Juan de la Cruz
(Mt. 6: 1-6)
Isang tagpo sa telenobelang Juan de lA Cruz...
Bakit daw hindi nagpapakilala ang tagabantay? Bakit daw kapag
ini-interview sa TV yung mga taong natulungan niya ay tila nalilimutan
na nila ang mukha nang tagabantay? Kung makikilala nga naman ang
tagabantay ay mas maraming hahanga sa kanya, mas lalong magiging tanyag
at sikat siya, at titingalain siya nang mga tao.
Pero
hindi iyon ang dahilan nang tagabantay kung kaya siya tumutulong sa mga
tao. Tumutulong siya sapagkat ito ang misyon niya…ang maging
tagapagtanggol Nang mga tao. Ginagawa niya ito hindi para sa kanyang
sarili pero para sa kabutihan nang marami.
Ito rin ang
itinuturo ni Hesus. Ang sabi niya: “Mag-ingat na hindi maging
pakitang-tao lamang ang inyong mabubuting gawa. Kung ganito ang gagawin
n’yo, wala na kayong gantimpala sa inyong Amang nasa Langit.”
Yun pala ang dapat na maging dahilan kung bakit tayo gumagawa nang
kabutihan. Ang Diyos pala ang dapat na maging dahilan kung bakit tayo
tumutulong, kung bakit tayo nagpapakabuti, kung bakit tayo nagpapabait,
kung bakit tayo nagiging bahagi Nang buhay nang ibang tao.
Hindi pala sapat na gumawa nang kabutihan. Dapat mabuti din ang
intensyon nang paggawa nito. Minsan kase ang ginagawa nating kabutihan
ay pansarili din lang pala ang dahilan. Gumagawa nang mabuti para
makilala at sumikat. Gumagawa nang maganda para makilala. Hindi pala
sapat na gumawa nang mabuti. Dapat maganda din ang dahilan.
Kaya nga kung meron tayong gagawin alamin natin kung bakit natin gagawin
Ang bagay na ito. Sana ang Diyos ang dahilan kung bakit tayo gumagawa
nang mabuti.
N.B. We pray that we purify our intentions in all that we do…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento