Lunes, Hunyo 17, 2013

Alakdan

Alakdan
(Mt5: 43-48)

May isang kwento tungkol sa mag-lolo na pumuta sa gubat. Sa kanilang paglalakad nakakita sila nang isang alakdan na nadaganan nang bato at hindi ito makaalis. Lumapit ang lolo at tinanggal ang nakapatong na bato pero sa pagtanggal nito ay kinagat siya nang alakdan. Nakita ito nang apo at sinabi sa lolo: “Napakasama nang alakdan nay un kase tinulungan na nga siyang makaalis ay nangagat pa. Tinulungan na nga masama pa ang iginanti.” Sumagot ang lolo: “Natural na sa alakdan na mangagat pero tayo ay tao at dapat na tayo ay tumulong sa nangangailangan.”

Sinabi ni Jesus: “Mahalin nyo ang inyong kaaway at ipagdasal ang mga umuusig sa inyo.” Mahirap gawin ito. Gusto natin saktan din ang mga taong nakasakit sa atin. Mas gusto nating gumanti kapag tayo Ay naaagrabyado. Nakadarama tayo nang kasiyahan kapag may masamang nangyayari sa taong may nanakit sa ating damdamin.

Pero sa pamamagitan lang nang pagsunod sa bilin ni Hesus na tayo ay makikilala na tagasunod tayo niya. Sa pamamagitan nang hindi pagsunod sa agos nang buhay tayo magiging katulad ni Kristo. Mahirap man pero kailangan kase ito yung paraan para tayo ay maging malaya at maligaya.

Kapag tinularan natin ang gumagawa sa atin nang masama, wala na din tayong pinagkaiba sa kanya. Galit tayo sa masama pero sa prosesong ito nagiging katulad din tayo nang taong kinagagalitan natin, Nagiging katulad tayo nang taong ayaw natin.

Nung minsan sa seminary ay may nakakapasok na magnanakaw. Maraming seminarista ang nawalan Nang pera at mga gamit. Hindi na nakatiis ang rector naming noon na si Fr. Rey Evangelista (bishop na ngayon nang diocese of Imus in Cavite) at siya ay nagpatawag nang meeting. Sinabi niya: “Ipagdasal na lang natin ang magnanakaw na siya ay biyayaan nang Panginoon.”

Nagbulong-bulungan kaming mga seminarista. Nasabinamin na bakit ipagdadasal na biyayaan pa eh magnanakaw nga. Narinig ito marahil ni Fr. Rey kaya idinagdag niya: “Ipagdasal natin yung magnanakaw na siya ay biyayaan nang Panginoon nang biyaya nang pagbabalik-loob!”

Gusto mong tawagin kang Kristiyano? Hwag maging alakdan. MAging mabait sa mga taong masungit.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento