Ang Leon at ang Lamok
(Lk. 1: 57-66)
Minsan, nagpapahinga ang isang malaking leon nang bigla na lamang
siyang guluhin nang isang lamok. “Umalis ka dito! Hwag mo akong abalahin
sa aking pamamahinga!” sabi nang leon. “Sino kang mag-uutos sa akin!
Hindi ako tulad ng iba na takot sa iyo! Hindi mo ako kayang saktan!” ang
mayabang na sabi nang lamok.
Sa inis ng leon ay pinaghahampas niya ang lamok pero
hindi niya matamaan. Sumunod ay pinagkakagat ng leon ang lamok pero
hindi rin niya matamaan ang lamok. “Sabi ko sa iyo, hindi mo ako kaya.
Kaya’t hindi ako natatakot sa iyo!” sabi ng lamok.
Napahiya ang
leon at umalis na lamang. Patuloy sa pagtawa ang lamok habang lumilipad
paitaas. Hindi nito napansin ang isang sapot nang gagamba at siya ay
nadikit dito. Hindi na siya makaalis. Nakita niyang lumalapit na ang
gagamba upang siya ay kainin.
Nawalan na ng pag-asa ang lamok
at sa isip niya, nagawa niyang pahiyain ang leon na pagkalaki-laki, iyon
pala, isang maliit na gagamba lamang ang kakain sa kanya.
Ipinagdiriwang natin ang kapanganakan ni Juan Baustista. Sa kalendayo
nang Simbahan ay tatlo lang ang ipinagdiriwang: Ang kapanganakan ni
Hesus, ni Mama Mary, at ni Juan.
Si San Juan ang naghanda nang
daanan ni Hesus. Sa pamamagitan niya, itinuro niya ang pagbabalik loob
sa Diyos upang maging handa sa pagtanggap sa pagkakatawang-tao nang
pangako nang Diyos.
Siya man ay dakila dahil sa kanyang
ginampanan sa kasaysayan nang kaligtasan, nanatili pa rin naman siyang
mapagpakumbaba. Inakay niya ang mga tao palapit kay Kristo at hindi sa
kanyang sarili. Sinabi niya na hindi siya ang Kristo at hindi siya
karapat-dapat kahit na magtali ng panyapak nito.
Tularan natin si San Juan sa kanyang kapakumbabaan. Hwag tayong maging lamok.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento