malaya…at sa halip siya ay nagiging alipin nang sarili niyang kagustuhan. 

Ang iba naman ang kahulugan nang pagiging malaya ay ang pag-angkin nang mga bagay. Kaya nga maraming mga tao ang attached sa kung anu-anong bagay. Pero kapag sinuri sila ay nagiging alipin na nang mga bagay na ito. Ang sabi nga: “the thing you do not want to give you do not own, it owns you.” Hindi ka nagiging malaya.

Ang sabi ni Hesus: “The truth will set you free.” Ang katotohanan ang magpapalaya sa iyo. Ang Salita ni Kristo ang katotohanan kaya nga kapag sinusunod natin ito, tayo ay nagiging malaya.

Hinahanap natin ang kalayaan nang sarili sa maraming bagay. Kayamanan. Kasikatan. Kapangyarihan. Pero tingnan natin ang mga mayayaman, ang mga sikat, ang mga may kapangyarihan…hindi sila malaya. Ang totoo hindi sila nagiging malaya. Mas lalo nga silang nagiging insecure. Walang kasiyahan. Tila kulang pa rin ang lahat. Pinapagalaw na sila nang niyayakap nilang pagpapahalaga.

Gusto mong maging malaya? Panghawakan si Kristo. Siya ang katotohanan…