Mabuting Pastol
(Jn. 10 :1-10)
Mayroong alamat ang mga Hudyo kung bakit si Moises daw ang pinili nang
Diyos na manguna sa Israel. Minsan daw ay pinapakain ni Moises ang mga
tupa nang kanyang father in law. Napansin niya na kulang ang mga ito at
may isa na nawawala. Kanya itong hinanap at natagpuan. Pinasan niya ito
sa kanyang balikat at saka ibinalik sa kawan. Nakita ito nang Diyos at
kanyang sinabi: “Dahil pinagsikapan mong
hanapin ang isang nawawalang tupa at ibinalik mo ito sa kawan, ikaw ang
pinipili ko na maging pastol nang aking bayang Israel.”
Ang
pagiging pastol ay hindi madali. Para sa mga Israelita, ang pagiging
pastol ay hindi madali. Mabato ang kanilang lugar at mahirap ang tubig
kaya kinakailangang kabisado nang pastol ang lugar at alam kung saan may
maiinom ang kanyang mga alaga. Marami ding mga kalaban ang mga tupa:
maraming mga asong gubat na possible silang kainin, mayroon ding mga
magnanakaw nang tupa. Kaya nga ang pastol ay dapat na laging alerto
upang maging ligtas ang mga tupa. Kailangan alam din niya kung saan may
mga berdeng damo na makakain ang mga ito.
Ang pagiging pastol
ang pagpapakilala ni Hesus. Hindi lang pastol. Isang Mabuting Pastol.
Hindi lang sa Israel siya pastol. Siya ang pastol nang lahat. Siya ang
tagapag-alaga nang bayan nang Diyos. Siya ang magpapasan sa mga taong
naliligaw nang landas. Siya ang magbabalik sa mga taong napapalayo sa
Diyos.
Si Hesus ang pastol, tayo ang kanyang kawan.
Kinakailangan nating manalangin sapagkat sa pamamagitan nito makilala
ang kanyang tinig upang di tayo malinlang nang kalaban. Kinakailangan
din nating sundin ang kanyang mga utos sapagkat ito ang gabay natin
patungo sa kaligtasan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento