Lunes, Abril 22, 2013

kabutihan

Kabutihan

Ang kabutihan ay nagbubunga nang kabutihan! Basahin ninyo ang kwentong ito...

Noong 1892 sa Stanford University ay mayroong isang estudyante na namomroblema kung saan siya kukuha nang pambayad sa matrikula. Kasama ang kanyang kaibigan umisip sila nang paraan kung paano sila makakakuha nang pera. Naisip nila na magpa-concert sa kanilang paaralan. Kinuha nila ang isang sikat na magaling tumugtog na piyano. Sinabi nang manager nito na ang talent fee nito at $2,000. Nagkasundo sila at inihanda nang magkaibigan ang concert.

Dumating ang araw nang concert pero ang nabenta nila ay $1,600 lang. Lumapit sila piyanistang ito at ibinigay ang $1,600 at nag-issue pa sila nang tseke na $400. Nangako sila nag babayaran nila ito sa lalong madaling panahon.

Hindi pumayag ang piyanista. Pinunit niya ang tseke….Ibinalik niya ang pera…Pero sinabi niya: “Hindi pwede ito. Hindi ako papayag...Heto ang $1,600. Bawasin nyo diyan ang lahat nang inyong nagastos para sa concert. Bawasin nyo na rin dyan ang pambayad ninyo sa matrikula. Kapag may natira, yun ang ibigay nyo sa akin…” Tuwang-tuwa ang dalawang estudyanteng ito.

Napakabait ng piyanistang ito. At dahil napakabuti niya siya ay naging Prime Minister nang Poland.

Nung naging Prime Minister na siya, nagkaroon nang matinding taggutom sa bansang iyon. Mahigit 1.5 million na tao ang walang makain at wala silang pera na pambili nito. Lumapit ang Prime Minister sa US Food and Relief Administration para sila ay matulungan.Di naman siya nabigo sapagkat dumating ang tulong.

Sa sobrang katuwaan nang Prime Minister na ito, pinuntahan niya ang namumuno sa sa US Food and relief Administration. Nagsasalita pa siya nang pasasalamat nang magsalita ang Pinuno nang US Food and Relief Administration. Ang sabi niya: “Ako ang dapat na magpasalamat sa iyo. Hindi mo siguro natatandaan pero ilang taon na ang nakakaraan ay meron kang tinulungang dalawang estudyante upang makapagbayad nang matrikula. Naka-graduate sila dahil sa iyo. Ako ang isa sa estudyanteng yun…”

Ang magaling na piyanista na tumulong sa dalawang estudyante at naging Prime Minister nang Poland noong 1919 ay si Ignacy Jan Paderewski. At ang isa sa estudyante na ito at naging pinuno nang US Food and Drug Administration at naging ika-31 presidente pa nang Amerika ay si Herbert Hoover.

Ang kabutihan ay nagbubunga nang kabutihan...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento