Driving Lesson
(Lk. 9: 18-24)
May mga basics dawn a dapat pag-aralan upang matutong mag-drive.
Pagpasok mo daw sa sasakyan ay dapat na i-check muna ang mga side mirror
at rearview mirror kung ayos at nakikita dito ang likod. Kailangan ding
tingnan kung nasa neutral ang kambyo kase kapag pinaandar agad nang
nakakambyo ito at magja-jumpstart na nagiging dahilan nang mga
aksidente. Pag ayos na ay pwede nang
paandarin ang sasakyan. Kailangang tapakan ang clutch bago ikambyo nang
primera kung pa-forward o kaya ay reverse pag paatras.
Kapag
tumatako na kailangan ding pag-aralan ang pagpalit nang kambyo. Pag
pataas halimbawa sa bundok, kailangang magbawas nang kambyo at hindi
nasa mataas. Pag di pa rin kaya ay ibabalik dapat sa primera. Pag hindi
ito ginawa at nanatili sa mataas, mahihirapan ang makina at baka ito ay
mamatay pa at di ka makakarating sa paroroonan.
Pwede rin daw
nating gamiting simbolo ito sa ating paglalakbay. Kapag may mga gabundok
na mga problema, malalampasan lamang ito kung babalik tayo sa primera,
sa number 1, kung babalik lang tayo sa Diyos. Magiging maayos an gating
pagsunod kung laging babalikan ang Diyos.
Sa Mabuting Balita
sinabi ni Hesus: “Kung may gustong sumunod sa akin, itakwil ang kanyang
sarili at kunin ang kanyang krus araw-araw para sumunod sa akin.”
Hindi pala madali ang sumunod kay Hesus. Kailangang itakwil ang sarili.
Kinakailangan ito sapagkat sa lahat nang gagawin ay ang kalooban nang
Diyos ang dapat na ginagawa at hindi ang sariling kalooban. Ang pagsunod
kase ay pagbibigay kahit na nga nasasaktan at nahihirapan. Ang mga
biyaya nang Diyos ang papasok sa sarili at ang lahat na ay palabas
patungo sa ibang tao. Sa pamamagitan nito, walang dapat na itira sa
sarili katulad nang ginawa ni Hesus.
Kailangan ding pasanin ang
krus. Hindi rin ito basta basta. Sa panahon ngayon na itinuturo sa atin
nang mundo na dapat iwasan ang mga pasanin at talikdan ang mga
problema, hinahamon tayo ni Hesus na hwag iwasan ang mga ito at sa halip
ay gamitin ito bilang pagsunod sa Diyos. Lahat naman ay may mga krus sa
buhay, walang nakakaligtas dito. Yun nga lang, iba’t-iba ang pamamaraan
nang pagbuhat natin. Pero isa ang mahalaga. Hindi natin inaayawan ang
krus.
Kung nahihirapan tayo sa mga requirements ni Hesus
tungkol sa pagsunod, alalahanin natin ang sasakyan na manual. Meron
itong mga kambyo na primera hanggang sa kwarta. Kapag nahihirapan sa
pagtakbo, kinakailangan na magbawas nang kambyo lalo na kapag pataas ang
daan. Kapag nahihirapan pa rin ay babalik sa primera upang lumakas ang
hatak nito kung hindi ay mamamatay ang makina nito.
May isang
kwento tungkol sa isang pari na binigyan nang bagong assignment papunta
sa Amerika. Noong una niyang malaman ito ay para siyang
nagdalawang-isip. Una ay hindi siya sanay magsalita nang Engish at
ikalawa ay siya ay napakaliit. Naisip niymerika ay baka mapagkamalan
siyang bata. Gayunpaman ay sumunod siya sapagkat ito marahil ang
kalooban nang Diyos sa kanya at ang Diyos naman ang tutulong sa kanya.
Pagdating niya doon ay nagkaroon agad siya nang problema sapagkat sa
ang altar ay napakataas at ginawa ito para sa malalaking tao. Halos
mukha na lamang niya ang nakikita nang mga tao. Pero gumawa siya nang
paraa. Sa pag-aantanda nang Krus ay ginamit niya ang muka. Sa noo ang
“Sa Ngalan nang Ama”; sa baba ang” Sa ngalan nang Anak”; at sa
magkabilang pisngi ang “Sa ngalan nang Espiritu Santo.” Effective ang
naisip niya…
Alalahanin natin ang Diyos sa ating paglalakbay at pagsunod kay Hesus. Ang Diyos ang gamitin nating number 1 sa buhay natin…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento