Linggo, Hunyo 30, 2013

Public Service? Remember SATO

Public Service? Remember SATO

(This piece was delivered during when I was invited during the anniversary of the Civil Service Commission a couple of years ago. This edited version is posted as the elected officials will officially start their public service.)

Ang Tema nang anibersaryo nang Civil Service na nabasa ko sa invitation card na ipinadala sa akin ay RACE: Responsive Accessible Courteous and Effective Public Service. Dahil gumamit nang acronym ang tema nang anibersaryo ay gagamit na din ako nang acronym para sa aking pagbabahagi.

Una kong inisip ay ang initials nang ating Governor Nene: JRS (Josephine Ramirez Sato). Pero naisip ko hindi pwede at baka isipin nang makarinig ay nag-a-advertise ako at baka magalit ang hari nang padala. Kaya naman yun na lang apelyedo niya ang gagamitin ko: SATO.

Kapag napag-usapan ang public service, alalahanin natin SATO!

S stands for SINCERITY. Those who want to be a public servant must be sincere. There is no room for wearings masks. Dapat ang maglilingkod para sa tao ay tapat at totoo. Hidi pwede na sarili ang iniisip. Dapat ang dahilan ay upang makatulong sa iba lalo na sa mga nasa laylayan nang lipunan. Hindi pwedeng pakitang tao. Dapat ito ay nagmumula sa kaibuturan nang puso. Dapat ding ginagawa ang mga ipinangako.

A for Accountability. A public servant must be responsible and accountable for what he or she is doing in the office. He/She is answerable to the people from whom the power of the office emanates. Meron siyang pananagutan sa mga desisyon at mga ginagawa sa ngalan nang kapangyarihang ipinagkatiwala sa kanya.

T for Trust. A public service is a public trust as a saying goes. The person is entrusted with power but that power is the power to serve. Power is not meant for personal gain but a medium towards serving the many. Power is not for protection of personal interest nor for the interest of the family or some groups. The person is given power in order to deliver the basic services. A public servant is basically katiwala.

O for OBEDIENCE. A public servant must follow the law in which the office is governed. All actions must be in accordance to the precepts in connection to the power he/she possess. And most of all, a public servant must follow the will of God.

Public service equals SATO.

Pero baka magtanong kayo: “Yun lang ba ang public service? Hindi ba kasama ang Love?”

Kasama po yung love at pagmamahal. Kapag public service Sato. At kapag Sato ito ay si Nene. At kapag Nene may love. Tingnan nyo na lang yung signature niya…may puso!

Fr. Kasselmann

Fr. Kasselmann, SVD
(Lk. 9: 51-62)

Ang isa sa pinakamatandang pari sa Apostolic Vicariate of San Jose ay si Fr. Bernhard Kasselmann, isang German misyonaryong SVD na noong early 70s ay itinalaga sa isang maliit na bayan nang Looc, sa isla nang Lubang. Konti lang ang alam ko tungkol sa mga naging buhay nya bilang pari sa nasabing isla.

Una ko siyang nakilala sa airport nung papunta kaming Cebu. Nagpakilala ako sa kanya. Sabi niya sa akin: “Ako si White Castle Kasselmann.” Ilang beses ko lang siya nakasama pero yung ilang beses na nakasama ko siya ay itinuturing kong malaking kayamanan.

Matagal siyang naglingkod sa Looc at kabisado niya ang mga tao sa lugar na iyon. Katunayan ay inilagay pa nga niya sa computer ang mga informations nang mga taga roon. Kapag walang makita sa munsipyo na record ang isang tao doon, sa kanya sila lumalapit at siguradong nakatala sa computer. Halos kalahati nang kanyang buhay ay ibinigay niya sa taga-Looc.

Minsan ay nagkita kami sa isang gathering nang mga kaparian. Nakita ko siya sa isang tabi na naninigarilyo nang paborito nyang Marlboro red. Lumapit ako sa kanya ay nanghingi ako nang isang stick. Sabi sa akin: "Hwag mong pag-aralan ang paninigarilyo. Masama sa bata ang paninigarilyo." Napangiti na lamang ako.

Yan si Fr. Kasselmann. Idol nang mga batang pari. Respetado nang lahat nang pari. Isang huwaran nang pagsunod kay Kristo. Simpleng pari. Iniwan niya ang nilakhan niyang bansa para maglingkod sa mga mahihirap nang Occidental Mindoro.

Ngayong Linggong ito ay ipinapaalala sa atin ni Kristo ang tungkol sa pagsunod sa kanya. Sabi ni Hesus: “May lungga ang mga asong gubat at may pugad ang mga ibon ngunit ang Anak ng Tao ay wala man lang mahiligan nang kanyang ulo.” Ito pala ang sinusundan nang mga Kristiyano. Si Kristo ay niyakap niya ang katotohanan nang pagiging mahirap.

Hindi ba’t nung siya ay isinilang ay sa sabsaban? At noong siya ay pinatay ay nanghiram lang siya nang kanyang pinaglibingan? Ang pagsunod kay Kristo ay pagiging walang kasiguraduhan sa pangako nang mundo. Ang kasiguraduhan lang ay hindi nang-iiwan si Hesus sa mga sumusunod sa kanya.

Sabi nung isang gustong sumunod: “Ipapalibing ko muna ang aking ama.” Ang ibig niyang sabihin ay hihintayin muna niyang mamatay ang kanyang magulang at hihintayin muna niya na wala na siyang responsibilidad sa pamilya. Pero sabi ni Hesus: “Hayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang mga patay. Humayo ka naman at ipangaral ang Kaharian nang Diyos.”

Yun pala ang katotohanan nang mga sumusunod kay Kristo. Dapat siya ang number 1. Siya dapat ang uunahin. Walang lingon lingon. Dapat diretso. Kay Kristo lagi...

Trivia kay Fr. Kasselmann:
1) Di siya kinakagat nang lamok. Pinag-aralan na sa Manila kung bakit iniiwasan siya nang lamok. Di ko lang alam kung anong naging resulta.
2) Marunong siyang tumingin kung saan may tubig na magandang pagtayuan nang waterpump sa tulong nang dalawang munting bakal.

Throwback

Throwback
(Mt. 16: 13-19)

Uso ang throwback sa facebook ngayon. Yung mga pictures na panahon pa nang hapon ay biglang ipino-post. Yung mga lumang litrato na nakatago sa baul ay muling nakalanghap nang panibagong hangin. Yung mga pinakatatagong imahe na pinanahanan na nang mga kung anu-anong insekto ay biglang nahahalukay at nagkakaroon nang kulay.

Dahil curious ako sa kung ano ang throwback, tiningnan ko ang kahulugan nito sa Encarta. Sabi dito:

1. Organism reverting to earlier type (reversion to an earlier type)
2. Animal or person resembling ancestor (an animal or person bearing a striking resemblance to an ancestor)
3. Anachronistic thing (something contemporary that seems to belong to the past)

Yun pala ang kahulugan nang throwback. Yung ngayon na tila nakaraan pa rin. Yung noon pero nabubuhay ngayon. Katulad halimbawa nang mga pictures ngayon sa facebook. Dahil sa throwback malalaman mo na may mga tao na noon pa man ay cute na, na noon pa man ay mukhang anghel na, na noon pa man ay mukhang mabait na, na kahit noon pa man ay hindi nakakasawa tingnan ang mukha, na hindi nakakaumay kahit ilang beses titigan at balik balikan.

Pero nakakatuwa din tingnan at malaman ang mga naging evolution nang isang tao o yung kaniyang naging pagbabago. Kung ngayon ay alam mong para ka nang buwaya dahil sa kalakihan, dahil sa throwback malalaman mong dati ka palang butiki. Kung ngayon alam mong para ka nang palaka dahil sa katabaan, dahil sa throwback malalaman mong dati ka palang butete. Kung ngayon ang alam mo ay babae ka, dahil sa throwback ipapaalala sa iyo na minsan ay naging lalaki ka din. (bahala na po kayong magbigay nang mga examples…ha ha ha.. :P)

Nang dahil sa throwback nalalaman ang nakaraan.

Sa Mabuting Balita ngayon ay throwback din ang peg. Tinanong niya ang mga alagad kung sino siya para sa mga tao. Sabi nang mga alagad: “May nagsasabing si Juan Baustista kayo; may nagsasabing si Elias o si Jeremias o isa sa mga Propeta noong una.” Si Hesus kase may resemblance sa mga taong nabanggit. Si Hesus kase may pagkakapareho sa nakaraang mga taga-akay nang bayang Israel. May pagkakahawig man iba pa rin si Hesus.

Iba ang pagkakilala ni Pedro. May throwback man, alam ni Pedro na mas mataas pa si Hesus sa mga taong nabanggit. Sabi niya: “Ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos na Buhay.” Ayon kay Pedro, si Hesus ang sukdulang pagpapahayag nang Diyos nang Kanyang sarili. At para kay Pedro, mas mahalaga ang ngayon kase si Hesus na ang kasama nila.

Maganda ang throwback. Nakakatuwa. Pero hwag mabuhay sa nakaraan kase tapos na iyon at di na mababago. Pero hwag ding mabuhay sa kinabukasan kase di pa iyon nangyayari. Ang mahalaga ay ang mabuhay sa kasalukuyan. At ang kasalukuyan ay si Hesus.

Sabi nga nang great coach na si Eric Spoelstra: “The best way to live life is in the moment.”

N.B. My throwback: dati akong sipunin ngayon ay uhugin na!

Huwebes, Hunyo 27, 2013

Ketong



Ketong
(Mt. 8: 1-4)         

May ketong ka ba?

Ang salitang ketong noong panahon ni Hesus ay isang generic term para sa lahat nang sakit sa balat. Pa gang isang tao ay may sakit sa balat siya ay may ketong. Para sa kanila kapag meron ka nito ikaw ay pinaparusahan nang Diyos…marahil ay dahil merong kang kasalanang mabigat o kaya naman ay may kasalanan ang pamilya nang taong ito. 

At ang sakit na ito ay nakakahawa kaya ang mga may sakit na ketong ay inihihiwalay. Sila ay itinataboy sa labas nang bayan. Bawal silang makisalamuha sa ibang taong walang sakit sa balat. Hindi lang sila may sakit. Itinatakwil at nilalayuan pa sila nang mga tao. Bawal silang lapitan sapagkat sila ay mapapasahan di lang nang sakit kundi nang kasalanan.

Pero dumating si Hesus. Di lang siya lumapit. Hinipo pa siya ni Hesus. Gumaling ang may ketong. Sinabihan siya ni Hesus na pasuri sa mga pari upang mapatunayan na magaling na siya. Pero hindi lang siya pinagaling ni Hesus. Ibinalik pa siya sa pamayanan.

Binangga ni Hesus ang umiiral na sistema nang pagtrato sa mabababa na sinisimbolo nang may ketong. Kung ang mga tao ay itinataboy ang mga maliliit, si Hesus naman ay tumatanggap. Kung ang mga tao nire-reject ang mga  nasa laylayan nang lupunan, si Hesus naman kanyang ina-affirm sa kanilang tunay na halaga bilang anak nang Diyos.
Madaling mahalin ang mga gwapo at magaganda. Madaling tanggapin ang mga mayayaman at makapangyarihan at may mga titulo sa lipunan. Pero mahirap mahalin ang mga mabababa, ang mga mababaho, ang mga mahihirap, ang mga nasa laylayan nang lipunan, ang mga itinuturing nating madudumi…may ketong.

Tularan natin si Hesus. Tinanggap niya at hinipo ang may ketong. Minahal at inilapit niya sa puso niya ang mga walang boses sa lipunan. Nakita ni Hesus ang kagandahan nang kalooban nito. Mahalin natin sila at tanggapin.

Lunes, Hunyo 24, 2013

Ang Leon at ang Lamok

Ang Leon at ang Lamok
(Lk. 1: 57-66)

Minsan, nagpapahinga ang isang malaking leon nang bigla na lamang siyang guluhin nang isang lamok. “Umalis ka dito! Hwag mo akong abalahin sa aking pamamahinga!” sabi nang leon. “Sino kang mag-uutos sa akin! Hindi ako tulad ng iba na takot sa iyo! Hindi mo ako kayang saktan!” ang mayabang na sabi nang lamok.

Sa inis ng leon ay pinaghahampas niya ang lamok pero hindi niya matamaan. Sumunod ay pinagkakagat ng leon ang lamok pero hindi rin niya matamaan ang lamok. “Sabi ko sa iyo, hindi mo ako kaya. Kaya’t hindi ako natatakot sa iyo!” sabi ng lamok.

Napahiya ang leon at umalis na lamang. Patuloy sa pagtawa ang lamok habang lumilipad paitaas. Hindi nito napansin ang isang sapot nang gagamba at siya ay nadikit dito. Hindi na siya makaalis. Nakita niyang lumalapit na ang gagamba upang siya ay kainin.

Nawalan na ng pag-asa ang lamok at sa isip niya, nagawa niyang pahiyain ang leon na pagkalaki-laki, iyon pala, isang maliit na gagamba lamang ang kakain sa kanya.

Ipinagdiriwang natin ang kapanganakan ni Juan Baustista. Sa kalendayo nang Simbahan ay tatlo lang ang ipinagdiriwang: Ang kapanganakan ni Hesus, ni Mama Mary, at ni Juan.

Si San Juan ang naghanda nang daanan ni Hesus. Sa pamamagitan niya, itinuro niya ang pagbabalik loob sa Diyos upang maging handa sa pagtanggap sa pagkakatawang-tao nang pangako nang Diyos.

Siya man ay dakila dahil sa kanyang ginampanan sa kasaysayan nang kaligtasan, nanatili pa rin naman siyang mapagpakumbaba. Inakay niya ang mga tao palapit kay Kristo at hindi sa kanyang sarili. Sinabi niya na hindi siya ang Kristo at hindi siya karapat-dapat kahit na magtali ng panyapak nito.

Tularan natin si San Juan sa kanyang kapakumbabaan. Hwag tayong maging lamok.

Driving Lesson

Driving Lesson
(Lk. 9: 18-24)

May mga basics dawn a dapat pag-aralan upang matutong mag-drive. Pagpasok mo daw sa sasakyan ay dapat na i-check muna ang mga side mirror at rearview mirror kung ayos at nakikita dito ang likod. Kailangan ding tingnan kung nasa neutral ang kambyo kase kapag pinaandar agad nang nakakambyo ito at magja-jumpstart na nagiging dahilan nang mga aksidente. Pag ayos na ay pwede nang paandarin ang sasakyan. Kailangang tapakan ang clutch bago ikambyo nang primera kung pa-forward o kaya ay reverse pag paatras.

Kapag tumatako na kailangan ding pag-aralan ang pagpalit nang kambyo. Pag pataas halimbawa sa bundok, kailangang magbawas nang kambyo at hindi nasa mataas. Pag di pa rin kaya ay ibabalik dapat sa primera. Pag hindi ito ginawa at nanatili sa mataas, mahihirapan ang makina at baka ito ay mamatay pa at di ka makakarating sa paroroonan.

Pwede rin daw nating gamiting simbolo ito sa ating paglalakbay. Kapag may mga gabundok na mga problema, malalampasan lamang ito kung babalik tayo sa primera, sa number 1, kung babalik lang tayo sa Diyos. Magiging maayos an gating pagsunod kung laging babalikan ang Diyos.

Sa Mabuting Balita sinabi ni Hesus: “Kung may gustong sumunod sa akin, itakwil ang kanyang sarili at kunin ang kanyang krus araw-araw para sumunod sa akin.”

Hindi pala madali ang sumunod kay Hesus. Kailangang itakwil ang sarili. Kinakailangan ito sapagkat sa lahat nang gagawin ay ang kalooban nang Diyos ang dapat na ginagawa at hindi ang sariling kalooban. Ang pagsunod kase ay pagbibigay kahit na nga nasasaktan at nahihirapan. Ang mga biyaya nang Diyos ang papasok sa sarili at ang lahat na ay palabas patungo sa ibang tao. Sa pamamagitan nito, walang dapat na itira sa sarili katulad nang ginawa ni Hesus.

Kailangan ding pasanin ang krus. Hindi rin ito basta basta. Sa panahon ngayon na itinuturo sa atin nang mundo na dapat iwasan ang mga pasanin at talikdan ang mga problema, hinahamon tayo ni Hesus na hwag iwasan ang mga ito at sa halip ay gamitin ito bilang pagsunod sa Diyos. Lahat naman ay may mga krus sa buhay, walang nakakaligtas dito. Yun nga lang, iba’t-iba ang pamamaraan nang pagbuhat natin. Pero isa ang mahalaga. Hindi natin inaayawan ang krus.

Kung nahihirapan tayo sa mga requirements ni Hesus tungkol sa pagsunod, alalahanin natin ang sasakyan na manual. Meron itong mga kambyo na primera hanggang sa kwarta. Kapag nahihirapan sa pagtakbo, kinakailangan na magbawas nang kambyo lalo na kapag pataas ang daan. Kapag nahihirapan pa rin ay babalik sa primera upang lumakas ang hatak nito kung hindi ay mamamatay ang makina nito.

May isang kwento tungkol sa isang pari na binigyan nang bagong assignment papunta sa Amerika. Noong una niyang malaman ito ay para siyang nagdalawang-isip. Una ay hindi siya sanay magsalita nang Engish at ikalawa ay siya ay napakaliit. Naisip niymerika ay baka mapagkamalan siyang bata. Gayunpaman ay sumunod siya sapagkat ito marahil ang kalooban nang Diyos sa kanya at ang Diyos naman ang tutulong sa kanya.

Pagdating niya doon ay nagkaroon agad siya nang problema sapagkat sa ang altar ay napakataas at ginawa ito para sa malalaking tao. Halos mukha na lamang niya ang nakikita nang mga tao. Pero gumawa siya nang paraa. Sa pag-aantanda nang Krus ay ginamit niya ang muka. Sa noo ang “Sa Ngalan nang Ama”; sa baba ang” Sa ngalan nang Anak”; at sa magkabilang pisngi ang “Sa ngalan nang Espiritu Santo.” Effective ang naisip niya…

Alalahanin natin ang Diyos sa ating paglalakbay at pagsunod kay Hesus. Ang Diyos ang gamitin nating number 1 sa buhay natin…

The Golden Rule

The Golden Rule
(Mt. 7: 12-14)

Alam nyo ba ang boomerang? Ito ay isang pakurbang bagay na kapag inihagis ito ay babalik sa naghagis.

Ganito din ang Golden Rule: “Hwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nang iba sa iyo.” Negative ang formulation nito. Kung ayaw mong saktan ka nang iba, hwag kang mananakit. Kung ayaw mong manakawan, hwag kang magnanakaw. Kung ayaw mong lamangan, hwag ka ding manglalamang. Kung ayaw mong paiyakin ka, hwag kang magpapaiyak nang ibang tao...

Pero sa negative formulation na ito, parang kulang pa rin. Pwede kase na mangyari na wala na lang gagawin ang isang tao. Ang sabi nga nung mag-asawa: “Kaming mag-asawa ay wala namang pinag-aawayan pero wala din kaming pinagkakasunduan.” Pag ganito ang nangyari, wala pa ring patutunguhan ang anumang relasyon.

Pero para kay Hesus ay positive formulation: “Gawin ninyo sa iba ang gusto ninyong gawin sa inyo.” Para kay Hesus dapat proactive. Hindi lang walang ginagawa. Dapat ay merong ginagawa at ito ay dapat na nakasalalay sa kung ano man ang gusto ring mangyari sa sarili.
Ang sabi nga ni Edward Burke: "In order for evil to flourish, all that is required for good is to do nothing."

Katulad nang boomerang na bumabalik kapag inihagis, dapat tayo rin ay gumawa nang mabuti katulad nang kagustuhan natin na gawin sa atin nang ibang tao.

Biyernes, Hunyo 21, 2013

The Rise ao the Miami Heat and The Demise of San Antonio Spurs

The Demise of San Antonio Spurs

It was a thrilling game down to the last minute of the game. With a seesaw battle starting from the tip off, the game was decided at the last minute. But one of the most obvious is how the Miami Heat handled the pressure. They indeed have a great championship heart. With that back to back championships, we cannot question the team effort with the guidance of the great coach Eric Spoelstra.

In Mamburao basketball court, there is a term that could describe a good player: HALIMAW. And this could also describe the Miami team.
Halimaw talaga si James. He is unstoppable offensively. But he also provided the defense on playmaker Parker limiting him to 10pts. And with that he earned the MVP award.

Wade remains the captain of the team and he showed the leadership and the willingness to give everything to grab the championship trophy. Last 7minutes of the game, James made a steal. Wade on the other side of the court fell after colliding with a Spur’s player. James passed the ball ahead of Wade. Wade, still in the floor, crawl just to get the ball. (Nakakatawa talaga na makita si Wade na gumagapang sa court para lang makuha ang bola…at inulit-ulit pang ipakita sa replay…ha ha ha).

But Coach Spoelstra is also a Halimaw. With the past games’ alternating results, he made an adjustment. Last year, it was Miller who provided the outside threat from beyond the ark. This time it was Battier who made treys puzzling the Spurs coaching staff on how to defend the aggressive James and shots from downtown. Spoelstra made it happen. He also sees to it that Parker will not have enough gas in his tank down the last minutes of the game by assigning James to guard Parker and made Parker’s night difficult.

Miami Heat team is a monster. This is a team effort. They are on the brink of elimination only to fight back, eventually eliminating San Antonio Spurs. Could this be the end of Duncan’s era? I hope not. They can learn from Miami’s never say die attitude…

With the win, Miami Heat captured its third championship and a back to back championship. Hats off sa mga Halimaw!

And with that win, another box of empe lights…ha ha ha,

By the way, tanggap na ni Luke si Maya bilang girlfriend ni Ser Chief!

Miami Heat Wins the Championship

Miami Heat Wins the Championship
(Mt. 6:19-23)

NBA championship 2013. San Antonio Spurs versus Miami Heat. Best of seven series. Nakatatlong panalo na ang Spurs at nangangailangan na lang nang isang panalo para makuha ang kampionato. Game 6. Mahigit 20 segundo na lang ang natitira. Lamang pa nang anim ang Spurs.

Nag-alisan na ang maraming fans nang Miami sa pag-aakalang talo na ang Heat. Kahit na nga ang mga players kasama na ang MVP na si Lebron James ay desperado na din. Pero isang tao, si Coach Eric Spoelstra, ang naniwala na makakaya pa rin nila. Sa kanyang mga pananalitang paggabay, bumalik sa court ang mga players dala ang kaunting pag-asa.

Dalawang error na ang nagawa ni Lebron pero hindi iyon naging hadlang para gumawa. Tumira siya nang 3pts. Sa una ay sumablay pero nakuha pa rin nila ang bola at muli siyang tumira. Nahulog ang bola sa ring. Sa huling mahigit limang minuto nang game, muling tumira si James pero sablay ito. Na-rebound ni Bosh ang bola at ibinigay kay Allen na tumira naman nang tres. Naibuslo niya ito. Extension ang laban.

Natapos ang laro at nanalo ang Heat. Gayun din ang nangyari sa game 7. Nanalo ang Heat at nakuha nila ang kampionato. Nanalo sila sapagkat meron silang malaking puso para lumaban at sungkitin ang sa palagay nila ay para sa kanila.

Ang sabi sa Mabuting Balita; “…kung nasaan ang iyong kayamanan, naroon din ang puso mo.” Malalaman natin ang laman nang puso sa pamamagitan nang pagsuri sa sarili. Ano ba ang pinagbubuhusan mo nang iyong lakas? Ano ba ang binibigyan mo nang maraming panahon? Ano ba ang laman nang iyong isip? Ano ba ang iyong pinapahalagahan? Ano ba ang pinagbubuhusan mo nang talino? Ang kasagutan dito ay ang itinuturing mong kayamanan.

Sa buhay isa lang naman talaga ang dapat nating itinuturing na kayamanan, walang iba kundi ang Panginoon. Kung bakit tayo nagsasakripisyo para sa pamilya at sa ibang tao, ang dahilan ay ang Diyos. Kung bakit tayo nagpapakabuti, ang dahilan ay ang Diyos. Kung bakit tayo naglilingkod, walang iba kundi ang Diyos. At kung bakit tayo nagmamahal nang tunay ang dahilan ay ang Diyos.

Ano ang laman nang puso mo? Sana ang Panginoon ang ituring mong tunay na kayamanan.

Miyerkules, Hunyo 19, 2013

Coach Spoelstra

Miami Heat Wins!

What a game that was!

With the Miami Heat fans starting to leave the building in surrender, with Heat’s players including the season MVP Lebron James in desperation, and with the yellow rope brought down the sidecourt to prepare the awarding ceremony, there was only one man who stood out and motivated the team to hold on. Coack Eric Spoelstra who guided the team to game 6 of the championship made the last effort to lift the team up.

Actually it was an almost impossible win. James made back to back turnovers with the San Antonio leading by six point with less than 20 seconds left. Lebron even missed the three pointer but was rebounded and in a couple of seconds the ball was back in his hand. Without hesitation he made the shot outside the arc. Rey Allen made another three with 5 seconds left to tie the game and leading the game into overtime and eventually winning the game and bringing the way for game seven. (hopefully I can add here: “eventually capturing the championship”:))

The game could teach us to never give up. While almost everybody accepted defeat though the game is not yet finish, Coach Eric believes that the team can still make it. And they did…

The win was like a championship. But the battle is not yet over. Championship will be fought in a single game. Let’s see how the Spurs would stand up from this heartbreaking loss. And also, let’s see if the Heat will confirm their championship heart.

But most of all, let’s witness how great Coach Eric is!

But for the mean time, let’s celebrate the Heat’s win (with 1 box of empe lights courtesy of reymond?)…

Juan de la Cruz

Juan de la Cruz
(Mt. 6: 1-6)

Isang tagpo sa telenobelang Juan de lA Cruz...

Bakit daw hindi nagpapakilala ang tagabantay? Bakit daw kapag ini-interview sa TV yung mga taong natulungan niya ay tila nalilimutan na nila ang mukha nang tagabantay? Kung makikilala nga naman ang tagabantay ay mas maraming hahanga sa kanya, mas lalong magiging tanyag at sikat siya, at titingalain siya nang mga tao.

Pero hindi iyon ang dahilan nang tagabantay kung kaya siya tumutulong sa mga tao. Tumutulong siya sapagkat ito ang misyon niya…ang maging tagapagtanggol Nang mga tao. Ginagawa niya ito hindi para sa kanyang sarili pero para sa kabutihan nang marami.

Ito rin ang itinuturo ni Hesus. Ang sabi niya: “Mag-ingat na hindi maging pakitang-tao lamang ang inyong mabubuting gawa. Kung ganito ang gagawin n’yo, wala na kayong gantimpala sa inyong Amang nasa Langit.”

Yun pala ang dapat na maging dahilan kung bakit tayo gumagawa nang kabutihan. Ang Diyos pala ang dapat na maging dahilan kung bakit tayo tumutulong, kung bakit tayo nagpapakabuti, kung bakit tayo nagpapabait, kung bakit tayo nagiging bahagi Nang buhay nang ibang tao.

Hindi pala sapat na gumawa nang kabutihan. Dapat mabuti din ang intensyon nang paggawa nito. Minsan kase ang ginagawa nating kabutihan ay pansarili din lang pala ang dahilan. Gumagawa nang mabuti para makilala at sumikat. Gumagawa nang maganda para makilala. Hindi pala sapat na gumawa nang mabuti. Dapat maganda din ang dahilan.

Kaya nga kung meron tayong gagawin alamin natin kung bakit natin gagawin Ang bagay na ito. Sana ang Diyos ang dahilan kung bakit tayo gumagawa nang mabuti.

N.B. We pray that we purify our intentions in all that we do…

Lunes, Hunyo 17, 2013

Alakdan

Alakdan
(Mt5: 43-48)

May isang kwento tungkol sa mag-lolo na pumuta sa gubat. Sa kanilang paglalakad nakakita sila nang isang alakdan na nadaganan nang bato at hindi ito makaalis. Lumapit ang lolo at tinanggal ang nakapatong na bato pero sa pagtanggal nito ay kinagat siya nang alakdan. Nakita ito nang apo at sinabi sa lolo: “Napakasama nang alakdan nay un kase tinulungan na nga siyang makaalis ay nangagat pa. Tinulungan na nga masama pa ang iginanti.” Sumagot ang lolo: “Natural na sa alakdan na mangagat pero tayo ay tao at dapat na tayo ay tumulong sa nangangailangan.”

Sinabi ni Jesus: “Mahalin nyo ang inyong kaaway at ipagdasal ang mga umuusig sa inyo.” Mahirap gawin ito. Gusto natin saktan din ang mga taong nakasakit sa atin. Mas gusto nating gumanti kapag tayo Ay naaagrabyado. Nakadarama tayo nang kasiyahan kapag may masamang nangyayari sa taong may nanakit sa ating damdamin.

Pero sa pamamagitan lang nang pagsunod sa bilin ni Hesus na tayo ay makikilala na tagasunod tayo niya. Sa pamamagitan nang hindi pagsunod sa agos nang buhay tayo magiging katulad ni Kristo. Mahirap man pero kailangan kase ito yung paraan para tayo ay maging malaya at maligaya.

Kapag tinularan natin ang gumagawa sa atin nang masama, wala na din tayong pinagkaiba sa kanya. Galit tayo sa masama pero sa prosesong ito nagiging katulad din tayo nang taong kinagagalitan natin, Nagiging katulad tayo nang taong ayaw natin.

Nung minsan sa seminary ay may nakakapasok na magnanakaw. Maraming seminarista ang nawalan Nang pera at mga gamit. Hindi na nakatiis ang rector naming noon na si Fr. Rey Evangelista (bishop na ngayon nang diocese of Imus in Cavite) at siya ay nagpatawag nang meeting. Sinabi niya: “Ipagdasal na lang natin ang magnanakaw na siya ay biyayaan nang Panginoon.”

Nagbulong-bulungan kaming mga seminarista. Nasabinamin na bakit ipagdadasal na biyayaan pa eh magnanakaw nga. Narinig ito marahil ni Fr. Rey kaya idinagdag niya: “Ipagdasal natin yung magnanakaw na siya ay biyayaan nang Panginoon nang biyaya nang pagbabalik-loob!”

Gusto mong tawagin kang Kristiyano? Hwag maging alakdan. MAging mabait sa mga taong masungit.

Unawain na Lang

Unawain Na Lang!
(Mt. 5: 38-42)

“Kapag puno na ang salop, dapat nang kalusin!”

Ang lahat daw ay merong hangganan. May hangganan ang pagbibigay. May hangganan ang pagpapasensya. May hangganan ang pagpapatawad. Dumadating yung panahon na sagad na sagad na talaga. Wala nang maibibigay pa.

Ito ang dahilan kaya may mga bagay na kahit anong ganda ay nagwawakas din. May mga relasyon na tila plano nang langit pero di pala pang-walang-hanggan. May mga pagpapahalaga na dumadating sa puntong dapat nang iwanan at wakasan. May mga pangarap na kahit anong gawin ay hindi pa rin mararating. Meron tayong hinahawakan na kung minsan kailangan nating bitawan.

Pero tila sa mga paniniwalang ito, meron pa palang paninindigan na pwede pa ding ipaglaban. Tila may wakas man pero hindi ito ang hangganan.

Kaya nga nagtuturo si Hesus na kapag may nag-aagrabyado sa isang tao kailangang pagpasensyahan. Itinuturo din niya na pwedeng gumawa pa nang banda roon. Mas higit pa sa pagpapasensya at ito ay ang pagbibigay. " Kapag sinampal la ay ibigay mo pa ang kabilang pisngi."

Masakit ang mga bagay na turo ni Hesus. Tila hindi ito makatao. Bakit nga ba gagawan nang mabuti ang isang tao na gumagawa sa iyo nang masama? Mas masarap ang gumanti.

Pero kung susuriin ang pagpapahalaga na ito ay para din sa sarili. Hindi pwedeng labanan nang masama ang kasamaan. Hindi pwedeng labanan ang karahasan nang dahas din. Hindi pwedeng ituwid ang isang pagkakamali nang isa pang pagkakamali.
Kung bakit hindi ka gaganti sa mga nanlalamang ay para na din sa sarili.

Ang totoo nyan ay mas lumalaya ang isang tao kapag ang ginagawa niya ay hindi bunga nang galit o nang kung ano mang sama nang loob. Mas magiging masaya ang isang tao kung hindi nagpapaalipin sa kasamaan nang ibang tao.

Kaya nga sa huli ang habilin ni Hesus sa atin ay labanan ang kasamaan sa pamamagitan nang kabutihan, gawan nang mabuti ang mga taong nagmamalaki, mahalin ang taong sa iyo ay nang-aalipin…

Kapag puno nang salop…humanap nang ibang lalagyan!

*di naman masamang mangarap kaya nga mangangarap na lang ako baka sakaling mailagay ko sa isang timba ang lahat nang tubig sa dagat…

Janna

Janna
(Lk. 7:36-50)

Nakakatuwa itong si Janna. Kapag nagpo-post siya nang pictures ang daming nagla-like. Ang sabi niya maraming nagla-like kase marami lang siyang kaibigan. Pero totoo naman siyang pretty. Pero hindi lang outside. pag nakilala nyo siya, pati na rin sa loob, she is a beauty. More than the outside beauty she is a beauty inside. She is pretty inside out…

Ganun talaga siguro ang buhay. Kapag maganda ang kalooban nagiging maganda rin ang panlabas. Tingnan ninyo ang mga totoong kaibigan. Sila yung nakaka-apppreciate ng kabaitan at kabutihan nang nang isang tao. Sabi nga ni Ate Lally nung minasan: “Ang galit nakakapangit.” Totoo rin ito. Tingnan nyo yung mga masusungit at ang ugali ay pangit…makita nyo pa lang ang hitsura ay iiwas na kayo.

Tanungin nyo yung mga estudyante. Kapag may teacher na masungit ito ay iiwasan. Hahanap at hahanap nang ibang teacher hwag lang makita si teacher sungit. At kahit na nga gabihin pa o kaya ay mahirap ang schedule ito pa rin ang pipiliin i-enroll hwag lang maging teacher ang kasungitan na nagkatawang-tao.

Sa Mabuting Balita, dalawang tao ang lumapit kay Hesus. Ang una ay ang Pariseo. Para sa kanya isa siyang taong matuwid. Mataas ang tingin sa kanya nang mga tao kase nasa itaas siya nang lipunan. Ang isa naman ay yung babae. Para sa lipunan siya ay mababa at basura lamang. Wala siyang puwang sa lipunan.

Ang Pariseo ay tumanggap kay Hesus pero hindi ito buong-buo. Pinatuloy nga niya si Hesus pero hindi ito 100% na pagtanggap. Ayon sa kultura nang mga Hudyo ang bisita ay dapat na hinuhugasan ang paa sa pagpasok nito sa bahay pero hindi ito ginawa nang Pariseo. Ang babae naman ay buong-buo ang pagtanggap. Hinugasan niya ang paa ni Hesus sa pamamagitan nang kanyang mga luha at ang buho nito ang kanyang ipinampunas.

Wala mang puwang ang babaeng ito sa lipunan dahil sa kanyang mga pagkukulang pero para kay Hesus busilak naman ang kanyang kalooban. Maaaring sa lipunan ang babae ay isang basura lamang pero para kay Hesus isa itong mahalagang kayamanan.

Kung meron mang maganda rin ang kalooban sa panahong ito ay walang iba kundi ang mga tatay. Sila yung mga taong ang inuuna ay ang kabutihan nang pamilya at tahanan. Marami silang sakripisyo para sa ikagaganda nang pamilyang kanyang minamahal. HAPPY FATHERS DAY!

Minsan may nakasabay ako sa fx na isang tatay. May kinuha siya sa kanyang bulsa naisang sobre. Binuksan niya ito at kanyang tiningnan. Napatingin na rin ako sa laman nang sobre. Ang laman pala nito ay pay slip mula 15 hanggang 30 nang buwang iyon. Nung makita ko ang date naisip ko agad na late na niya natanggap ang sweldo niya. Ang sweldo niya ay umaabot nang P5,000.00. Pero meron siyang cash advance na P1,000.00 at meron pang mga kinaltas para sa SSS at Philhealth at iba pang bayarin. Kaya ang maiuuwi niya ay mahit P3,000. Gumamit pa nang ballpen ang tatay na ito at kanyang tiningnan kung tama ang mga deductions.

Naisip ko ang mga sakripisyo nang tatay na ito. Maaaring minsan isang lingo lang siya umuwi nang bahay at makita ang pamilya sapagkat sayang din naman ang pamasahe niya na pwedeng pambili na nang pagkain nila. Maaaring hindi siya kumakain nang sapat sapagkat ang kakainin niya ay para sa pambayad nang matrikula nang mga anak niya. Maaaring kulang din ang tulog at pahinga niya sapagkat kailangan kumita para sa pangangailangan nang pamilya.

Ang totoo nyan ay sabihin na natin na medyo maswerte pa rin ang tatay na ito sapagkat merong mga tatay na kahit gaano kahaba ang kanilang oras sa pagtatrabaho ay hindi pa rin makasapat sa pamilya. Hindi na rin ako nagtataka kung bakit kapag ang isang lalaki ay nag-aasawa ay mas madali silang tumanda kasama na ang hitsura. Ang inuuna kase nila ay kung anong makakabuti sa pamilya.

Ito ang dahilan kaya nga ang mga tatay ang pinakagwapong nilalang para sa mga anak!

Alam ni Hesus ang kalooban nang bawat isa. Pinatawad ni Hesus ang babae sapagkat totoo ang paghingi niya nang tawad. At dahil mas malaki ang ipinatawad sa kanya nang Panginoon lubos lubos ang kanyang kagalakan.

Kaya nga kung gusto mong maging pretty unahin mo muna ang sarili. Pag busilak ang kalooban ang kasunod niyan ay kagandahan. Hwag maging masungit para di pumangit…

Independence Day

Independence Day
(Mt. 5: 17-19)

Independence Day. Araw nang kalayaan. Pero ano nga ba ang tunay na kahulugan nang kalayaan?

Ang ipinagdiriwang natin ay ang paglaya nang bansa mula sa mahabang pang-aalipin nang mga mananakop. Matagal din napailalim ang mga Pilipino sa mga dayuhan at dahilan sa ating mga bayani, sa pagbubuwis nila nang buhay, sa pag-aalay nila nang kanilang dugo, nakamit din ang minimithing kalayaan. Pero malaya na ba talaga ang Pilipinas?

Sa level nang bansa sa aking palagay ay hindi pa rin totoong malaya. Kung titingnan kase sa mas malaking perspektibo, may mga bagay pa ring sunod-sunuran ang Pilipinas sa ibang bansa na ang hangad ay kunin ang kayamanan nang Pilipinas. Halimbawa nito ay ang isyu nang pagmimina, ang panggigipit sa bansa para payagan ang mga produktong galing sa kanila at ibenta sa ating bansa katulad nang mga contraceptives at mga produktong gamit sa agrikultura (insecticides, pesticides, genetically modified seeds, etc.).

Sa level naman nang personalidad, may mga pag-iisip na tila bumabaluktot sa tunay na kahulugan nang kalayaan. Halimbawa sa mga bata at mga estudyante. Minsan ang iniisip nila ay hindi sila malaya kapag pinapagalitan sila sa tuwing ginagabi nang uwi dahil sa barkada. Pakiramdam nila hindi sila malaya kapag sinesermunan sila kapag hindi sila nag-aaral at ang inaatupag sa maghapon ay ang paglalaro nang candy crush. Para sa kanila ang kalayaan ay ang paggawa nang hindi sila pinapakialaman.

Gayun din halimbawa sa mag-asawa. Sabi nga nung mga tambay sa kanto, ang pag-aasawa daw ay parang hawla o kulungan. Ang mga ibon na nasa labas ay gustong makapasok pero ang mga nasa loob nang hawla ay gustong makawala. Sa relasyon sa loob nang pamilya, minsan ay nagkakabanggaan nang ugali kase may kanya-kanyang kagustuhan at ang gusto nang isa ang pinipilit na ipasunod sa iba.

Ano nga ba ang tunay na kahulugan nang kalayaan?

Sa Mabuting Balita sinabi ni Hesus: “Hwag ninyong akalain na naparito ako para pawalang-bisa ang Batas at Mga Propeta. Naparito ako hindi upang magpawalang-bisa kundi upang magbigay-karapatan.”

Para sa mga Hudyo kapag nabanggit ang batas meron itong apat na pwedeng pakahulugan. Una, ang sampong utos nang Diyos. Ikalawa, ang unang Limang Aklat o ang Pentateuch. Ikatlo, ang buong Skriptura. At ang huli, ang tinatawag na Oral/Scribal Law.

Ang Scribal Law ay mga mumunting batas na interpretasyon nila sa mga naunang batas. Umaabot ito nang libong mga kautusan at ito ang ipinapapasan sa mga tao. Dahil dito nakalimutan na nila ang tunay na diwa nang batas. Naging alipin na sila nang mga batas na ginawa nila. Hindi na sila naging malaya.

Ang kahulugan pala nang kalayaan ay hindi yung paggawa na walang pipigil o yung paggawa para sa sariling kaligayahan. Ang batas na tinutukoy ni Hesus, ang mga batas na ibinigay nang Diyos ang magpapalaya sa bawat isa kung ito ay susundin.
Ang tunay na paglaya pala ay yung pagsunod sa kalooban nang Diyos. Ang kalooban nang isang tao ay dapat na nakakawing sa kalooban nang Diyos.

Gusto mong maging tunay na malaya? Sundin ang batas nang Diyos, ang Batas nang Pag-ibig…

Lunes, Hunyo 10, 2013

Remembering You

I Remember You

How do you want to be remembered when you are gone in this world?

Some would say you can do three things to be remembered: plant a tree, write a book and have a child.

The common denominator of the three? Paggawa nang mabuti.

Ito rin ang gusto ni Hesus. Na ang buhay natin ay maging bahagi nang buhay nang iba. Yun bang buhay na tumutulong sa iba. Yung buhay na may pagkalinga sa iba lalo na sa nangangailangan. Yung buhay na hindi lang iniisip ay ang sarili kundi kung anong makabubuti sa marami.

Si Hesus ganun ang ginawa. Naging bahagi ang buhay niya sa buhay nang ibang tao. Sa pamamagitan nang pagtulong sa mahihirap, sa pamamagitan nang pagbangga sa estruktura nang mga nagpapahirap, sa pamamagitan nang pagbibigay nang inspirasyon at pag-asa sa mga nasa ibaba nang lipunan…ganun siya naaalala sa mundong ito.

Ikaw, panu mo gustong maalala?

It's Complicated

Its Complicated
(Lk. 7: 11-17)

May isang kwento* tungkol sa isang matanda na nagpunta sa ospital para mag-pacheck up. Binigyan siya nang nurse nang form para kanyang fill-up-an. Sinagutan nang matanda ang mga tanong pero may isang tanong na nahirapan siyang sagutan. Tinanong niya ang nurse: “Ano ang ilalagay ko sa status?” “Yun pong estado nang buhay ninyo.” Sagot nang nurse. Sinabi nang matanda: “Ako ay nang-iisa na sa buhay.” “Ganun po ba, single po ang ilagay nyo.” Pero sinabi nang matanda: “Pero meron akong asawa at may mga anak kami at mga apo.” Married po lola ang ilagay nyo.” Pero humirit pa din ang matanda. Sabi niya: “Panu yun eh hindi naman kami talaga kinasal sapagkat ipinagkasundo lang kami sa baranggay?” Nainis na ang nurse at sinabi: “Bahala na kayo lola kung anong gusto ninyong ilagay.” At nagsulat na ang matanda. Nagulat ang nurse nang kunin niya ang form. Ang nilagay ni lola sa status ay: ITS COMPLICATED!

Complicated ba ang buhay mo?

Mahirap at nakalulungkot ang mamatayan. Kaya nga siguro kahit na namatay ay atin pa itong pinaglalamayan. At meron ding pag-ala-ala na siyaman. Pero hindi lang yun. Meron pang 40days. At pagkatapos nang isang taon meron pang babang luksa. Marahil ang dahilan nito ay ayaw nating mawala ang mahal natin sa buhay.
Malungkot at masakit ang mawalay ang isang mahal sa buhay. Sabi nga, pag namatay ang asawa ang tawag natin ay balo. Pag namatay ang magulang ang tawag natin ay ulila. Pero pag namatay ang anak wala tayong katawagan. Ang dahilan daw nito ay sapagkat walang salita na makaka-describe sa kapighatian nang mamatayan nang anak.

Sa Mabuting balita ay napakingggan natin na isang ina ang maglilibing sa kanyang anak. Pero bago yun ay naranasan na niya ang mawalan nang mahal sa buhay. Nawalan na siya nang asawa. Ang tao na iniisip niya na makakasama niya sa pagtanda ay di na muling babalik sa kanya. At ngayon ay nawalan naman siya nang anak. Pero hindi lang basta anak. Ang pumanaw ay ang kaisa-isa niyang anak. Doble dobleng kapighatian. Doble dobleng kalungkutan.

Alam ito ni Hesus at gumawa siya nang himala. Binuhay niya ang binata at ibinalik sa kanyang ina. Hindi lang ang anak ang kanyang binuhay sapagkat sa pagbalik nang anak nabuhay muli siya sa kanyang kapighatian at agam-agam. May makakasama na siya. Hindi na siya nag-iisa. May mag-aalaga na sa kanya sa kanyang katandaan.
Wala tayong kakayahan na bumuhay nang patay. Gayunpaman, ang hamon sa atin ay alagaan ang buhay. Ang pwede nating gawin ay bantayan ang buhay.
Iwasan ang mga bisyo.

Iwasan ang sigarilyo. Sa bawat paghithit mo nang usok ay unti-unti mong pinapatay ang sarili mo. Sa bawat usok na pumapasok sa katawan mo ay binabawasan mo nang ilang minuto ang paglagi mo sa mundong ito. Pati na nga ang ibang tao na nakakalanghap nang usok nito ay dinadamay mo.

Hwag masyado sa pag-iinom. Kapag sobra sobra sa pag-iinom, inaabuso mo na rin ang katawan mo. Alam nyo po ba kung bakit nagsusuka ang isang lasing? Ang dahilan nito ay hindi na kaya nang katawan. Ito ang defense mechanism nang katawan upang sabihin na naabot na ang limitasyon upang tanggapin nang katawan ang alak.

Droga. Alam natin na walang mabuting maibubunga ito. Pati pamilya ay nagugulo dahil sa epekto nang mga bawal na gamot. Kapahamakan ang dulot nito.

Alagaan natin ang ating buhay at ang buhay nang ibang tao. Kailangan ito sapagkat maraming umaasa sa iyo. Alagaan mo ang buhay mo sapagkat kapag ikaw ay nawala maraming magdadalamhati at malulungkot sa mga naiwan mo. Alagaan mo ang sarili mo sapagkat maraming nagmamahal sa iyo. Alagaan mo ang buhay mo sapagkat ito ang gusto nang Diyos para sa iyo.

Hwag gawing kumplikado ang buhay. Matutong alagaan ang buhay…

*salamat kar Fr. Marr Ronquillo sa kwentong ito.

"Punch Me I Bleed" -Spiderman-

“Punch Me I Bleed” –Spiderman-
(Lk. 15: 3-7)

Mayroon daw bagong pangungumusta sa panahon ngayon hindi na lamang “kumusta ka na,” “kumusta ang magulang mo,” “kumusta ang pag-aaral mo,” kumusta ang trabaho mo,”…Ang bago daw ay “KUMUSTA ANG PUSO MO?”

Kapag daw bagong panganak karaniwan na na malinis ang puso, puro pa, pero habang tumatanda nagkakaroon na nang cholesterol at iba’t-ibang sakit. Nakakaramdam na nang angina pectoris o yung chest pain, mahirap huminga, lumalaki ang puso at hindi regular na pagtibok nito.

Kaya nga magandang itanong: Kumusta ang puso mo? Tumitibok pa ba? Regular pa ba ang pagtibok o baka naman nanghihina na?

Mayroon daw pong apat na klase nang puso: (kung meron kayong gustong idagdag sa mga klaseng ito ay pakilagay na lang sa comments… )

1. Pusong Tuliro : ito yung mga tao na ang theme song ay sana dalawa ang puso ko. Ito yung mga tao na ang pangarap ay mapasakanya na ang lahat. Walang kasiyahan kahit na nga nasa kanya na ang kapangyarihan at ang kayamanan.

2. Pusong Bato: ito naman yung puso na wala nang pakialam. Basta ang mahalaga sa kanya ay ginagawa niya ang gusto niyang makakapagpaligaya sa kanya kahit na nga masagasaan at masaktan ang iba.

3. Pusong Hilo: ito naman yung pusong ligaw. Hindi niya malaman kung saan lalagay, laging nalilito at hindi alam ang katotohanan.

4. Pusong Totoo: ito naman yung pusong nagmamahal. Hindi sumusuko at ang inuuna ay kung ano ang mabuti sa minamahal kahit na masaktan.

Alin kaya dito ang puso mo?

Ipinagdiriwang natin ang Kamahal Mahalang Puso ni Hesus. Ano kayang klaseng puso meron si Hesus. Tingnan natin ang Mabuting Balita. Sinasabi dito na kung may isang tupa na mawala, ang 99 na tupa ay iiwan upang hanapin ang nawawalang ito. Kapag natagpuan na ay kanyang papasanin sa balikat at muling ibabalik sa kawan. Walang galit na mararamdaman at walang paninisi sa pagod na bunga nang paghahanap. At magkakaroon nang kasiyahan ang lahat sa pagkakatagpong ito.

Ganito pala ang puso ni Hesus. Ito yung pusong handang humanap sa nawawala. Ito yung pusong nasusugatan kapag may nawawalay sa kanya. Ito yung pusong tumutulo ang luha sa kahirapang nararanasan nang marami. Ito yung pusong tinarakan nang sibat dahil sa kanyang mga minamahal.

Ang puso din ni Hesus ay pusong marunong ngumiti sa kaligayahan nang kanyang minamahal. Ito yung puso na ang hinahangad ay ang kabutihan nang minamahal. Ayaw niya na ang kahit isa ay mapahamak. Ito yung pusong handang pumalit sa mga pusong sugatan.

Sana ganito din ang puso natin. Yun bang puso na handang masugatan at masaktan kung iyon ang kailangan para sa kabutihan nang minamahal. Yun bang pusong ang tanging hangad ay ang kaligayahan nang minamahal. Yung pusong handang maghintay. Yung pusong masugatan man ay hindi tumitigil sa pagtibok sapagkat nagbibigay nang pag-asa at nagpapatuloy ang buhay.

Kailangan din na alagaan ang puso. Kailangan itong bantayan. Kailangan din itong turuan para di maligaw.

Anong klase ang puso mo? Tumingin tayo sa puso ni Hesus at sabihin nating : Yun ohhh…!

N.B. Read the book "I Kissed Dating Goodbye" by Joshua Harris. Its worth reading especially to those whose heart is bleeding…

Miyerkules, Hunyo 5, 2013

Stephen Hawking

Stepehen Hawking
(Mk. 12: 18-27)

Si Stephen Hawking ang isa sa mga kinikilalang pinakamatalinong tao sa mundo ngayon. Isa siyang theoretical physiscist at professor sa Cambridge University. Kaya nyang ipaliwanag kung paano nabuo ang kalawakan. Kaya nyang ituro ang kahit anong kumplikadong aralin tungkol sa science. At kahit na nga ang mga makikita sa kalawakan ay kaya niyang ilarawan na tila nakarating na siya sa mga lugar na iyon.

Pinakamatalino man siya pag pinag-usapan ang siyensya, nahihirapan naman siya pagdating sa pagkaunawa sa kabilang buhay. Hindi siya naniniwala na merong buhay pagkatapos nang lahat dito sa mundo. Sabi niya, ang tao ay para lang daw computer na pagka-namatay ay mag-o-off na lang…Sinabi pa niya na hindi kailangan nang Diyos para sa paglikha sapagkat ang lahat ay naaayon sa prinsipyo nang siyensiya.
Pero iba ang itinuturo ni Hesus. Sabi ni Hesus ay merong muling pagkabuhay…

Sa Mabuting Balita napakinggan natin ang tanong nang mga Saduseo. Sila yung mga taong hindi naniniwala sa muling pagkabuhay. Ito ang dahilan kung bakit nagtanong sila nang kumplikadong katanungan kay Hesus. Pero sabi ni Hesus, sa muling pagkabuhay, tayo ay mabubuhay na katulad nang mga anghel.

Hindi maipapaliwanag nang science ang tungkol sa mga buhay espiritwal sapagkat ang makakapagpaliwanag lang nito ay ang pananampalataya. Ang mga bagay na ito ay hindi kayang pag-aralan sa laboratory kundi maiintindihan lamang sa loob nang Simbahan.

Hindi rin kayang mapuntahan nang kahit na anong space ship nang science ang langit sapagkat mapupuntahan lamang sa pagsakay sa turo ni Hesus nang pagpapakabuti.

Hindi rin kayang ilagay sa petri dish at silipin sa microscope ang mga katangian nang Diyos sapagkat makikita lamang ito sa pamamagitan nang pagbukas nang puso sa kabutihan nang Diyos sa paglikha.

Hindi rin kayang obserbahan ang mga galaw nang Diyos sa pamamagitan nang mortar and pestle sapagkat malalaman natin kung paano gumalaw ang Diyos kung susuriin natin ang sariling buhay at makita kung gaano niya tayo kamahal.

Merong muling pagkabuhay. Ngayon pa lang ay paghandaan natin ito. Sa mga naniniwala dito magkita-kita tayo…Sa mga hindi naniniwala sabi nung isang post sa facebook “mag-fly-fly na lang sila sa rainbow…”

Linggo, Hunyo 2, 2013

Tag-ulang Pasukan

Tag-ulang Pasukan

Am wondering lately: sinadya ba na tag-ulan magsimula ang pasukan?

Mahirap pag tag-ulan. Papasok ka sa eskwelahan na basa ang iyong gamit. Basa ang iyong sapatos kaya nga di maiiwasang mangamoy. Kahit na nga meron kang dalang payong o kaya ay kapote, di pa rin maiiwasang mabasa. Mahirap sumakay nang tricycle o kaya nang jeep kapag ito ay punuan at unahan din dahil sa dami nang pasahero. Kaya nga pag wala ka nang masakyan eh magtityaga ka na lang na suungin ang lakas nang ulan at bahang daan. Di lang mangangamoy ang iyong paa, ito ay magkakaalipunga pa. Ang mga labahin ay nangangamoy din…buti na lang meron naimbentong panlaba na kahit hindi ibilad sa araw ay mabango na din ang mga damit.

Pero ang tag-ulan ay hindi lang nangyayari sa panahon. Pati sa buhay minsan dumarating ang tag-ulan. At kung mamalasin ka baka bagyo pa nga ang dumating. Tutulo ang luha, babaha ang mga problema, tatamaan nang kidlat ang damdamin, magugulo ang isip sa malalakas na kulog nang mga pagsubok, lalamigin sa pagmamahal mula sa mga taong inaasahan…dagdag pa ang brownout na dala nang patung-patong na kabulukan nang sistemang umiiral.

Pero sa panahon nang tag-ulan nagsisimula ang panahon nang pasukan. Ito ang pagkakataon para sa mga estudyante na matututo nang mga aralin na magagamit sa kinabukasan. Ang mga estudyante ay magbabasa nang mga aklat na kapupulutan nang aral. May mga assignment na kailangang bigyan nang panahon. May mga tanong na dapat na sagutan.

Pero alam din natin na hindi lahat ay nagtatagumpay sa pag-aaral. Meron ding bumabagsak. May kini-kick-out. May lagi sa guidance office. Meron din laging nganga…Gayun pa man ay hamon ito para matuto. Ang sabi nga: “You are studying not for grades but for life…” Kung may mali pwede namang burahin o kaya ay ulitin. At hwag mag-alala, ang mga teachers ay nanjan para gumabay at hindi para sa iyo ay magpahirap. Pwede rin tayong magpahinga at saka bumalik. Ang sabi nga nang Bread: "Saying goodbye doesn't mean forever..doesn't mean we'll never be together again..."

Tag-ulang pasukan. Tag-ulan ba ang buhay mo? Hwag kang mag-alala, simula yan nang pagkatuto.

Sa likod nang madilim na ulap nagkakanlong ang haring araw.

Sa pasukan ay may graduation sa huli na hinihintay.

Pasok na tayo kahit bumabagyo…pero hwag kalimutan ang baon mo!