True Love
(Jn. 21:
1-19)
The measure of true love is the love that has no measure!(St.
Francis de Sales)
Ang tunay na pagmamahal ay ang magmahal nang walang panukat!
May isang kwento tungkol sa isang binata na namasyal sa
isang park. Sa kanyang paglalakad nakakita siya nang isang wallet. Kanya itong
pinulot at tiningnan ang laman upang malaman kung sino ang may-ari nito. Nakita
niya sa loob ang tatlong dolyar pero walang laman na identification. Sa parteng
pinakailalim na ay may nakita siyang isang sobre na halatang matagal nang
nakatago sa wallet na iyon. Kanya itong binuksan ay may nakita siyang love
letter. Nakasulat doon ang “Dear Michael….” at sa ilalim ay “Nagmamahal, Hannah.” Ang sulat na ito ay
may date na 60 years ago. Sa sobre ay may nakalagay na return address kaya
pumunta siya doon pero iba na ang nakatira at 30years nang umalis ang dating
may-ari nito. Itinuro niya na nasa isang home for the aged yung hinahanap
niyang Hannah.
Pumunta siya roon at nakausap si Hannah. Ipinakita niya ang
wallet at ang sulat at sinabi niya na gusto niyang ibalik ito kay Michael pero
di niya alam kung saan ito nakatira. Umiyak si Hannah habang sinasabi niya na
ito yung huling sulat niya para kay Michael sapagkat sila ay nagkahiwalay na
dahil tutol ang magulang niya. Sinabi din niya na hindi siya nag-asawa kase
hinihintay niya si Michael. Di na niya ito muli pang nakita. Nagpaalam na ang
binata. Di pa rin niya alam kung papaano maibabalik ang wallet.
Palabas na siya nang building na iyon nang makita nang guard
ang hawak niyang wallet. Sinabi niya na natatandaan niya ang wallet na iyon.
Ang may-ari niyon ay si Michael na nakatira sa 8th floor nang
building ring iyon. Pinuntahan nila at nakita nila si Michael. Matagal na din
pala niyang hinahanap si Hannah at matagal na niyang itinatago ang huling sulat
na iyon ni Hannah. Dinala nang binata si
Michael kay Hannah. Tumulo ang kanilang mga luha sa kanilang pagkikita
matapos ang mahabang paghihintay.
Isang linggo matapos iyon nakatanggap nang tawag ang binata.
Iniimbitahan siya sa kasalan nina Michael at Hannah sa home for the aged…
Ang sukatan nang tunay na pagmamahal ay ang magmahal na
walang panukat!
Sa Mabuting Balita ipinakita ni Hesus ang tunay na kahulugan
nang pagmamahal. Iniwan at ipinagkanulo siya nang kanyang mga alagad. Ang mga
alagad ay nagbalik na sa kanilang dating buhay at dating hanap-buhay at hindi na
ipinagpatuloy ang sinimulan ni Hesus. Pero dahil mahal sila ni Hesus, ito pa
ang lumapit sa kanila. Inalok pa nga ni Hesus nang pagkain ang mga alagad.
Kahit na nga si Pedro na tatlong beses na itinatwa si Hesus
binigyan ni Hesus nang pagkakataon na makabawi. Tatlong beses niyang siyang
tinanong kung mahal niya si Hesus. Sinabi ni Pedro na mas mahal niya si Hesus
kesa sa kanyang kabuhayan. Mahal niya ito kahit na marami siyang kakulangan. At
dahil sa pagmamahal na ito handa niyang tanggapin ang anumang reponsibilidad na
kaakibat nito.Dahil dito nakabawi si Pedro. Pinagkatiwalaan pa siya ni Hesus na
maging tagapag-alaga nang kawan nang Diyos.
Tunay ba ang pagmamahal mo? Lagi nating alalahanin ang
pagmamahal ni Hesus.
Tandaan natin: “Ang sukatan nang tunay na pagmamahal ay ang
magmahal na walang panukat!”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento