Career or Family?
What will you choose? Career or family?
I know a dozen of people who chose the path of career. They are
successful in the field they chose. Some of them are wealthy and some
are in the high society. But successful as they are, their family
suffered. Some ended with their family broken. Others ended aging alone.
There are also those who are respected by the society but not with his or her family.
I also know some people who choose to be with the family. They
sacrifice the good offer of big companies to work in a far place to be
with the family. They opted to be close to family instead of accepting
working in a greener pastures. They opted not to extend working extra
hours just to be home and watch their children grow up.
Career
or family? Well, we can always rationalize that one is working hard,
going to unfamiliar places, putting extra time in the career because
that is also for the family…for the children who will grow up…to have a
good future…But is it? Or might it be for the self-satisfaction in being
successful?
The same is also the dilemma of superheroes. In
Ironman 3, ironman’s wife is put in great danger brought by the
antagonist’s wish to kill the hero. In Spiderman 1, Parker choose not to
pursue the relationship with MJ because he knows that those who are
angry with Spiderman will harm those whom he loves for it will bring
Spiderman into a greater pain if the one he loves will be in harm’s way.
And finally in the telenovela Juan de La Cruz, Juan is careful not to
expose his real identity, hiding it even to Rosario, for Juan does not
want her to be harm once the Aswangs know that Juan is the Tagabantay.
So, career or family? Pick one!
But hey…Why the heck do I write about these things? Perhaps, epekto nang kapapanood nang mga superheroes...
Perhaps I have to go back to the thing I do best, i.e. to sleep…
God’s night guys…
Lunes, Abril 29, 2013
Linggo, Abril 28, 2013
love is a verb
Love is a Verb
(Jn. 14:
21-26)
Action speaks louder than words.
We define love in so many ways. But what really is love?
We may describe love, we may illustrate love, we may use
different sweet but highfaluting words, we may say we did experience love…but
one thing is for sure: To love is to will and act for the good of the beloved.
Kung ang isang tao ay nagmamahal, ipinapakita niya iyon sa
mga gawa. Nakakakilig ang salita pero dapat ito ay nasasalamin sa gawa.
Ang sabi ni Hesus: “Ang tumutupad sa tinanggap niyang mga
kautusan ko, siya ang nagmamahal sa akin.” Ito pala ang sukatan nang
pagmamahal. Ang pagsunod sa ipinag-uutos…ang paggawa nang kalooban ni Hesus.
Love is better understood when it is outwardly expressed. It
is not only words. It is action. Ang sabi nga: “Love is not a noun. Love is a
verb. Love is an action word.”
Sabado, Abril 27, 2013
huling habilin
Huling Habilin
(Jn. 13: 31-35)
Kapag may isang aalis at may maiiwan sa bahay karaniwan na nagbibigay nang mga habilin. Halimbawa, kapag ang magulang ay aalis at maiiwan sa bahay ang mga anak magbibilin ito nang: “Magluto kayo nang pagkain natin; alagaan ang inyong batang kapatid; maglinis nang bahay; pakainin ang alagang aso…”
Gayundin kapag merong malapit nang pumanaw karaniwan na nag-iiwan ito nang habilin…last will and testament. Kailangan ito upang sa kanyang paglisan ay maging maayos ang lahat.
May isang kwento tungkol sa isang businessman na Intsik. Tinaningan na nang doctor ang kanyang buhay. Di na siya magtatagal. Alam iyon nang kanyang mga anak. Sa banig nang karamdaman paggising niya ay nasa harap na niya ang kanyang mga anak. Doon siya nabigay nang huling habilin. Pero bigla siyang lumakas nang mapagtanto niya na lahat nang mga anak niya ay nandun. Nagalit ito. Tinanong siya nang kanyang mga anak kung bakit ito nagagalit. Sinabi nang matanda: “ Nandito kayo lahat sa tabi ko, sino ang nagbababantay nang ating tindahan?” Kahit na malapit nang pumanaw ang nasa isip pa din ay yaman…
Si Hesus alam niya na siya ay malapit nang mamatay. Tanggap na niya ang kayang kapalaran sa krus. Kaunting oras na lang ang kanilang pagsasama nang mga alagad. Kinailangan niyang magbigay nang huling habilin sa mga ito. Ano ang kanyang habilin? Mag-ibigan kayo.
Bago siya lumisan ibinilin niya na ang pag-ibig ang siyang maging identity nila na tagasunod ni Hesus. Pero hindi lamang pag-ibig. Ang pag-ibig na tinutukoy niya ay ang pag-ibig na ibinahagi niya. Ito yung pag-ibig na mapagpakumbaba; pag-ibig na handang ibigay ang sarili para sa minamahal; pag-ibig na ang iniisip at ang ginagawa ay kung ano ang mabuti sa iniibig; pag-ibig na handang ialay ang buhay para sa iba. Ito ang modelo na ibinigay ni Hesus.
Madali ang magmahal nang taong gusto nating mahalin. Madaling mahalin ang mga gwapo at magaganda (ehemmm). Madaling mahalin ang mga mababango. Madaling mahalin ang mga mayayaman, sikat at makapangyarihan. Madaling mahalin si father…Madaling mahalin ang isang tao na meron tayong makukuhang kapalit!
Pero hindi to ang modelo nang pagmamahal ni Hesus. Ang pagmamahal na ipinakita niya ay yung pagmamahal na hindi naghihintay nang kapalit. Ipinakita niya na mahalin ang mga taong hindi karapat-dapat na mahalin. Mahirap mahalin ang mga mahihirap, ang mga mababaho, ang mga pangit, ang mga walang boses sa lipunan, ang mga taong sa tingin nang marami ay basura nang lipunan. Pero sila ang minahal ni Hesus. At sila pa nga ang unang sumunod kay Hesus. Sila ang unang tumanggap nang kaharian nang Diyos.
Noong 2006 isang seminaristang Heswita na nagngangalang Richie Fernando ang ipinadala sa Cambodia upang magturo. Isang araw, isang estudyante ang pumunta sa school na pinagtuturuan niya upang pasabugin ang isang granada sa mga mag-aaral doon. Pinigilan ni Richie ito. Nahulog ang granada. Dinapaan niya ito at siya ang nasabugan. Nawalan nang buhay si Richie pero ang kapalit naman nito ay maraming buhay nang mga estudyante. Si Richie sinundan niya ang pag-ibig na ipinakita ni Hesus.
Sa ating buhay sana matutuhan nating umibig…tunay na umibig katulad ni Hesus! Makikilala tayong tagasunod ni Kristo kung tutularan natin siya sa kanyang pagmamahal...

Biyernes, Abril 26, 2013
Salamin
Salamin
(Jn. 14: 7-14)
Kapag humarap kasa malaking salamin, makikita mo ang imahe nang iyong sarili. Di ito iba sa iyo sapagkat ang sarili mong mukha, katawan, kulay, at iba pa ang makikita mo. Ikaw talaga iyon. At dahil sarili mong imahe iyon, magkakaroon ka nang relasyon ditto. Mamahalin mo ito sapagkat ikaw iyon. Tatlo pero iisa pa din…
Ito daw po ang pwede nating gamiting simbolo upang kahit kaunti ay maunawaan natin ang Banal na Santatlo. Ang Trinity ay isang misteryo nang ating pananampalataya at ito ay lubos nating maiintindihan kapag tayo ay nasa kanya na. Isang Diyos tatlong persona. Ama, Anak, at Espirito Santo.
Ang Diyos Ama ang nagmahal, ang Anak ang minamahal at ang banal na Espirito ang pagmamahal na nagbubuklod. Love, lover and the beloved.
Sa Mabuting Balita ngayon, Ipinahayag ni Hesus na siya at ang Ama ay iisa. Kaya nga anumang hingin ninyo sa Ngalan ni Hesus ay gagawin niya upang luwalhatiin nang Ama sa Anak.
Kung may mga panalangin pala tayo, si Hesus ang namamagitan. Si Hesus din kase ang namagitan upang mapanauli ang relasyon natin sa Diyos noong sirain ito nang kasalanan. Kaya nga maganda na sa lahat nang ating ginagawa, pangalan ni Hesus an gating alalahanin. Siya ang mag-aakay sa ating palapit sa Ama. Ang Banal na Espirito naman ang magmumulat sa atin at magsisimula sa ating puso nang pangangailangan natin na bumalik na sa Ama.

Silid-Hingahan
Silid-Hingahan
(Jn. 14: 1-6)
Sa loob nang tahanan ang pinakapaborito nating kwarto ay ang silid-tulugan. Dito kase tayo nagpapahinga. Kapag maingay sa ang mundo, sa silid-tulugan tayo nakakahanap nang katahimikan. Kapag sobrang nakakapagod ang mundo dahil sa hirap nang buhay, dahil sa dami nang pinapasan, dahil sa dami nang mga problema, sa silid-tulugan tayo tumutuloy upang kahit sandali ay makapagpahinga.
Kaya nga ang silid-tulugan dapat ay lugar na hindi dinadala ang trabaho. Dapat ay walang computer at baka maingganyo na ituloy dito ang gawain. Wala din dapat na mga bagay na makakaistorbo sa pamamahinga. Dapat ay maaliwalas upang paggising ay maganda kase nakapagpahinga. Sa silid-tulugan tayo dapat ay nakakahinga.
Ito rin marahil ang dahilan kung bakit sinabi ni Hesus na maghahanda siya nang silid para sa bawat isa sa atin sa kaharian nang Diyos. Ito yung estado na kung saan ang bawat isa ay magiging masaya sapagkat makaksumpong nang kapahingahan. Hindi ba ito ang gusto nating mangyari, ang maging masaya at nakakapagpahinga?
Mangyayari ito kung tayo ay nagsisikap na makarating dito. Si Hesus ang daan, ang katotohanan at ang buhay. Walang makakalapit sa Ama kundi sa pamamagitan niya.
Kaya nga dumulog tayo kay Hesus at siguradong bibigyan niya tayo nang silid kung saan tayo ay makakahinga…

Miyerkules, Abril 24, 2013
Pagkain
Pagkain
(Jn. 12:
44-50)
May dalawang malulusog na pari na naimbitahan sa kainan sa isang
pistahan. Sa kanilang pagpunta doon ay may isang bata at pinagmasdan sila kung
gaano karami ang pagkain na kanilang kinuha sa mesa. Sabi nang bata: “Ang lakas
nila kumain!” Maya-maya pa tumayo tung isang pari at uminom. Sabi nung bata: “…At
nakainom pa nga nang tubig kahit na ang dami niyang kinain!” Narinig ito nung isang pari kaya sabi niya sa
kanyang sarili: “Di na ako iinom nang tubig at baka kung ano pa ang masabi nang
batang ito.” At ganun nga ang kanyang gnawa. Di na siya uminom nang tubig. At
nagpaalam na sila. Paalis na sila nang
humabol ang bata at sinabi dun sa pari: “Yan kase lakas mong kumain, eh di
hindi mo na nagawang makainom pa!”
Ang kaharian nang Diyos ay parang kainan. Nakahain na ito at
ang lahat ay inaanyayahan. Pero ang bawat isa ay may kalayaan na pumunta at kumain.
Malaya ang bawat isa kung alin ang kakainin. Malaya din ang bawat isa kung tatanggapin
ang paanyaya at kung kukunin nila ang pagkain.
Mag-decide. Sumagot sa paanyaya nang kaharian nang Diyos.
Tanggapin ang kaligtasang ibinibigay sa atin.
Lunes, Abril 22, 2013
kabutihan
Kabutihan
Ang kabutihan ay nagbubunga nang kabutihan! Basahin ninyo ang kwentong ito...
Noong 1892 sa Stanford University ay mayroong isang estudyante na namomroblema kung saan siya kukuha nang pambayad sa matrikula. Kasama ang kanyang kaibigan umisip sila nang paraan kung paano sila makakakuha nang pera. Naisip nila na magpa-concert sa kanilang paaralan. Kinuha nila ang isang sikat na magaling tumugtog na piyano. Sinabi nang manager nito na ang talent fee nito at $2,000. Nagkasundo sila at inihanda nang magkaibigan ang concert.
Dumating ang araw nang concert pero ang nabenta nila ay $1,600 lang. Lumapit sila piyanistang ito at ibinigay ang $1,600 at nag-issue pa sila nang tseke na $400. Nangako sila nag babayaran nila ito sa lalong madaling panahon.
Hindi pumayag ang piyanista. Pinunit niya ang tseke….Ibinalik niya ang pera…Pero sinabi niya: “Hindi pwede ito. Hindi ako papayag...Heto ang $1,600. Bawasin nyo diyan ang lahat nang inyong nagastos para sa concert. Bawasin nyo na rin dyan ang pambayad ninyo sa matrikula. Kapag may natira, yun ang ibigay nyo sa akin…” Tuwang-tuwa ang dalawang estudyanteng ito.
Napakabait ng piyanistang ito. At dahil napakabuti niya siya ay naging Prime Minister nang Poland.
Nung naging Prime Minister na siya, nagkaroon nang matinding taggutom sa bansang iyon. Mahigit 1.5 million na tao ang walang makain at wala silang pera na pambili nito. Lumapit ang Prime Minister sa US Food and Relief Administration para sila ay matulungan.Di naman siya nabigo sapagkat dumating ang tulong.
Sa sobrang katuwaan nang Prime Minister na ito, pinuntahan niya ang namumuno sa sa US Food and relief Administration. Nagsasalita pa siya nang pasasalamat nang magsalita ang Pinuno nang US Food and Relief Administration. Ang sabi niya: “Ako ang dapat na magpasalamat sa iyo. Hindi mo siguro natatandaan pero ilang taon na ang nakakaraan ay meron kang tinulungang dalawang estudyante upang makapagbayad nang matrikula. Naka-graduate sila dahil sa iyo. Ako ang isa sa estudyanteng yun…”
Ang magaling na piyanista na tumulong sa dalawang estudyante at naging Prime Minister nang Poland noong 1919 ay si Ignacy Jan Paderewski. At ang isa sa estudyante na ito at naging pinuno nang US Food and Drug Administration at naging ika-31 presidente pa nang Amerika ay si Herbert Hoover.
Ang kabutihan ay nagbubunga nang kabutihan...

Cannibalism
Cannibalism
(Jn. 6: 60-69)
Cannibalism. Ang pagkain nang laman nang tao at pag-inom nang dugo nito. Nangyari ito sa kasaysayan nang tao. Itinuring na pagkain ang kapwa tao lalo na yung di kadugo. Pero sa pagdaan nang panahon unti-unting naunawaan nang tao na hindi ito naaayon sa batas nang kalikasan.
Ito rin ang nasa isip nang marami sa mga sumunod kay Kristo nung sabihin niya na “Ang kumakain nang aking laman at ang umiinom nang aking dugo ay nananatili sa akin at ako naman sa kanya.” Marami sa kanila ang umalis sapagkat hindi maabot nang kanilang pang-unawa ang tinuran ni Hesus.
Ang tanong ni Hesus: “Gusto rin ba ninyong umalis?” Marami na kase sa sumunod kay Hesus na hindi nagpatuloy sapagkat alam nila na sa kamatayan hahantong ang ginagawa ni Hesus. Ang pagbangga sa nasa kapangyarihan ay para na ring paglalagay nang isang paa sa hukay.
Sa panahon ngayon lubos na naintindihan nang Simabahan ang sinabi ni Hesus. Meron tayong term na “transubstantiation” na ang kahulugan ay ang tinapay o ostia at ang alak ay nagiging katawan at dugo ni Kristo. Ganun pa rin ang anyo, hugis, kulay, lasa (ang tawag po dito ay mga accidents) pero nag-iba na ang “substance” nito. Tunay na si Hesus an gating tinatanggap sa misa.
Sa pagtanggap natin kay Hesus, tayo ay nagiging bahagi nang katawan ni Kristo. At dahil dito sana ang ating buhay ay maging salamin nang mga aral at buhay ni Kristo.
Note: Am back…

Javar
Javar
(Jn. 10: 27-30)
Ako po ay may alagang aso sa kwarto. Bigay sa akin ni kuya Fr. Butch. First time kong mag-alaga nang aso. Noon kase mga askal ang aking mga aso kaya di masyadong alagain. Basta pakainin mo lang ayos na sila. Ang asong ito ay dauchaund. Ang pag-aalaga pala ay di basta-basta. Kailangang tingnan kung may pagkain at baka magutuman. Kailangan din laging may tubig siya na maiinom. Kailangan ding paliguan.
Nagbago ang buhay ko nang dumating si Javar. Kinailangan kong itaas lahat nang aking gamit kase kanya itong ngangatngatin. Dalawang bagong tsinelas na nga ang kanyang nasira. Ilang mga papel na din ang kanyang pinaglaruan. Kinailangan kong linisin ang kanyang mga dumi. Buti na lang matalino siya. Sa CR na din dumudumi. Noong minsan isang madaling-araw bigla na lang akong nagulat. Si Javar ginising ako. Gusto palang makipaglaro.
Pero masaya ako kay Javar. Malambing ang asong ito. Kapag pumapasok ako sa room ko sinasalubong agad ako. Sumasayaw pa siya. Dumadamba sa akin na tila gusto akong yakapin. Kahit makulit siya marunong din siyang sumunod. Kapag may ginagawa ako lalo na kapag nag-facebook ako hihiga na siya at ang paa ko ang gagawin niyang unan. Yan si Javar. Makulit pero malambing. Yan ang alaga ko.
Ikaw meron ka bang inaalagaang hayop?
Sa lugar na hindi na tayo pamilyar tungkol sa pagpapastol ito po ang ating pwedeng gamiting imahe: ang pagiging tagapag-alaga. Kapag ikaw ay tagapag-alaga marami kang responsibilidad na dapat gampanan sapagkat sa iyo nakasalalay ang buhay nang iyong inaalagaan.
Ang pagiging tagapag-alaga o pastol ang pinili ni Hesus na pagpapakilala niya sa kanyang sarili. Ang dahilan nito ay sapagkat sa kanya ipinagkatiwala nang ama ang pagbabalik sa mga taong lumayo dahil sa kasalanan. Si Hesus ang gabay tungo sa paglalakbay pabalik sa Ama. May mga elemanto ang pagiging pastol ni Hesus.
Una, dahil siya ang tagapag-alaga dapat pinapakinggan natin siya. Siya dapat ang ating sinusunod. Ang dahilan nito ay sapagkat hindi niya tayo dadalhin sa kapahamakan. Sa panahon ngayon maraming boses ang ating naririnig pero sana kilala natin ang tinig ni Hesus. Hindi rin ating sarili ang dapat na sinusunod. Ang kalooban nang Diyos ang ating dapat na laging sinusunod.
Ikalawa, may assurance si Hesus na kapag tayo ay nasa kanya, hindi tayo mapapahamak. Kung bakit wala pa rin tayong kasiyahan kahit na nasa atin na ang kayamanan, kasikatan at kapangyarihan ang dahilan ay sapagkat wala tayo kay Hesus. Iba ang ating sinusunod. Kilala tayo ni Hesus. Walang pwedeng itago. Ang sabi nga ni San Agustin: “huli na nang mahalin kita.”
Ikatlo, ipinapahayag ni Hesus na siya at ang Ama ay iisa. Kung bakit concern si Hesus sa mga pasaway na mga anak ay sapagkat concern ang Ama para sa atin. Hindi nais nang Ama na ang kahit isa sa atin ay mapahamak. Ang sabi nga sa isang panalangin: “Kahit ito ay iisa, labis siyang magdadamdam.”
Ngayong nagpapakilala si Hesus bilang taga-pag-alaga natin, hwag tayong bumitiw sa kanya. Pakinggan lagi ang kanyang tinig sa pamamagitan nang panalangin. Sundin lagi ang kanyang utos sa pamamagitan nang paggawa na tama. Siguradong dadalhin niya tayo sa magandang pastulan.

Mabuting pastol
Mabuting Pastol
(Jn. 10 :1-10)
Mayroong alamat ang mga Hudyo kung bakit si Moises daw ang pinili nang Diyos na manguna sa Israel. Minsan daw ay pinapakain ni Moises ang mga tupa nang kanyang father in law. Napansin niya na kulang ang mga ito at may isa na nawawala. Kanya itong hinanap at natagpuan. Pinasan niya ito sa kanyang balikat at saka ibinalik sa kawan. Nakita ito nang Diyos at kanyang sinabi: “Dahil pinagsikapan mong hanapin ang isang nawawalang tupa at ibinalik mo ito sa kawan, ikaw ang pinipili ko na maging pastol nang aking bayang Israel.”
Ang pagiging pastol ay hindi madali. Para sa mga Israelita, ang pagiging pastol ay hindi madali. Mabato ang kanilang lugar at mahirap ang tubig kaya kinakailangang kabisado nang pastol ang lugar at alam kung saan may maiinom ang kanyang mga alaga. Marami ding mga kalaban ang mga tupa: maraming mga asong gubat na possible silang kainin, mayroon ding mga magnanakaw nang tupa. Kaya nga ang pastol ay dapat na laging alerto upang maging ligtas ang mga tupa. Kailangan alam din niya kung saan may mga berdeng damo na makakain ang mga ito.
Ang pagiging pastol ang pagpapakilala ni Hesus. Hindi lang pastol. Isang Mabuting Pastol. Hindi lang sa Israel siya pastol. Siya ang pastol nang lahat. Siya ang tagapag-alaga nang bayan nang Diyos. Siya ang magpapasan sa mga taong naliligaw nang landas. Siya ang magbabalik sa mga taong napapalayo sa Diyos.
Si Hesus ang pastol, tayo ang kanyang kawan. Kinakailangan nating manalangin sapagkat sa pamamagitan nito makilala ang kanyang tinig upang di tayo malinlang nang kalaban. Kinakailangan din nating sundin ang kanyang mga utos sapagkat ito ang gabay natin patungo sa kaligtasan.

tagapag-alaga
Tagapag-alaga
(Jn. 10: 22-30)
Sa isang kwentuhan sa ordinary bus narinig ko ang kwentong ito.
Nagkita ang dalawang magkumare at nakakumustahan. Yung isa pala ay galing sa ibang bansa at kinumusta siya. Sumagot naman yung ale: “Ilang buwan na ako ditto sa Pilipinas. Tapos na ang aking kontrata sa Singapore pero nag-aaply ulit ako upang makabalik sa dati kong amo. Nagustuhan kase nang amok o ang aking trabaho na pag-aalaga nang kanilang anak. Tatlong taon ko din yung inalagaan. Napamahal na sa akin yung bata at napamahal na din ako sa kanya. Noon ngang ako ay paalis na, umiyak yung bata. Hindi mapatahan kahit na nung mga magulang niya. Gusto pa ngang sumama sa akin dito sa Pilipinas. Sinabi na lang noong kanyang magulang na magbabakasyon lang ako at babalik din.”
Ang mabuting tagapag-alaga ay napapamahal sa kanyang inaalagaan at ang inaalagaan ay mahal nang mabuting tagapag-alaga.
Si Hesus ay mabuting tagapag-alaga, inaalagaan niya ang kawan nang Diyos. Ang sabi niya: “Buhay na walang hanggan ang ibinibigay ko sa kanila at hinding-hindi sila mapapahamak ni walang aagaw sa kanila mula sa kamay ko.”
Sana lagi tayong makinig sa ating tagapag-alaga sapagkat siya ang higit na nakakaalam nang kung anong mabuti para sa atin. Mahirap man minsan unawain ang kanyang plano pero ang mahalaga ay naniniwala tayo na hindi niya tayo dadalhin sa kapahamakan. Sundin lagi natin ang kanyang mga bilin sapagkat ito ang ating gabay upang makarating sa magandang pastulan, ang kanyang kaharian.

Sabado, Abril 13, 2013
true love
True Love
(Jn. 21:
1-19)
The measure of true love is the love that has no measure!(St.
Francis de Sales)
Ang tunay na pagmamahal ay ang magmahal nang walang panukat!
May isang kwento tungkol sa isang binata na namasyal sa
isang park. Sa kanyang paglalakad nakakita siya nang isang wallet. Kanya itong
pinulot at tiningnan ang laman upang malaman kung sino ang may-ari nito. Nakita
niya sa loob ang tatlong dolyar pero walang laman na identification. Sa parteng
pinakailalim na ay may nakita siyang isang sobre na halatang matagal nang
nakatago sa wallet na iyon. Kanya itong binuksan ay may nakita siyang love
letter. Nakasulat doon ang “Dear Michael….” at sa ilalim ay “Nagmamahal, Hannah.” Ang sulat na ito ay
may date na 60 years ago. Sa sobre ay may nakalagay na return address kaya
pumunta siya doon pero iba na ang nakatira at 30years nang umalis ang dating
may-ari nito. Itinuro niya na nasa isang home for the aged yung hinahanap
niyang Hannah.
Pumunta siya roon at nakausap si Hannah. Ipinakita niya ang
wallet at ang sulat at sinabi niya na gusto niyang ibalik ito kay Michael pero
di niya alam kung saan ito nakatira. Umiyak si Hannah habang sinasabi niya na
ito yung huling sulat niya para kay Michael sapagkat sila ay nagkahiwalay na
dahil tutol ang magulang niya. Sinabi din niya na hindi siya nag-asawa kase
hinihintay niya si Michael. Di na niya ito muli pang nakita. Nagpaalam na ang
binata. Di pa rin niya alam kung papaano maibabalik ang wallet.
Palabas na siya nang building na iyon nang makita nang guard
ang hawak niyang wallet. Sinabi niya na natatandaan niya ang wallet na iyon.
Ang may-ari niyon ay si Michael na nakatira sa 8th floor nang
building ring iyon. Pinuntahan nila at nakita nila si Michael. Matagal na din
pala niyang hinahanap si Hannah at matagal na niyang itinatago ang huling sulat
na iyon ni Hannah. Dinala nang binata si
Michael kay Hannah. Tumulo ang kanilang mga luha sa kanilang pagkikita
matapos ang mahabang paghihintay.
Isang linggo matapos iyon nakatanggap nang tawag ang binata.
Iniimbitahan siya sa kasalan nina Michael at Hannah sa home for the aged…
Ang sukatan nang tunay na pagmamahal ay ang magmahal na
walang panukat!
Sa Mabuting Balita ipinakita ni Hesus ang tunay na kahulugan
nang pagmamahal. Iniwan at ipinagkanulo siya nang kanyang mga alagad. Ang mga
alagad ay nagbalik na sa kanilang dating buhay at dating hanap-buhay at hindi na
ipinagpatuloy ang sinimulan ni Hesus. Pero dahil mahal sila ni Hesus, ito pa
ang lumapit sa kanila. Inalok pa nga ni Hesus nang pagkain ang mga alagad.
Kahit na nga si Pedro na tatlong beses na itinatwa si Hesus
binigyan ni Hesus nang pagkakataon na makabawi. Tatlong beses niyang siyang
tinanong kung mahal niya si Hesus. Sinabi ni Pedro na mas mahal niya si Hesus
kesa sa kanyang kabuhayan. Mahal niya ito kahit na marami siyang kakulangan. At
dahil sa pagmamahal na ito handa niyang tanggapin ang anumang reponsibilidad na
kaakibat nito.Dahil dito nakabawi si Pedro. Pinagkatiwalaan pa siya ni Hesus na
maging tagapag-alaga nang kawan nang Diyos.
Tunay ba ang pagmamahal mo? Lagi nating alalahanin ang
pagmamahal ni Hesus.
Tandaan natin: “Ang sukatan nang tunay na pagmamahal ay ang
magmahal na walang panukat!”
Linggo, Abril 7, 2013
Lukas Malakas
Lukas Malakas
(Lk. 1:26-38)
Ang kayabangan nagdudulot nang kapahamakan.
Ang Pagpapakumbaba ay nagdudulot nang biyaya!
May naalala akong tula noong elementary…
Lukas Malakas
Lalaking matapang itong si Lukas malakas,
Nang minsang magalit, baka ay inihampas,
Ngunit nang gumanti, tiyan ang sinuag,
Kaya’t noon din, si Lukas natodas!
Ang kayabangan ay nagdudulot nang kapahamakan,
Ang pagpapakumbaba ay nagdudulot nang biyaya!
Si Maria ay napili na maging ina nang tagapagligtas. Dahil sa kanyang pag-oo at pagtalima sa kalooban nang Diyos, naging instrumento siya nang pagdaloy nang pagmamahal nang Diyos. Dahil kay Maria, ang Kaharian nang Diyos ay nagsimula na.
Hwag maging mayabang upang kapahamakan ay maiwasan.
Maging mapagpakumbaba upang dumaloy sa iyo ang biyaya!

Huwebes, Abril 4, 2013
kapayapaan
Kapayapaan
(Lk. 24:
35-48)
Lahat tayo naghahangad nang kapayapaan.
Para sa iba ang kapayapaan ay kawalan nang giyera o kawalan
nang away at tunggalian. Pag magkakasundo daw ang bawat isa, payapa din ang
mundo.
Para kay Pope Paul VI, “development is the new name for
peace.” Sino nnga ba ang magiging payapa kung hindi napupunan ang mga basic
needs nang bawat isa. Kaya nga kapag nagugutom ang tao, walang kapayapaan. Ang
mga magulang na walang maibigay na pagkain at maayos na tirahan para sa
kanilang pamilya ay wala ding kapayapaan.
Pero ano man ang pakahulugan natin nang kapayapaan, nauuwi
ito sa isang bagay: Magkakaroon nang kapayapaan kung nandun kinikilala natin
ang presensya ni Hesus.
Tingnan nating sa Mabuting Balita. Walang kapayapaan ang mga
alagad ni Hesus kase nag-aalala sila sa kung anong mangyayari sa kanila. Sila
ay natatakot para sa kanilang buhay. Sila ay nangangamba na sila na ang kasunod
na papatayin katulad nang ginawa kay Hesus. Alam ito ni Hesus kaya nga sinabi
agad ni Hesus: “Sumainyo ang kapayapaan!” At dahil kasama na muli nila si
Hesus, nagkaroon sila nang kapayapaan.
Hindi naman nagbago ang sitwasyon. Nakaamba pa rin
angkamatayan sa kanila. Pero nagkaroon sila nang kapayapaan kase nandun si
Hesus!
Sa ating buhay ganun din. Kung wala tayong kapayapaan, tayo
po ay lumapit kay Hesus. Manalangin tayo sa simbahan. Pag-uwi natin sa ating
mga tahanan asahan natin na wala namang nagbabago. Ganun pa rin marahil ang
inyong bahay…mahirap pa din ang buhay. Ang ugali nang iyong asawa ganun pa rin.
Masama pa din ang ugali nang inyong biyanan. Masungit pa rin ang inyong mga
magulang. Pero merong nagbago. Ikaw ang nagbago. Kasama mo na si Hesus. At
dahil ditto marami mang problema, meron pa ding kapayapaan.
Gusto mong magkaroon nang kapayapaan? Isama mo si Hesus sa
buhay mo…
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)