Silid-Hingahan
(Jn. 14: 1-6)
Sa loob nang tahanan ang pinakapaborito nating kwarto ay ang
silid-tulugan. Dito kase tayo nagpapahinga. Kapag maingay sa ang mundo,
sa silid-tulugan tayo nakakahanap nang katahimikan. Kapag sobrang
nakakapagod ang mundo dahil sa hirap nang buhay, dahil sa dami nang
pinapasan, dahil sa dami nang mga problema, sa silid-tulugan tayo
tumutuloy upang kahit sandali ay makapagpahinga.
Kaya nga ang silid-tulugan dapat ay lugar na hindi dinadala ang
trabaho. Dapat ay walang computer at baka maingganyo na ituloy dito ang
gawain. Wala din dapat na mga bagay na makakaistorbo sa pamamahinga.
Dapat ay maaliwalas upang paggising ay maganda kase nakapagpahinga. Sa
silid-tulugan tayo dapat ay nakakahinga.
Ito rin marahil ang
dahilan kung bakit sinabi ni Hesus na maghahanda siya nang silid para sa
bawat isa sa atin sa kaharian nang Diyos. Ito yung estado na kung saan
ang bawat isa ay magiging masaya sapagkat makaksumpong nang
kapahingahan. Hindi ba ito ang gusto nating mangyari, ang maging masaya
at nakakapagpahinga?
Mangyayari ito kung tayo ay nagsisikap na
makarating dito. Si Hesus ang daan, ang katotohanan at ang buhay. Walang
makakalapit sa Ama kundi sa pamamagitan niya.
Kaya nga dumulog tayo kay Hesus at siguradong bibigyan niya tayo nang silid kung saan tayo ay makakahinga…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento