Fr. Kasselmann, SVD
(Lk. 9: 51-62)
Ang isa sa pinakamatandang pari sa Apostolic Vicariate of San Jose ay
si Fr. Bernhard Kasselmann, isang German misyonaryong SVD na noong early
70s ay itinalaga sa isang maliit na bayan nang Looc, sa isla nang
Lubang. Konti lang ang alam ko tungkol sa mga naging buhay nya bilang
pari sa nasabing isla.
Una ko siyang nakilala sa airport nung papunta kaming Cebu. Nagpakilala
ako sa kanya. Sabi niya sa akin: “Ako si White Castle Kasselmann.”
Ilang beses ko lang siya nakasama pero yung ilang beses na nakasama ko
siya ay itinuturing kong malaking kayamanan.
Matagal siyang
naglingkod sa Looc at kabisado niya ang mga tao sa lugar na iyon.
Katunayan ay inilagay pa nga niya sa computer ang mga informations nang
mga taga roon. Kapag walang makita sa munsipyo na record ang isang tao
doon, sa kanya sila lumalapit at siguradong nakatala sa computer. Halos
kalahati nang kanyang buhay ay ibinigay niya sa taga-Looc.
Minsan ay nagkita kami sa isang gathering nang mga kaparian. Nakita ko
siya sa isang tabi na naninigarilyo nang paborito nyang Marlboro red.
Lumapit ako sa kanya ay nanghingi ako nang isang stick. Sabi sa akin:
"Hwag mong pag-aralan ang paninigarilyo. Masama sa bata ang
paninigarilyo." Napangiti na lamang ako.
Yan si Fr. Kasselmann.
Idol nang mga batang pari. Respetado nang lahat nang pari. Isang
huwaran nang pagsunod kay Kristo. Simpleng pari. Iniwan niya ang
nilakhan niyang bansa para maglingkod sa mga mahihirap nang Occidental
Mindoro.
Ngayong Linggong ito ay ipinapaalala sa atin ni Kristo
ang tungkol sa pagsunod sa kanya. Sabi ni Hesus: “May lungga ang mga
asong gubat at may pugad ang mga ibon ngunit ang Anak ng Tao ay wala man
lang mahiligan nang kanyang ulo.” Ito pala ang sinusundan nang mga
Kristiyano. Si Kristo ay niyakap niya ang katotohanan nang pagiging
mahirap.
Hindi ba’t nung siya ay isinilang ay sa sabsaban? At
noong siya ay pinatay ay nanghiram lang siya nang kanyang pinaglibingan?
Ang pagsunod kay Kristo ay pagiging walang kasiguraduhan sa pangako
nang mundo. Ang kasiguraduhan lang ay hindi nang-iiwan si Hesus sa mga
sumusunod sa kanya.
Sabi nung isang gustong sumunod:
“Ipapalibing ko muna ang aking ama.” Ang ibig niyang sabihin ay
hihintayin muna niyang mamatay ang kanyang magulang at hihintayin muna
niya na wala na siyang responsibilidad sa pamilya. Pero sabi ni Hesus:
“Hayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang mga patay. Humayo ka
naman at ipangaral ang Kaharian nang Diyos.”
Yun pala ang
katotohanan nang mga sumusunod kay Kristo. Dapat siya ang number 1. Siya
dapat ang uunahin. Walang lingon lingon. Dapat diretso. Kay Kristo
lagi...
Trivia kay Fr. Kasselmann:
1) Di siya kinakagat
nang lamok. Pinag-aralan na sa Manila kung bakit iniiwasan siya nang
lamok. Di ko lang alam kung anong naging resulta.
2) Marunong siyang tumingin kung saan may tubig na magandang pagtayuan nang waterpump sa tulong nang dalawang munting bakal.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento