Huwebes, Hunyo 27, 2013

Ketong



Ketong
(Mt. 8: 1-4)         

May ketong ka ba?

Ang salitang ketong noong panahon ni Hesus ay isang generic term para sa lahat nang sakit sa balat. Pa gang isang tao ay may sakit sa balat siya ay may ketong. Para sa kanila kapag meron ka nito ikaw ay pinaparusahan nang Diyos…marahil ay dahil merong kang kasalanang mabigat o kaya naman ay may kasalanan ang pamilya nang taong ito. 

At ang sakit na ito ay nakakahawa kaya ang mga may sakit na ketong ay inihihiwalay. Sila ay itinataboy sa labas nang bayan. Bawal silang makisalamuha sa ibang taong walang sakit sa balat. Hindi lang sila may sakit. Itinatakwil at nilalayuan pa sila nang mga tao. Bawal silang lapitan sapagkat sila ay mapapasahan di lang nang sakit kundi nang kasalanan.

Pero dumating si Hesus. Di lang siya lumapit. Hinipo pa siya ni Hesus. Gumaling ang may ketong. Sinabihan siya ni Hesus na pasuri sa mga pari upang mapatunayan na magaling na siya. Pero hindi lang siya pinagaling ni Hesus. Ibinalik pa siya sa pamayanan.

Binangga ni Hesus ang umiiral na sistema nang pagtrato sa mabababa na sinisimbolo nang may ketong. Kung ang mga tao ay itinataboy ang mga maliliit, si Hesus naman ay tumatanggap. Kung ang mga tao nire-reject ang mga  nasa laylayan nang lupunan, si Hesus naman kanyang ina-affirm sa kanilang tunay na halaga bilang anak nang Diyos.
Madaling mahalin ang mga gwapo at magaganda. Madaling tanggapin ang mga mayayaman at makapangyarihan at may mga titulo sa lipunan. Pero mahirap mahalin ang mga mabababa, ang mga mababaho, ang mga mahihirap, ang mga nasa laylayan nang lipunan, ang mga itinuturing nating madudumi…may ketong.

Tularan natin si Hesus. Tinanggap niya at hinipo ang may ketong. Minahal at inilapit niya sa puso niya ang mga walang boses sa lipunan. Nakita ni Hesus ang kagandahan nang kalooban nito. Mahalin natin sila at tanggapin.

1 komento:

  1. MGA LUMANG LARAWAN AT KOMIKS SA BANNAWAG MAGAZINE

    Ako ay ipinanganak buhat sa isang pobreng pamilya sa paanan ng sierra madre. Bagama't salat sa materyal na bagay, kami naman ay busog sa mga pangaral at pagmamahal ng magulang at mga kamag-anak. Pangpito ako sa sampung magkakapatid. Dahil sa pagbabasa, pinangarap ko na ang maging maalwan ang buhay at magkaroon ng mga kagamitang sa mga pahina ng magasin ko lang nakikita.

    Maaga akong natutong magbasa. Sa edad na pito, binabasa ko na ang isang buong nobela sa bannawag magasin, ang bibliya ng mga ilokanong gaya ko. Taon 1967 noong magkaroon ako ng interes na alagaan ang mga diyaryo at kopya ng bannawag na aking nababasa. Dahil sa kahirapan, hindi kami makabili ng anumang kopya ng babasahin. Ako ay nakokontento na lamang sa panghihiram na kung minsan ay pinagdadamutan pa. Pero matiyaga ako at ang mga babasahing aking napapasakamay ay iniingatan at ititnatago ko para uulit-ulitn kong basahin. Sa murang edad, nalaman ko ang halaga ng pagbabasa sa ikauunlad ng kaisipan at galing ng tao.

    Dahil sa pagbabasa, lahat ng mga eksaminasyong kailangang ipasa para sa trabaho ay aking naipasa. Ako ay isang multi-eligible na alagad ng serbisyo publiko at utang ko yan sa maaga kong pagpapahalaga sa mga babasahin, lokal man o banyaga.

    Malapit na akong magretiro sa serbisyo publiko, at gusto kong pagbigyan ang aking unang interes mula pagkabata: ang pagkakaroon ng mga kopya ng babasahing BANNAWAG para makasama sa aking pagretiro. Hinahanap ko ang mga kopya ng Bannawag o LIWAYWAY mga taong 1950s hanggang 1966. Ito ang mga kopyang kinagigigliwan kong mapasa akin sa aking pagreretiro.

    TumugonBurahin