Unawain Na Lang!
(Mt. 5: 38-42)
“Kapag puno na ang salop, dapat nang kalusin!”
Ang lahat daw ay merong hangganan. May hangganan ang pagbibigay. May
hangganan ang pagpapasensya. May hangganan ang pagpapatawad. Dumadating
yung panahon na sagad na sagad na talaga. Wala nang maibibigay pa.
Ito ang dahilan kaya may mga bagay na kahit anong ganda ay nagwawakas din. May mga relasyon na tila plano nang
langit pero di pala pang-walang-hanggan. May mga pagpapahalaga na
dumadating sa puntong dapat nang iwanan at wakasan. May mga pangarap na
kahit anong gawin ay hindi pa rin mararating. Meron tayong hinahawakan
na kung minsan kailangan nating bitawan.
Pero tila sa mga
paniniwalang ito, meron pa palang paninindigan na pwede pa ding
ipaglaban. Tila may wakas man pero hindi ito ang hangganan.
Kaya nga nagtuturo si Hesus na kapag may nag-aagrabyado sa isang tao
kailangang pagpasensyahan. Itinuturo din niya na pwedeng gumawa pa nang
banda roon. Mas higit pa sa pagpapasensya at ito ay ang pagbibigay. "
Kapag sinampal la ay ibigay mo pa ang kabilang pisngi."
Masakit
ang mga bagay na turo ni Hesus. Tila hindi ito makatao. Bakit nga ba
gagawan nang mabuti ang isang tao na gumagawa sa iyo nang masama? Mas
masarap ang gumanti.
Pero kung susuriin ang pagpapahalaga na
ito ay para din sa sarili. Hindi pwedeng labanan nang masama ang
kasamaan. Hindi pwedeng labanan ang karahasan nang dahas din. Hindi
pwedeng ituwid ang isang pagkakamali nang isa pang pagkakamali.
Kung bakit hindi ka gaganti sa mga nanlalamang ay para na din sa sarili.
Ang totoo nyan ay mas lumalaya ang isang tao kapag ang ginagawa niya ay
hindi bunga nang galit o nang kung ano mang sama nang loob. Mas
magiging masaya ang isang tao kung hindi nagpapaalipin sa kasamaan nang
ibang tao.
Kaya nga sa huli ang habilin ni Hesus sa atin ay
labanan ang kasamaan sa pamamagitan nang kabutihan, gawan nang mabuti
ang mga taong nagmamalaki, mahalin ang taong sa iyo ay nang-aalipin…
Kapag puno nang salop…humanap nang ibang lalagyan!
*di naman masamang mangarap kaya nga mangangarap na lang ako baka
sakaling mailagay ko sa isang timba ang lahat nang tubig sa dagat…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento