Miyerkules, Abril 24, 2013

Pagkain



Pagkain
(Jn. 12: 44-50)

May dalawang malulusog na  pari na naimbitahan sa kainan sa isang pistahan. Sa kanilang pagpunta doon ay may isang bata at pinagmasdan sila kung gaano karami ang pagkain na kanilang kinuha sa mesa. Sabi nang bata: “Ang lakas nila kumain!” Maya-maya pa tumayo tung isang pari at uminom. Sabi nung bata: “…At nakainom pa nga nang tubig kahit na ang dami niyang kinain!”  Narinig ito nung isang pari kaya sabi niya sa kanyang sarili: “Di na ako iinom nang tubig at baka kung ano pa ang masabi nang batang ito.” At ganun nga ang kanyang gnawa. Di na siya uminom nang tubig. At nagpaalam na sila. Paalis  na sila nang humabol ang bata at sinabi dun sa pari: “Yan kase lakas mong kumain, eh di hindi mo na nagawang makainom pa!”

Ang kaharian nang Diyos ay parang kainan. Nakahain na ito at ang lahat ay inaanyayahan. Pero ang bawat isa ay may kalayaan na pumunta at kumain. Malaya ang bawat isa kung alin ang kakainin. Malaya din ang bawat isa kung tatanggapin ang paanyaya at kung kukunin nila ang pagkain.

Mag-decide. Sumagot sa paanyaya nang kaharian nang Diyos. Tanggapin ang kaligtasang ibinibigay sa atin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento