Miami Heat Wins the Championship
(Mt. 6:19-23)
NBA championship 2013. San Antonio Spurs versus Miami Heat. Best of
seven series. Nakatatlong panalo na ang Spurs at nangangailangan na lang
nang isang panalo para makuha ang kampionato. Game 6. Mahigit 20
segundo na lang ang natitira. Lamang pa nang anim ang Spurs.
Nag-alisan na ang maraming fans nang Miami sa pag-aakalang talo na ang Heat. Kahit na
nga ang mga players kasama na ang MVP na si Lebron James ay desperado
na din. Pero isang tao, si Coach Eric Spoelstra, ang naniwala na
makakaya pa rin nila. Sa kanyang mga pananalitang paggabay, bumalik sa
court ang mga players dala ang kaunting pag-asa.
Dalawang error
na ang nagawa ni Lebron pero hindi iyon naging hadlang para gumawa.
Tumira siya nang 3pts. Sa una ay sumablay pero nakuha pa rin nila ang
bola at muli siyang tumira. Nahulog ang bola sa ring. Sa huling mahigit
limang minuto nang game, muling tumira si James pero sablay ito.
Na-rebound ni Bosh ang bola at ibinigay kay Allen na tumira naman nang
tres. Naibuslo niya ito. Extension ang laban.
Natapos ang laro
at nanalo ang Heat. Gayun din ang nangyari sa game 7. Nanalo ang Heat
at nakuha nila ang kampionato. Nanalo sila sapagkat meron silang
malaking puso para lumaban at sungkitin ang sa palagay nila ay para sa
kanila.
Ang sabi sa Mabuting Balita; “…kung nasaan ang iyong
kayamanan, naroon din ang puso mo.” Malalaman natin ang laman nang puso
sa pamamagitan nang pagsuri sa sarili. Ano ba ang pinagbubuhusan mo nang
iyong lakas? Ano ba ang binibigyan mo nang maraming panahon? Ano ba ang
laman nang iyong isip? Ano ba ang iyong pinapahalagahan? Ano ba ang
pinagbubuhusan mo nang talino? Ang kasagutan dito ay ang itinuturing
mong kayamanan.
Sa buhay isa lang naman talaga ang dapat nating
itinuturing na kayamanan, walang iba kundi ang Panginoon. Kung bakit
tayo nagsasakripisyo para sa pamilya at sa ibang tao, ang dahilan ay ang
Diyos. Kung bakit tayo nagpapakabuti, ang dahilan ay ang Diyos. Kung
bakit tayo naglilingkod, walang iba kundi ang Diyos. At kung bakit tayo
nagmamahal nang tunay ang dahilan ay ang Diyos.
Ano ang laman nang puso mo? Sana ang Panginoon ang ituring mong tunay na kayamanan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento