The Golden Rule
The Golden Rule
(Mt. 7: 12-14)
Alam nyo ba ang boomerang? Ito ay isang pakurbang bagay na kapag inihagis ito ay babalik sa naghagis.
Ganito din ang Golden Rule: “Hwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin
nang iba sa iyo.” Negative ang formulation nito. Kung ayaw mong saktan
ka nang iba, hwag kang mananakit. Kung ayaw mong manakawan, hwag kang
magnanakaw. Kung ayaw mong lamangan, hwag ka ding manglalamang. Kung
ayaw mong paiyakin ka, hwag kang magpapaiyak nang ibang tao...
Pero sa negative formulation na ito, parang kulang pa rin. Pwede kase na
mangyari na wala na lang gagawin ang isang tao. Ang sabi nga nung
mag-asawa: “Kaming mag-asawa ay wala namang pinag-aawayan pero wala din
kaming pinagkakasunduan.” Pag ganito ang nangyari, wala pa ring
patutunguhan ang anumang relasyon.
Pero para kay Hesus ay
positive formulation: “Gawin ninyo sa iba ang gusto ninyong gawin sa
inyo.” Para kay Hesus dapat proactive. Hindi lang walang ginagawa. Dapat
ay merong ginagawa at ito ay dapat na nakasalalay sa kung ano man ang
gusto ring mangyari sa sarili.
Ang sabi nga ni Edward Burke: "In order for evil to flourish, all that is required for good is to do nothing."
Katulad nang boomerang na
bumabalik kapag inihagis, dapat tayo rin ay gumawa nang mabuti katulad
nang kagustuhan natin na gawin sa atin nang ibang tao.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento