Tagapag-alaga
(Jn. 10: 22-30)
Sa isang kwentuhan sa ordinary bus narinig ko ang kwentong ito.
Nagkita ang dalawang magkumare at nakakumustahan. Yung isa pala ay
galing sa ibang bansa at kinumusta siya. Sumagot naman yung ale: “Ilang
buwan na ako ditto sa Pilipinas. Tapos na ang aking kontrata sa
Singapore pero nag-aaply ulit ako upang makabalik sa dati kong amo.
Nagustuhan kase nang amok o ang aking
trabaho na pag-aalaga nang kanilang anak. Tatlong taon ko din yung
inalagaan. Napamahal na sa akin yung bata at napamahal na din ako sa
kanya. Noon ngang ako ay paalis na, umiyak yung bata. Hindi mapatahan
kahit na nung mga magulang niya. Gusto pa ngang sumama sa akin dito sa
Pilipinas. Sinabi na lang noong kanyang magulang na magbabakasyon lang
ako at babalik din.”
Ang mabuting tagapag-alaga ay napapamahal sa kanyang inaalagaan at ang inaalagaan ay mahal nang mabuting tagapag-alaga.
Si Hesus ay mabuting tagapag-alaga, inaalagaan niya ang kawan nang
Diyos. Ang sabi niya: “Buhay na walang hanggan ang ibinibigay ko sa
kanila at hinding-hindi sila mapapahamak ni walang aagaw sa kanila mula
sa kamay ko.”
Sana lagi tayong makinig sa ating tagapag-alaga
sapagkat siya ang higit na nakakaalam nang kung anong mabuti para sa
atin. Mahirap man minsan unawain ang kanyang plano pero ang mahalaga ay
naniniwala tayo na hindi niya tayo dadalhin sa kapahamakan. Sundin lagi
natin ang kanyang mga bilin sapagkat ito ang ating gabay upang
makarating sa magandang pastulan, ang kanyang kaharian.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento