Linggo, Hunyo 30, 2013

Throwback

Throwback
(Mt. 16: 13-19)

Uso ang throwback sa facebook ngayon. Yung mga pictures na panahon pa nang hapon ay biglang ipino-post. Yung mga lumang litrato na nakatago sa baul ay muling nakalanghap nang panibagong hangin. Yung mga pinakatatagong imahe na pinanahanan na nang mga kung anu-anong insekto ay biglang nahahalukay at nagkakaroon nang kulay.

Dahil curious ako sa kung ano ang throwback, tiningnan ko ang kahulugan nito sa Encarta. Sabi dito:

1. Organism reverting to earlier type (reversion to an earlier type)
2. Animal or person resembling ancestor (an animal or person bearing a striking resemblance to an ancestor)
3. Anachronistic thing (something contemporary that seems to belong to the past)

Yun pala ang kahulugan nang throwback. Yung ngayon na tila nakaraan pa rin. Yung noon pero nabubuhay ngayon. Katulad halimbawa nang mga pictures ngayon sa facebook. Dahil sa throwback malalaman mo na may mga tao na noon pa man ay cute na, na noon pa man ay mukhang anghel na, na noon pa man ay mukhang mabait na, na kahit noon pa man ay hindi nakakasawa tingnan ang mukha, na hindi nakakaumay kahit ilang beses titigan at balik balikan.

Pero nakakatuwa din tingnan at malaman ang mga naging evolution nang isang tao o yung kaniyang naging pagbabago. Kung ngayon ay alam mong para ka nang buwaya dahil sa kalakihan, dahil sa throwback malalaman mong dati ka palang butiki. Kung ngayon alam mong para ka nang palaka dahil sa katabaan, dahil sa throwback malalaman mong dati ka palang butete. Kung ngayon ang alam mo ay babae ka, dahil sa throwback ipapaalala sa iyo na minsan ay naging lalaki ka din. (bahala na po kayong magbigay nang mga examples…ha ha ha.. :P)

Nang dahil sa throwback nalalaman ang nakaraan.

Sa Mabuting Balita ngayon ay throwback din ang peg. Tinanong niya ang mga alagad kung sino siya para sa mga tao. Sabi nang mga alagad: “May nagsasabing si Juan Baustista kayo; may nagsasabing si Elias o si Jeremias o isa sa mga Propeta noong una.” Si Hesus kase may resemblance sa mga taong nabanggit. Si Hesus kase may pagkakapareho sa nakaraang mga taga-akay nang bayang Israel. May pagkakahawig man iba pa rin si Hesus.

Iba ang pagkakilala ni Pedro. May throwback man, alam ni Pedro na mas mataas pa si Hesus sa mga taong nabanggit. Sabi niya: “Ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos na Buhay.” Ayon kay Pedro, si Hesus ang sukdulang pagpapahayag nang Diyos nang Kanyang sarili. At para kay Pedro, mas mahalaga ang ngayon kase si Hesus na ang kasama nila.

Maganda ang throwback. Nakakatuwa. Pero hwag mabuhay sa nakaraan kase tapos na iyon at di na mababago. Pero hwag ding mabuhay sa kinabukasan kase di pa iyon nangyayari. Ang mahalaga ay ang mabuhay sa kasalukuyan. At ang kasalukuyan ay si Hesus.

Sabi nga nang great coach na si Eric Spoelstra: “The best way to live life is in the moment.”

N.B. My throwback: dati akong sipunin ngayon ay uhugin na!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento