Huwebes, Abril 4, 2013

kapayapaan



Kapayapaan
(Lk. 24: 35-48)

Lahat tayo naghahangad nang kapayapaan.

Para sa iba ang kapayapaan ay kawalan nang giyera o kawalan nang away at tunggalian. Pag magkakasundo daw ang bawat isa, payapa din ang mundo.

Para kay Pope Paul VI, “development is the new name for peace.” Sino nnga ba ang magiging payapa kung hindi napupunan ang mga basic needs nang bawat isa. Kaya nga kapag nagugutom ang tao, walang kapayapaan. Ang mga magulang na walang maibigay na pagkain at maayos na tirahan para sa kanilang pamilya ay wala ding kapayapaan.
 
Pero ano man ang pakahulugan natin nang kapayapaan, nauuwi ito sa isang bagay: Magkakaroon nang kapayapaan kung nandun kinikilala natin ang presensya ni Hesus.

Tingnan nating sa Mabuting Balita. Walang kapayapaan ang mga alagad ni Hesus kase nag-aalala sila sa kung anong mangyayari sa kanila. Sila ay natatakot para sa kanilang buhay. Sila ay nangangamba na sila na ang kasunod na papatayin katulad nang ginawa kay Hesus. Alam ito ni Hesus kaya nga sinabi agad ni Hesus: “Sumainyo ang kapayapaan!” At dahil kasama na muli nila si Hesus, nagkaroon sila nang kapayapaan.
Hindi naman nagbago ang sitwasyon. Nakaamba pa rin angkamatayan sa kanila. Pero nagkaroon sila nang kapayapaan kase nandun si Hesus!

Sa ating buhay ganun din. Kung wala tayong kapayapaan, tayo po ay lumapit kay Hesus. Manalangin tayo sa simbahan. Pag-uwi natin sa ating mga tahanan asahan natin na wala namang nagbabago. Ganun pa rin marahil ang inyong bahay…mahirap pa din ang buhay. Ang ugali nang iyong asawa ganun pa rin. Masama pa din ang ugali nang inyong biyanan. Masungit pa rin ang inyong mga magulang. Pero merong nagbago. Ikaw ang nagbago. Kasama mo na si Hesus. At dahil ditto marami mang problema, meron pa ding kapayapaan.

Gusto mong magkaroon nang kapayapaan? Isama mo si Hesus sa buhay mo…

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento